Rule Ten
Cardigan Hamilton
Summer’s POV
Anak ng tinorotot na baboy! Kung kailan naman aalis kami saka naman hindi lumitaw. Ang lakas ng topak ng Alpha nila. S’yempre gusto ko rin namang magpasalamat, ‘no.
“Ano… Ron…”
Tumingin sa akin si Ron na nakangiti at hindi alintana ang paghahanap ko sa missing in action niyang Alpha. “Bumalik kayo paminsan-minsan, ah. Sana hindi n’yo kami makalimutan.”
Natawa ako. “Ang drama mo e ‘no. Akala mo naman ang layo ng Sunny Dale sa Dahlia. Bibisitahin ko kayo paminsan-minsan. Pero kung kailangan n’yo ng tulong, heto,” pagkatapos iniabot ko sa kanya ang colored note na nakasulat ang number ko. “Tawagan n’yo ‘ko. Basta any help na kailangan n’yo at kaya ko, tumawag kayo.”
“Wow,” tinignan niya ang note saka niya ako nginitian ng malapad. “Salamat, Summer.”
“Nah, don’t mention it. You’re most welcome.”
“Well… ibababa mo na ba ang barrier?”
Nilingon ko si Cyrus na sinusubukang sumilip sa labas ng kakahuyan. Lumingon siya sa akin maya-maya. Umiling siya na sinasabing wala na siyang makitang hunters sa paligid.
“Wala na rin naman akong naaamoy na hunters e,” dagdag ni Ron na nakita rin ang pag-iling ni Cyrus.
“Well then… I should give it a try. Take care, okay?”
Tumango siya. Kumaway ako sa kanila bago pinuntahan ang pwesto ni Cyrus. Gaya ng ginagawa ko noon, sa iglap lang ay wala na ang invisible na pader na humaharang sa dadaanan namin.
Finally, makakaalis na kami ng Autumn Knight. Pero bakit parang ayoko pang umalis?
***
“Nana Ipieeeeee!”
Sumilip siya sa kusina. Nilaglag ko ang backpack ko sa may sofa at sinalubong siya ng yakap.
“Jusmeng bata ka!” bulalas niya matapos akong yakapin pabalik. “Saan ka ba nanggaling?”
“Eeew. You’re starting to sound like a lola,” kunwari’y maarteng reklamo ko.
At ako lang naman po ay dinapuan ng kawali sa ulo. I winced in pain. Grabe ‘tong bruhang ‘to. Hatawin daw ako ng kawali sa ulo? “Joke lang naman, e!”
“Heh! Saan ka ba nanggaling?”
Ninenerbyos akong tumawa. “Na-stuck sa isang kagubatan.”
At dahil hindi ko na alam kung paano pa ipapaliwanag ang nangyaring insidente, nagpunta ako sa kusina ng mansyon at naghalungkat ng matinong pagkain. Natagpuan ko ang Chips Ahoy at mga cereals ko na naka-stock lang sa cupboard. Oh heaven. Na-miss kita Mistic ko!
“Hindi nga, Summer? Saan ka nanggaling?” pang-uusisa ni Nana Ipie sa akin na sinundan pa ako hanggang sa kusina.
Kinain ko lahat ng cookies na nasa loob ng pakete ng Chips Ahoy. Ako na walang manners. Galit-galit na kapag gutom! LOL.
“Iyon nga kasi. Cyrus caused a stir so we’re practically stuck inside a forest with a whole pack of werewolves.”
“Werewolves?!” nanlalaki ang mga matang sigaw niya.
“Woah woah, Nana Ipie, chillax. Mababait sila. Tinulungan ko sila from the Sector.”
Tumango lang siya after marinig iyon at tumahimik na.
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Kurt Adam(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...
