Rule Twenty
Anong Nangyari?
Summer’s POV
Two months later…
Being at Crescent gives me a breathing space na malayo sa pack. Sa Crescent, hindi ko na kinakailangan pang mag-isip. Thank God for Cyrus too. For the last two months, there’s never a dull moment with him. Hindi niya ako binibigyan ng oras para isipin pa ang nangyari sa Mistic. He was a big help to me.
Sabi naman ni Nana Ipie noong huli ko siyang makausap sa telepono, okay naman daw ang pack sa Mistic. It’s just that down na silang lahat hindi kagaya dati noong nando’n ako.
Pero s’yempre, malamang ay binobola lang ako ni Nana.
Truthfully, lumipas ang maraming linggo na hindi ko namamalayang paulit-ulit lang ang routine ko. School, Crescent, gala. Gano’n lang. So far wala pa namang bago. At para bang narinig ng langit ang iniisip ko, nagkaroon ng excuse ang tadhana para pabalikin ako sa Mistic.
Unang linggo iyon ng Agosto nang mangyari.
“Summer. I’ve got news.”
Napalingon ako. Tinapos ko ang sinusulat ko sa notebook bago ko hinarap si Xanara na nakarating na sa kinauupuan kong bench sa may school track field. “Oh? Balita?”
“New breed of hunters.”
Umarko ang kilay ko. “Huh?”
“Nitong nakaraan lang, sa Southern part ng Devon, naubos ang buong pack ng werewolf na naroon. Sabi ng isa sa mga source ko, nawawala raw ang ilang mga katawan at kakaunti lamang ang na-retrieve. Gano’n din ang sitwasyon sa parte ng Dahlia. At nito lang din naglalabasan ang sinasabi nilang new breed of hunters.”
“Hindi kita maintindihan, Xana,” kunot-noong sabi ko.
“I speculated that they captured werewolves and turned them into a remoted hunter programmed to hunt other wolves and vampires. They are unbelievably strong, Summer. And I do believe na posibleng mangyari ‘yon when we’re talking about The Sector here.”
Natigilan ako doon. Hindi pa sila nagtatagumpay na makagawa ng mga remote-controlled hunter na at the same time ay mutant-injected werewolf din. Hindi sila makakuha ng Alpha DNA para doon. Pero kung ang mga lobo naman ang iko-convert nila, hindi rin nila kakayanin. Strong-willed ang mga taong-lobo na malalakas. Makakuha man sila, iyon ang mga mahihina na kaya nilang ma-kontrol.
Papaano nila nagawa iyon?
Magda-dalawang buwan na rin akong hindi umuuwi. No contact ever made with me pwera noong una’t huling tawag ni Nana Ipie. But I know Card and her weren’t that worried with me. Ilang block lang ang layo ng Crescent sa Mistic, ‘no.
That evening noong pagkatapos ng dismissal, I called Cyrus’ phone.
“Honeysuckle,” agad niyang bungad. “Missed me?”
“Mandiri ka nga. Sasabihin ko lang na baka hindi ako makauwi ngayon. May kailangan akong kausapin sa mansyon, e.”
“Oh. Babalik ka pa ba?”
“Bakit parang ayaw mo na?”
“Naniniguro lang naman akong babalik ka. Nasanay na kasi akong katabi ka kapag natutulog. Now I can’t sleep again.”
Napahinga ako ng malalim. Cyrus don’t sleep unless may kasama siya at katabi. Ewan sa kanya. Sakit niya ‘yan, e. Hindi rin naman niya sinasabi kung bakit kaya’t hinahayaan ko na lang. Magsasabi naman ‘yan kung handa na siya.
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Hombres Lobo(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...
