Rule Twenty Five
We’re Mates?Summer’s POV
Bumaba ako sa sala pagkatapos kong maligo at magbihis ng pang-araw araw ko nang outfit na puting tank top partnered with black thigh-hugging jogging pants. Ang jologs ko ‘no?
S’yempre’y dating gawi. Dumiretso ako sa kusina. Nadatnan kong si Spear lang ang naroon kasama si Ron at si Nana Ipie na nagpi-prepare ng breakfast. Babatiin ko sana si Nana nang makuha ang atensyon ko ng kinakain ni Spear.
Oh my! Hilaw na manggaaaa!
“Uwaaaaaa pahinge!” kumuha ako doon sa hiwa ng mga mangga na kinakain ni Spear. Ang weird pakinggan ‘no? Si Spear kumakain ng hilaw na mangga.
“Summer!” sita ni Nana. “Maaga pa para kumain ka n’yan. Lagyan mo na muna ng laman ‘yang tyan mo. Hindi ka raw kumain kagabi sabi ni Cyrus.”
“Naku, oo nga pala.” Binitawan ko kaagad ang kinuha kong mangga. “E… wala bang pwedeng kainin?”
Baka akalain ninyo e dumikit ako kay Spear, ah. Hindi pwede kaya’t dumi-distansya pa din ako ng super layo. Nasa counter nga ako nakatayo habang siya naman ay nakaupo sa dulong silya ng maliit na mesang naka-locate sa dirty kitchen at kumakain siya ng mangga pero nakasunod ng tingin sa akin.
“Oh.” Inabutan ako ni Nana ng chocolate drink na mukhang kape. Ano bang klaseng tsokolate ‘to? “Bawal ka sa kape, Summer, naiintindihan mo? Bawal din ang alak, bawal ang sigarilyo, bawal ka rin magbuhat ng mabibigat na bagay.”
“Ang daming bawal. Mamamatay na ba ako? Baka bawal na rin ang huminga, sabihin n’yo lang.” Inambaan ako ni Nana ng kawali kaya’t napaatras ako. “Ito naman oh. Nagjo-joke lang ako. Ang sarap kaya ng buhay ko.”
Humigop ako sa chocolate drink ‘tsaka kumain ng nakaugalian ko nang kainin na french toast. Kaso’y natutukso talaga ako doon sa kinakain ni Spear kaya nakapirmi ang tingin ko sa mangga.
“Tsk. Sinabi nang maaga pa.” Si Spear na talaga ang sumita sa akin. “Mag-almusal ka ng maayos. Baka mamaya sa banyo ka humantong dahil pinaghahalo mo ang tsokolate ‘tsaka mangga.”
“Tinutukso mo kase ako. Ba’t kase ang aga-aga mong lumalantak ng manggang hilaw?”
“Hindi ba dapat alam mo na kung bakit?”
Halaaaa.
Oo nga, ‘no! LOL!
Nanahimik na kaming lahat. E kasi nakakailang pa rin talagang isipin na dinadala ko ang anak ni Spear. Na mukhang wala yata siyang balak panagutan? Ah, basta. Gusto ko ‘tong bata. Okay lang, basta may lahi. Gwapo si Spear, maganda ako. Perpekto ang kalalabasan ng batang ito!
Pero s’yempre joke lang! Mahal ko ang baby ko kahit hindi ko pa siya maging ka-mukha.
“Nana, hindi ba nasabi nila Xana kung bakit si Spear ang nagdala ng morning sickness ko?” usisa ko kay Nana Ipie.
“Nasabi. Baka raw sa kapangyarihan mo. Baka raw nahiling mo na maipasa kay Spear ang mararamdaman mo pa lang since nag-iinitiate ‘yang pagiging sorceress mo kapag may gusto ka.”
Aba’t talaga namang ang dami nilang nalaman ah.
“Gano’n? Weeeell… I’ll figure a way to reverse it. Baka may alam sila, itatanong ko na lang. Magaling namang mangkukulam si Cheen, e.”
“Teka, h‘wag na.” Biglang pigil ni Spear kaya’t nasamid ako sa iniinom kong chocolate. “Hayaan mo na. H’wag mo nang pagkaabalahang i-reverse pa.”
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Wilkołaki(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...