Rule Nineteen
Full MoonSummer’s POV
Naramdaman ko na lang ang mga kamay na umikot sa bewang ko mula sa likuran. Nakita ko si Spear mula sa salamin na kaharap ko. Nag-aalala ang ekspresyon ng mukha niya. Napabuntong hininga ako. “Tsk. H’wag ka ngang masyadong naniniwala kay Card. Walang mangyayaring masama, Spear. Trust me. Gagawin lang nating hybrid si Sharen. That’s all.”
Tumango siya. “Alam ko ‘yon. Hindi lang kasi… maganda ang kutob ko dito. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.”
Pumihit ako paharap sa kanya. Ipinulupot ko ang mga braso paikot sa kanyang leeg bago dampian ng halik ang labi niya. “Spear naman, e. H’wag ka ngang ganyan. Okay lang ako, walang mangyayaring masama.”
“I had a bad dream last night.”
“What dream?”
“That you were standing between me and Cyrus. In my dream, you had to choose. You looked at me. You smiled at me. Then you were gone. Hinanap kita pero hindi kita makita. It was so terrifying. Summer, ayokong mangyari ‘yon. Para kasing may ipinapahiwatig sa akin ang panaginip na ‘yon.”
Pasimple akong lumunok. Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana kung saan kitang-kita ko ang kabilugan ng buwan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tumingin ako kay Spear. Matama siyang nakatingin sa akin. Napalitan ng takot ang kaninang pag-aalala sa mukha niya.
Oh God…
“Spear—”
“You’ll choose me, right? You’ll always choose me. Right, Summer?”
Ngumiti ako—albeit a slightly hesitant one—at hinaplos ang kaliwa niyang pisngi. “You don’t have to worry about that. Of course, I’ll choose you.”
“Over anything else?”
“Spear…”
“Because, Summer, I will. I’ll choose you over anything else. Can you do that for me? Ako pa rin ba ang pipiliin mo kahit na anong mangyari?”
Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang mga iyon, kung bakit ako kinakabahan simula nang marinig ko ang kwento niya tungkol sa panaginip niya. Bakit nga ba? Ano bang dala ng kabilugan ng buwan para sa amin ni Spear? Para sa aming lahat?
It scared me that he’s talking about choosing sides. Bakit naman sa dinami-dami ng taong pagpipilian, si Cyrus pa? Cyrus is my safety net. Cyrus is someone who was there for me simula pa man noong bata ako. Spear on the other hand…
I love Spear.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang extent ng pagmamahal na iyon. Kung pareho ba kami ng nararamdaman o hindi. Ang dami pa naming mga problema at mga isyu na kailangang harapin.
Isyu sa pamilya ko. Isyu sa mate niyang si Edka na hindi na namin inuungkat.
Nakakabaliw nga minsan kung iisipin. Halos linggo pa lang ang itinatagal ng relasyon namin pero para bang ang bilis mag-evolve ng mga nararamdaman namin para sa isa’t-isa. Animo’y isang bullet train ang pag-develop ng mga emosyon namin. Mula sa simpleng atraksyon, nauwi sa pagmamahal.
But I keep waiting for the other shoe to drop.
Hindi pa nasusubukan ang pagmamahal na iyon. And frankly ayoko na muna. Hindi pa ganoon katibay ang pundasyon ng relasyon namin ni Spear. Madali pang bumigay. Madali pang masira. Marami pa akong mga takot at pangambang hindi niya magawang palisin. Ayaw niyang pag-usapan. Ayaw niyang ungkatin.
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Hombres Lobo(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...