Waaaaaaah! kinikilig ako kay Spear without any particular reason. xD Adik ko lang. xD
***
Rule Four
Spear Jensens
Summer’s POV
Naupo lang siya sa swivel niya. Patingin-tingin si Cyrus sa paligid ng opisina. Nilabas ko ang phone ko at tine-text si Uncle. Wala lang, baka kasi katapusan na namin ni Cyrus, maibilin lang na i-crimate ang bangkay ko para walang makuhang body part sa akin.
“Ipaliwanag n’yo kung anong ginagawa n’yo dito.”
Honestly I admire his voice. Full of authority yet sexy. Yeah, medyo natatakot ako ng konti sa kada magsasalita siya. I sure don’t wanna anger a huge werewolf like that Alpha. Pero trip kong i-record ang boses niya at paulit-ulit na pakinggan iyon sa gabi. Ma-try nga minsan. Gagawin ko siyang lullaby.
Me likey.
“Becka is a student at Saint Claire,” narinig ko ang tinig ni Cyrus mula sa likuran ko. “She hooked up with me early this afternoon and told me to uh… go here and we’ll… uhm… do what we’re supposed to do.”
Pfft! Ayan kasi. Sa sobrang ka-swapangan mo sa sex, ni hindi mo magawang sabihin na balak mong halayin ‘yong bata.
Bigla na lang niya akong pasimpleng sinipa. Sinimangutan ko siya. Malamang ay narinig niya ang iniisip ko. It’s one of the perks of being a vampire. Nababasa niya ang iniisip ng iba.
“I never inhaled a wolf scent so I basically thought she was human. But when I kissed her she tastes like… musk. Earthy. Wolf-y…”
Wolfy? Anong word ‘yon? Imbento ‘to si Cyrus.
“So I started asking her. She collapsed. Hindi ko maintindihan kung paano nangyari but an illusive elipse of the forest started to play with my eyes. Five wolves came and even Summer got in because of the elipse.”
Naningkit ang mata ko sa pagsususpetya. Werewolf na hindi nangangamoy aso—este taong lobo at may kakayahan na gumawa ng illusive ellipse?
Tinignan ko ang dalawang werewolf sa silid. Based on their looks, mukha silang kalahating guilty. They probably have known something’s wrong with that girl.
“And you?” sabay baling nila sa akin.
“I’m this fool’s tamer,” duro ko kay Cyrus. “I just followed him.”
Bakit na naman ba kami nag-iingles?
“Anong ginawa mo kay Becka?” tanong ni kuya BOP na palakad-lakad pagkatapos ay tumabi sa amin ni Cyrus.
“Kailangan ko pa bang i-isplika? ‘Di ba pwedeng mag-thank you na lang? ‘Di ba pwedeng lumabas na lang kami ‘tapos hindi na babalik ever?”
The Alpha glared at me. Napaatras ako though hindi halata. Ang hot naman ng ulo nito. Buhusan kita ng malamig na tubig d’yan, e.
“Fine,” bumuntong hininga ako. “My blood can save any forms of wolf and vampires dying. My blood absorbs the poison before it spread out. My blood is faster than any poison can spread kaya na-absorb kaagad no’n ang lason bago pa man umakyat sa delikadong parte niya.”
Amused, they regarded me intently. Lalo na si kuya BOP na katabi namin.
“Ho-ho, h‘wag n’yo ‘kong tignan ng ganyan.”
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Kurt Adam(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...
