Rule Twenty Four
Alpha’s Pain
Ron’s POV
Palala ng palala ‘yang morning sickness ni Spear. Mabuti nga at may mga remedy na alam si Lana para kahit papaano ay maibsan naman ang lagi niyang pagsusuka sa umaga.
“Tol, okay ka na?”
“Mukha ba akong okay?”
“Hala.” Tarayan daw ba ako? Dagukan ko ‘to, e.
Pumasok sina Ipie at Sharen para iabot kay Spear ang morning medicine na ini-reseta ni Lana. Na-realize ko, ang saklap pala. Wala dito ang nagbubuntis pero nagdadanas ang nakabuntis. “Bakit ba kasi sa ‘yo napunta ‘yang morning sickness ni Summer?”
“Mas okay na rin ‘to,” he said while rising up from the tiled ground at ininom ang gamot. “Ayokong danasin ni Summer ‘to ng magkalayo kami.”
Sus. Cheesy.
“Pero ‘di ba sabi nga ni Xanara? Summer’s power tend to initiate when she wants something,” Sharen pointed out. “Nagsimula lang naman ‘yan nang bumalik si Summer at kausapin si Card, e. Pagkatapos nagkita sila ni Spear. Baka hindi niya sinasadyang naipasa ang dapat e mararamdaman na niya.”
“Pero grabe lang ang pagka-late ng signs,” pailing-iling namang usal ni Ipie.
Tindi rin ni Summer. Paano na nga ba ang gagawin namin kung hindi kay Spear ‘yon? “Kay Spear nga kaya talaga ‘yon?” I wondered out loud.
I realized that was a mistake when I heard Spear growled at me. Napatalon ako sa gulat bago ko itinaas ang mga kamay ko. “Nagtataka lang. Malay mo ‘di ba?”
“I don’t like the idea of Summer sleeping with any man but me.”
Wow possessive ang mokong. Oh well… relate rin naman ako.
“Ano ka ba, Ron? Bakit ka ba nag-iisip ng ganyan? Summer is not that careless to sleep with just any man out there. Ang adik mo. I know Summer more than you do.” Ayan na nagalit na si Ipie labs.
Napakamot ako sa ulo. “Kayo naman hindi na mabiro.”
“Basag trip ka e.”
“Magsilayas na nga kayo dito,” naku pinapalayas na po kami ni Spear sa kwarto ni Summer na amoy summer.
Hindi na kami sumubok pang umapela. Umalis na kaming tatlo. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya d’yan sa loob ng buong maghapon. Nagmumukmok? Umiiyak? Nakikipag-sex sa unan?
Hindi, joke lang po! Peace sa ‘yo, Spear!
Nasa sala kami ni Ipie labs nang hapon na iyon. Tatayo sana siya para magluto na pero nakita naming bumaba si Spear kaya’t sinalubong namin siyang pareho sa hagdan.
“May pupuntahan ka?” taka kong tanong.
“Sa Saint Claire Academy. Pupuntahan ko si Summer.”
Ipie nudged me. I looked at her with a pair of inquiring eyes.
“Samahan mo si Spear.” She whispered. “Baka kung anong gawin n’yan do’n.”
Tumango lang ako at bumaling na kay Spear. “Sasamahan na kita.”
Hindi umimik si Spear at naglakad na lang. Humalik ako kay Ipie bago ko sinundan si Spear palabas. Kotse ko ang ginamit namin papunta sa eskwelahan ni Summer.
Ilang minuto pa ang lumipas, sinapit namin ang Academy. Ang problema lang, nakahinto lang kami sa parking area ng school.
“Spear,” pagtawag ko sa kanya nang biglang lumabas siya ng kotse.
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Werewolf(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...
