Rule Twelve
Tied Together With A SmileSummer’s POV
Minsan talaga iniisip ko kung bakit ang bait-bait ko masyado. Sa sobrang kabaitan ko, heto at nasa kotse ako, binabaybay ang mala-gubat na kalye ng Dahlia. Kung bakit kasi panay puno at mga damo dito, e. Ang hirap maghanap ng taong-lobo kapag gabi at puro puno ang nasa harapan!
Out of the blue, tumugtog sa stereo ng kotse ko ang kanta ni Taylor Swift. Napasabay ako ng hindi ko namamalayan. Maya-maya’y natawa ako. Kung makakanta kasi si Tay-tay, e.
At ayan na nga po, nababaliw na ako sa loob ng kotse.
Nagpatuloy lang ako sa pagbaybay sa madilim na daan na puro puno at liblib na lugar lang naman. Nasaan na ba kasi ang dalawang iyon?
Opo. Hinahanap ko lang naman po sina Ron at Spear. Pasaway much. Saan ba sila pwedeng magpunta? Hindi nakakatuwa ito, ah.
I was slowing down nang may maaninag akong tumatakbo sa may bandang gilid. Pinarada ko ang kotse sa may tabi at dahan-dahang pinuntahan ang kaluskos na ‘yon.
“Ooooohhh… yes, baby, right there…”
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa narinig. Pambihira e mukhang hindi taong lobo ‘yang mga ‘yan, e. Mga nag-aaswangan ‘yan, e! “Hoy! At least get a goddamn room! H’wag kayo dito! May motel naman sa bayan! Nagkalat ‘yan, do’n kayo!”
Dampot kaagad ng damit si babae habang tumitili. Dampot rin naman ng damit si lalaki ngunit tinapunan muna ako ng matalim na tingin bago lumayas.
Huminga ako ng malalim, then I buried my face against my hand for a second then turned around and lifted my palm away just to see…
“BOO!”
“AH!” tili ko sa gulat.
Sa sorpresa ko, tumawa siya.
Nangunot ang noo ko. Panaginip ba ito? But then a soft serene voice singing about someone who doesn’t see his own beauty when he looked at the mirror jolted me from that illusion. Kung hindi ko lang dinig ang stereo ng kotse ko sa malapit na tumutugtog ang kantang iyon e aakalain kong nananaginip ako.
Tawanan ka daw ba kasi ni Spear Jensens? Himala, hindi ba?
“Hoy, tama na ang tawa. Masyado kang masaya,” pag-awat ko sa kakatawa niya.
Pero sa kasamaang palad, tumawa pa rin siya. “Ano ba kasing ginagawa mo dito ng disoras ng gabi, Miss Hamilton?”
Naka-high ba itong si Spear? Mukhang may tinira ‘to kaya ganito ‘to kaadik ngayon, ah. “Tse. Ikaw nga d’yan. Kanina ka pa andito, ‘no? Bino-bosohan mo ang dalawang ‘yon ‘no?”
“Pfft!” saka na naman siya tumawa ng pagka-lakas. “Hindi, ah. Tatakutin ko nga sana but even before I shift I smelled your scent. Kaya hinayaan na kita. Mas natakot sa ‘yo, e” at muli na naman siyang tumawa.
“Mukha kang tanga. Shabu ka pa, Spear, ipagpatuloy mo.”
Ngumiti lang siya habang sumasakay sa kotse matapos ko siyang iwan doon at pumasok ng sasakyan. At ang walang’yang tugtog, hayan na naman.
‘You walk around here thinking you're not pretty But that's not true, cause I know you…’
“What song is that?” usisa niya habang nagmamaneho ako.
“Tied together with a smile.”
“Ang haba ng title.”
Pambihira. Ewan ko sa ‘yo.
![](https://img.wattpad.com/cover/955889-288-k202986.jpg)
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Lobisomem(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...