Rule Eleven
EvacuateSummer’s POV
Why am I seeing fire? Why am I feeling the heat scorching my skin? Anong nangyayari? Bakit parang gusto kong umiyak? I feel desperate and anxious sa hindi ko malamang kadahilanan. Nasisiraan na ba ako ng ulo? Natatakot ako. Nararamdaman ko ang paso ng apoy ngunit natatakot ako sa ibang kadahilanan.
God… anong nangyayari?
“No… please… NOOOOO!”
I woke up crying in the middle of the night. Disoriented ako ngunit narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Nakita ko si Card na agad akong niyakap ng mahigpit. Lalo akong napaiyak.
“Sssshhh. Stop crying,” dinig kong pagpapatahan sa akin ng kapatid ko habang hinahagod ang likuran ko. “it’s okay. It’s just a dream.”
“I don’t know what’s happening, Card. I’m so scared.”
He held me like an infant. My brother’s warm muscular body gives me the comfort I need. But it didn’t stopped me from crying.
“What is it?” Card asked.
“Mainit, nakakapaso, I can’t move. I felt anxiousness. Natakot ako, Card, I felt a huge fright towards something I couldn’t freakin’ explain!”
“Fright? May masakit ba sa ‘yo?”
Umiling ako. Pinahid ko ang mga luha ko gamit ang likuran ng palad ko at tinignan si Card sa mga mata. “Hindi ito kagaya ng dati, Card. Iba, e. Natatakot ako hindi para sa sarili ko. Natatakot ako para sa ibang tao. And I don’t even know why! Hindi ko alam kung saan naka-sentro ang takot ko. I felt the frustration, I felt the despair, I felt the nervousness, I felt his pain… It was all so new.”
Niyakap niyang muli ako. He stroke my back gently to calm me down. But I would never calm down. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang hindi normal na pagkabog ng dibdib ko. Ang init na naramdaman kong pumaso sa akin kanina.
At lalong hindi ko makalimutan iyong sakit na hindi naman nanggagaling sa akin…
***
“Good morning, Nana.”
“Morning, Summer!”
Iniabot ni Nana Ipie ang kape na tinimpla niya para sa akin habang nagpapasok ako ng tinapay sa toaster. When it went up, kinagat ko kaagad siya. Inayos ko ang backpack ko habang kagat-kagat ang tinapay.
“Papasok ka na, Revina?”
Nag-angat ako ng paningin only to see Card entering the kitchen. Inabutan din siya ni Nana Ipie ng tasa ng kape.
“Mm.” Inalis ko ang tinapay sa bibig ko bago siya harapin habang ngumunguya. “History ang first class ko so I have to get there as early as I can para hindi mapagalitan ni Sir Ed.”
“Oh. Then I’ll drive you.”
“Eh?” taas-kilay ko siyang binalikan. Aba, himala!
Ngumiti siya sa akin. I took a huge bite on the bread and chewed it kasabay ng pagsukbit ko sa backpack ko.
“I have to talk to Uncle Cain,” rason niya. “Hindi ko pa siya nakakausap simula nang dumating ako, e. So if you don’t mind, pwede ba akong sumabay sa ‘yo?”
“May kotse akong dala.”
“E ‘di ako ang sasabay sa ‘yo.”
Napangisi ako agad. “Oh sure, basta ba’t ikaw ang magda-drive.”
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Hombres Lobo(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...