Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Rule Nine - The Reason

20K 418 20
                                        

Rule Nine
The Reason

Summer’s POV

Yawwwwwn!

Nag-inat ako bago bumangon mula sa kama. Mataas na ang sikat ng araw. Tanghali na siguro.

Ilang araw na rin kaming nandito. Hopefully ay makalabas na. Walang kupas ‘yang mga taga-Sector, ayaw kaming lubayan. Todo effort silang magbantay sa labas na as if namang makakapasok sila ng barrier na iyon kahit na anong gawin nila. Psh. Hindi na sila natuto. Mga timang.

On the other hand, I’ve been lucky that Sharen has these awesome clothings na hindi baduy at nakakailang suotin. Contrary sa mga naririnig ko dati mula sa ibang pack, I don’t think that the Autumn Knight pack is outdated dahil nga medyo malayo sa kabihasnan sila lumugar. As a matter of fact ay sunod nga sila sa uso.

Sumilip ako sa may balcony only to find a gathering at the frontyard. Nasa gitna niyon ang wolf form ni Spear at si Cyrus standing on his ground assuming a fighting stance.

Biglang nag-sink in sa akin ang nangyari.

Holy shit!

“Cyrus!” nanlalaki ang mga matang sigaw ko sa pangalan niya bago madaling lumabas ng silid.

I sprinted as fast as I could para lang sapitin ang frontyard. Sa kasamaang palad e napakaraming madlang people na nakaharang sa dapat e titignan ko.

Eshusme, eshusme. Tabe, tabe.” I kept mumbling habang hinahawi ‘tong mga taong ‘to sa dinadaanan ko.

 Napasinghap ako ng bongga nang makarating sa gitna ng pabilog na pagtitipon. “Hoy! Anak ng tupa, ano sa tingin n’yo ‘yang ginagawa n’yo?”

Tumingin silang pareho sa akin ngunit mabilis ring ibinalik ang talim ng titig nila sa isa’t-isa. Argh! Ano ba ‘tong dalawang abnormal na ito!

“Relax, Summer.” Nakangiting sabi ni Ron na katabi ko pala. “It’s just a friendly fight.”

Napatingin ako sa kanya at binigyan siya ng titig na nagsasabing ‘seryoso-ka-e-magpapatayan-ang-dalawang-‘yan-e-oh’ kind of look.

“Chill, woman. Everything will settle quietly and nicely,” kampante niya pa ring sagot.

“Ay hindi n’yo gets? Wakas na ng sangkatauhan or at least ang sangkahayupan kapag nagkagatan ‘yang dalawang ‘yan! Remember, DNA clashing, haler?”

Ayoko namang lumabas dito ng walang kasamang bampira kapag nagkataon. Baka kalbuhin ako ni Divine Saint Claire kapag hindi nabuhay ‘yang protector niyang bampira. Lagot din ako sa pinsan kong si Xanara. Naku, lagot ako sa buong angkan ng Saint Claire kapag nagkataon.

Ho-ho,” umentra itong si Sharen na tumabi rin sa kaliwang bahagi ko habang nasa kanan naman si Ron. “And’yan naman daw ang forbidden hunter kaya okay lang.”

Asaness. Mamatay na silang pareho pero hindi ako maglalaan ng kahit na isang patak ng dugo sa kanila.”

Narinig kong tumawa si Cyrus at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin, ramdam kong nakangisi iyan ng ngisi niyang nakakaloko. “Maniwala ako. As I clearly remember, you wanted me badly to drink your blood everytime we had a little of snatched meet ups.”

As if namang totoo ‘yon. Kadiri ka talaga, Cyrus! Eesh!

Everyone scoffed at Cyrus na halatang naniwala. Spear growled. Lihim akong napatawa. H’wag kasi kayong naniniwala, haven’t you heard of a vampire psycho? Si Cyrus ‘yon. Ang lakas ng tama sa utak, dapat nga ikinukulong na sa mental hospital ‘yan.

She's The Rule BreakerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon