Rule Twenty Six
Speaking Of The Devil
Summer’s POV
“Tol, para kang bata.”
Pfft!
Actually, ang tindi ng kapit ni Spear sa akin ngayon. Super aga niyang nagising para lang magtapon ng mga kinain niya sa banyo. S’yempre wala naman akong magagawa kung hindi ang gumising na rin dahil kailangan niya ng tulong.
At ngayon, nasa kama kami habang parang tuko si Spear na nakayakap lang sa akin at ayaw nang bumitaw.
“Over ka na, Alpha,” react ni Sharen. “Alam naman naming hindi ka nagkaroon ng pagkakataon na mag-unleash ng childish side mo no’ng teenager ka pa dahil sa pamumuno mo ng pack pero over, ah. Ngayon ka pa talaga nagkaganyan.”
Napangiti lang ako. Nararamdaman kong humihigpit ang kapit ni Spear sa bewang ko.
“Oy, Spear,” pangungulit ni Ron. “Buhay ka pa?”
“H’wag nga kayong magulo. Why are you here anyway? This is supposed to be mine and Summer’s time of the day. Alis.”
“Wow, ah. Nagdala kaya kami ng gamot sa ‘yo. Magpasalamat ka man lang.”
“Thank you. Now go.”
Whoooo! Alpha Spear for the win!
“Babay. Salamat sa tulong!” Kumaway lang ako sa kanilang dalawa as they stormed out of the room na naiiling-iling lang.
Nagkatinginan kami ni Spear. Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi niya bago niya ako nakawan bigla ng halik.
“Spear.” I warned him as he rain kisses on my neck. “Ang aga pa. Spear naman, e.”
“I want you now, baby. Please?” then he intertwined his hands with mine, one sign that he won’t let go until he gets what he wants.
Ay pambihirang buhay! Ano pa bang magagawa ko?
***
Tinitigan ko si Spear. Nakatulog talaga siya ng mahimbing pagkatapos niyang sumuka kaninang alas sais ng umaga. Tsk. Kawawa naman. Pero hindi ko rin naman gugustuhing maranasan ang morning sickness ‘no. Okay lang na siya ang magdala. Ako naman ang iire. Siya na lang ang magsuka. Siya naman ang tatay.
“Good morning, Summer. What’s up?” bati ni Nana sa akin pagbaba ko ng sala.
“Waley, nakakapuyat lang ang morning sickness ni Spear. Parang alarm clock sa umaga.”
“Gan’yan talaga. Sa unang tatlo hanggang apat na buwan lang naman ang morning sickness, Summer. Mawawala din ‘yan.”
Apat? Naku po. Tadtad pala si Spear.
“Hey, Alpha! Good morning!”
Napalingon ako. Hawak ko na no’n ang mug ko na may chocolate drink nang bumaba si Spear mula sa kwarto. To my surprise e bigla siyang yumakap sa akin mula sa likuran sa harapan ng buong pack members niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Halos lahat naman ng nakakita ay napangisi.
Halaaaa.
1… 2… 3…
“Ayyyiieee…”
Oh ‘di ba? Sabay-sabay pa silang lahat. “Mga adik kayo, ‘no? H’wag nga kayong tsismoso. Amp.”
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Wilkołaki(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...
