Rule Three
Worth The Chase
Summer’s POV
Two years later…
Maraming nagbago sa dalawang taong nakalipas simula nang makatakas ako sa Sector. Hindi ako masyadong lumalapit sa mga kahina-hinalang nilalang. Medyo naging cautious na rin ako at iwas gulo hindi gaya dati. After ko kasing makatakas, The Sector was constantly chasing after me. Though hindi sila makapasok sa teritoryo ng Saint Claire Academy na pagma-may ari ni Uncle Cain, there’s always an attempt to actually get my blood.
Na-realize ko na posibleng may alam na sila tungkol sa pagiging werewolf ko. Pero fortunately, any attempts made never succeeded.
“Hi, Miss Summer.”
At sila? Students na taga-hanga ko.
Echos!
Joke lang ng slight s’yempre. Known as a Hamilton, special ang treatment sa akin. Isa pa ‘yang mga creepy babies d’yan. Ang tinutukoy ko ay ang mga supernatural na nandito sa loob ng school na ito. They aren’t babies don’t get me wrong. It’s just that daig pa nila ang mga sanggol kung umasta.
Palibhasa nagyayabang sila dahil alam nilang may mga kakayahan sila na wala ang mga mortal. Kaya’t kapag hindi nakukuha ang mga gusto, nagma-maktol na parang bata. Immature. Tss.
“Hey, honeysuckle.”
At isa ‘yan sa mga example.
Sa totoo lang kasi hindi naman ako kagandahan…
Joke lang! S’yempre lahi na ng Hamilton ang perfect, ‘e. Perfect ang mukha, perfect ang katawan. Lahat na perpekto. Still I would say na hindi ako kasing perpekto nilang lahat. Malayong-malayo ako kay Mommy. I have a long straight black hair, black eyes and fair skin while my Mom has a golden mane, a pair of blue eyes like the skies and a skin as white and smooth as pearls. My body is even no match with her. In her time she was like the goddess chuvaness na pinag-aagawan ng mga lalaki.
Sino ba namang mag-aakalang abnormal pala ng lagay na ‘yon ang nanay ko?
“Where are you off to, honeysuckle?”
Cyrus Schneider, a vampire, one of the kismet vampire twin of Sunny Dale. Siya ang kambal ni Zero Schneider pero hindi naman ka-mukha. A kismet twin is translated in tagalog as ‘kambal ng tadhana’. Sa lahi ng mga bampira, walang nagkakaanak ng kambal. Hindi kasi maaaring magkaroon ng kambal ang isang pamilya ng mga bampira. It’s considered a curse. May matandang paniniwala na naghihigupan ng buhay ang mga kambal na bampira. Nag-aagawan sila sa buhay at sa kamatayan.
Sina Zero at Cyrus ang natatanging kambal na bampira na ipinanganak. Kaya nga sila ang tinutugis. A kismet twin is special. Hindi lang dahil sa biniyayaan silang dalawa ng buhay without the curse of being a vampire twin but because destiny favors them. Ang sabi kasi, ang kismet ang may gagampanan na mabibigat na tungkulin sa hinaharap. Malay ko kung anong tungkulin ‘yon. Ang mahalaga may tungkulin!
Bata pa lang ako kilala ko na ‘yang si Cyrus. He’s approximately… 566, 857 years of old. And I’m twenty years old so siguro nu’ng mga five years old ako dumating siya sa England at sinabing tamer niya si Daddy which is true. So bale… 566, 842 years old siya no’n.
Ay shemay. Gano’n din naman ang mukha, nag-calculator pa ako. Pesteng bampira.
“Tantanan mo nga ako, Cyrus.”
“Hindi mo naman sinabing nakabalik ka na pala? Kamusta ang underground ng Sector? Minulto ka ba ng Daddy mo?” nakangising pangungutya niya.
“Pakyu eternally, lumayas ka sa harapan ko.”
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Hombres Lobo(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...
