Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Rule Thirteen - Mates Are In The Air

19.6K 383 17
                                        

Rule Thirteen
Mates Are In The Air

Summer’s POV

Beep! Beep! Beep!

Biglang balikwas ako mula sa kama dahil sa ingay na iyon. Pagkatapos ay napatingin ako sa gilid kung saan nanggagaling ang lapastangang ingay na iyon.

Naibagsak ko ang sarili ko sa kama.

May galit yata ang alarm clock ko sa kama ko at sa akin. Laging hadlang sa aming pagsasama!

Joke! Charot lang! Kung anu-ano na lang naman kasi ang napupulot ko sa internet. Puno na ng toxic infos ang utak kong mula pa man noong umpisa ay wala nang laman. Pagkatapos ngayon naman, wala na siyang ibang laman kung hindi panay kabulastugan.

“Waaaaaah! Late! Laaaaaaateeee!” sigaw ko nang magising ako thirty minutes later.

Sinasabi ko na nga ba! Hindi kasi dapat ako nahihiga ulit kapag gising na! Ugh!

Agad-agad akong naligo, nagbihis ng uniform, nagsuklay, nag-ayos ng mukha pagkatapos ng gamit. Sinukbit ko ang backpack ko at tumakbo papunta sa kusina hoping to find—

Napahinto ako.

Napalingon.

There were at least twenty people in the living room and their eyes were all fixed on me. Nakalimutan kong may werewolf pack pala akong mga tenant. Pambihirang buhay ito.

“Woah, Summer. Nag-aaral ka?” si Sharen iyon na kakapasok lang ng mansion kasama sina Ron at Spear.

Sinundan nila ang pagtakbo ko hanggang sa kusina. Nagulat ako nang hindi matagpuan ang Nana ko. Naghihimala yatang wala dito si Nana Ipie? Nasaan nagpunta ‘yon?

Anyway, nagpasak agad ako ng french toast bread sa bunganga ko bago sinumulang ayusin ang bag ko. “Nag-aaral ako as a college student since I stopped for years. Well, actually cover lang ang pagpasok ko do’n. Mas may proteksyon kasi kapag—Oh my gosh! Five minutes! Shiiiit! I’m late!”

Tumawa lang sila habang pinapanood akong magmadaling tumakbo patungo sa garahe ng mansyon. Hinahalungkat ko sa bag ang susi ng kotse ko nang maamoy ko ang pamilyar na amoy ng taong-lobong iyon na pumwesto sa tabi ng kinatatayuan ko.

“Pwedeng sumabay?”

Nag-angat ako ng mukha at napatingin kay Spear pagkatapos ay umarko ang isang kilay ko. “May kotse ako.”

“I’ll drive yours ‘tapos susunduin na lang kita mamaya.”

Agad na kuminang ang mga mata ko sa offer niya. “Really?”

Sadya kasi talagang tamad akong magmaneho. Kaya nga mas gusto kong hatid-sundo ako e. Ang kaso naman si Card ayaw laging nae-exposed. Kung si Cyrus? Aba e baka lagi akong ma-late sa kaka-manyak no’n sa akin.

Pumasok na ako sa loob ng kotse while Spear seated on the driver’s seat. Kumakain ako sa loob ng kotse habang nagda-drive siya dahil hindi naman ako nakapag-almusal kanina kamamadaling umalis. “Oo nga pala, Spear, okay na ba ang arrangement ng rooms para sa inyo?”

Nakangiti siyang bumaling sa akin ng saglit bago ibalik ang tingin niya sa daan. “Ah, oo. Sobra pa nga, e.”

“Mabuti naman.” Tumango lang ako. “Pasensya ka na kasi walang masyadong puno at lalong walang falls sa Mistic kaya hindi ka makakatakbo kung saan-saan. Easy target pa lalo kasi nasa Sunny Dale tayo. Sorry, ah.”

“Ano ka ba, okay lang ‘yon. Hindi na rin naman kami pwedeng bumalik sa Dahlia dahil—”

At naputol ang sinasabi niya nang bigla akong mag-hurumentado’t magtitili dahil sa nadaanan naming panay mga bulaklak sa kalye. “Plawers! Plawers! Stop! Stop! Stop the car!”

She's The Rule BreakerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon