Rule Seventeen
There’s Something In YouSummer’s POV
Huminga ako ng malalim. Bakit ba pakiramdam ko e ang bigat-bigat ng problema ko? Ngayon na lang ako ulit binagabag ng ganito. Napatingin ako sa buwan. Crescent pa naman ang hugis nito. Luckily, darating palang ang susunod na kabilugan ng buwan.
“Revina.”
Hindi ko na kinailangang tignan pa kung sino ang pumasok at tumabi sa akin sa balkonahe ng kwarto ko. Alam ko namang si Card lang iyon. Tumabi siya sa akin. Nanatili akong nakatingin lamang sa buwan.
“Have you told her yet?”
“I was waiting for you.”
Sa ewan kung ilang pagkakataon ay nagbuntong hininga na naman ako. Ano ba ‘yan, nagiging hobby ko na yata ‘to eh.
“Sa susunod na linggo magaganap ang kabilugan ng buwan. Gagawin kong hybrid si Sharen. Clash of DNA’s don’t happen in fair breeds. Now what I needed on that night is your blood, her wolf form, Cyrus’ blood and the moon.”
“Are you sure you can do it? Something might happen, Revina. You’re not even sure of this, are you?”
“It’s a case of trial and error, Card,” matatag kong sagot. “If we don’t try, we won’t know what’s wrong.”
Hindi na siya nagsalita. Naramdaman ko na lang na wala na siya sa tabi ko at sumarado ang pintuan.
Tumiim ang bagang ko. “Axcel… did you hate me that much?”
Kung pwede ko lang bang ibalik ang lahat. Nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin, hindi ko alam kung anong iisipin. Ramdam kong maraming tao ang nagmamahal sa akin ngunit bakit sa tingin ko’y nananatili pa rin akong mag-isa?
“Maybe if you’re just here to hold me… I’ll be alright. Siguro kung ipinagkatiwala mo na lamang sa akin ang lahat, Axcel… hindi ka siguro mawawala sa akin.”
Natauhan ako nang maramdaman kong nabasa na ang pisngi ko. Bloody hell. Was I crying?
I wiped the tears then went back to the room. I grabbed my jacket and as fast as I can, I rushed out of Mistic without looking at the people behind me.
Dumiretso ako sa Clique—a bar at Sunny Dale—gamit ang kotse ko. Sobrang crowded ng looban dahil sa mga lasing na mga tao na nagsasayaw. Ang iba’y mga kabataan, ang iba naman ay naroon kasama ang mga kaibigan at kasintahan nila.
Sa counter ako pumwesto. Mukhang marami ring tao ang umu-order pero may lumapit naman kaagad sa akin na bartender. Malamang naman. Bulag na lang ang hindi makakapansin sa beauty ko ‘no.
Joke lang!
Hindi ko ugali ang uminom. As in. Party girl din ako at mahilig sa hang outs pero hindi ako mahilig maglasing. Natuto lang yata ngayon.
“Gin tonic please.”
Hindi ko ikakaila na may takot din naman akong nararamdaman. Hindi ko alam kung anong kalaban ko. Damn, I can’t even enjoy living my life to the fullest with this situation. It’s hard.
“Here’s your gin tonic, Ma’am.”
Tahimik kong ininom ang isang punong baso ng tonic. Gusto kong ma-distract sa lakas ng tugtog ngunit ayaw magpa-distract ng utak ko.
Kung susumahin ang twenty two years ng buhay ko, ang lungkot ko pala talaga ‘no? May magulang nga pero iniwan naman ako. May kapatid nga pero lagi namang wala. May Lolo nga pero ang tingin naman sa akin e isang gamit na pwede niyang manipulahin.
BINABASA MO ANG
She's The Rule Breaker
Hombres Lobo(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng The Sector. Subalit nang mapag-alamang pag-eeksperimentuhan ng mga ito ang kanyang kakaibang dugo at D...