Chapter 1

2K 51 4
                                    

LEA

Sarili niyang desisyon ang bumukod ng tirahan dahil ayaw na niyang palaging nakatuon ang attention sa kanya ng kanyang ama at lalong ayaw niyang palagi siyang pinapakialaman sa lahat ng gagawin niya.

Sa edad niyang twenty six never pa niyang naranasan na maging independent dahil hindi siya kailanman pinayagan ng kanyang ama. 

Gusto ng kanyang Papa na siya ang magtake-over sa business ng pamilya nila pero wala naman siyang hilig sa linya ng trabaho na gustong ipagkatiwala sa kanya.

Nasa pagsusulat talaga ng nobela ang puso niya. At wala nang makakapigil para gawin ang matagal na niyang pangarap gawin.

Kaya kailangan niyang lumayo kung gusto talaga niyang ipagpatuloy ang nasimulang pagsusulat, lalo pa ngayong may editor na siya.

At dahil mayroon na siyang deadline, kailangan niyang pumunta sa isang lugar na kung saan hindi siya matutunton at magugulo ng kanyang mga magulang. At sa tulong ng kaibigang si Agot, narating niya ang Barangay Kalye Patay. (AN: The place indicated is fictitious. Kung may kapangalan mang lugar, purely coincidental po.)

Yah, it sounds morbid and horrifying.

Sa unang dinig pa lang niya sa pangalan ng lugar ay parang ayaw na niyang ituloy pero ngayong magsite visit sila ni Agot kasama ang kasintahan nitong si Albert ay namangha siya sa lugar dahil ibang iba ang actual na itsura kaysa sa iniisip niya.

Para kasing sementeryo ang dating nga pangalan e.

The people are good and polite, lalo na nung nagtanong sila ng direksyon.

Tumigil sila sa tapat ng isang bahay. Two-storey ito, may carport at frontyard. Picket fence style and bakod kaparehas ng halos lahat ng bahay doon, kaya kitang kita din ang bakuran ng kapitbahay.

Para siyang nasa isang exclusive na subdivision dahil kahit simpleng mga bahay lang ang nakikita niya ay may mga nadaanan din siyang nakakaagaw pansin ang disenyo at istilo.

"Hindi kaya masyadong malaki itong bahay para sa akin?", tanong niya sa dalawang kasama noong nakapasok na sila sa loob.

Dalawang bedrooms na magkapareho ang lakki, natural na mas malaki at mas malawak ang master's bedroom na may sariling banyo. May isang communal CR sa ground floor ng bahay.

Kung susuriing mabuti, maganda at sakto na ito para sa isang maliit na pamilya, comprising of at least 5 members.

"Lei, ito na lang ang available na bahay dito. Remind ko lang sa'yo, marami ang nakapila para makakuha ng property dito." Sagot ni Agot.

"Bakit ba ang daming may gustong manirahan dito e ang pangit pangit ng pangalan?" Hindi niya napigilang itanong.

Natawa si Albert sa sinabi niya.

:Ang lugar na ito ay payapa. Mababait ang mga tao, mayroon na rin itong commercial establishments. At higit sa lahat, maganda at maayos ang pamamalakad ng kapitan dito." Paliwanag ni Albert. "Pero payo ko lang, wag na wag mong sasabihing pangit ang pangalan ng lugar na ito, kasi maooffend sila at baka hindi na maging maganda ang pakikitungo ng mga makakarinig. Protective sila sa Barangay nila, kaya ingat ingat lang."

Alam na alam ni Albert ang lugar na ito dahil dito ito lumaki, lumipat lang ang pamilya nina Albert noong graduate na siya sa High School kaya may kaibigan siyang naninirahan dito.

"Sino na nga ulit ang kapitan dito?", tanong ni Agot kay Albert.

"Si Jose Marie Viceral. Kaklase ko noong High School at dating nasa AFP."

Beauty and Madness [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon