LEA SALONGA
"Anak, umuwi ka na. Namimiss na kita." Tila batang naglalambing na sabi ng mama niya habang kausap sa phone.
Mula kasi nung umalis siya sa bahay nila ay hindi na siya bumalik doon kahit bumisita man lang at matagal na rin yun.
Natatakot kasi siya na baka hindi na siya makalabas. Baka ipasara lahat ng tatay niya ang mga lagusan sa bahay nila.
"Ma, naman. Di ba napag-usapan na natin to? Ayoko munang bumalik diyan. Saka na lang kapag nakaipon na ako." Sagot niya habang abala siyang nagtitimpla ng kape.
"Hindi mo naman kasi kailangang magtrabaho. Para saan pa at nagpakahirap magpayaman ang papa mo."
Umikot ang mga mata niya sa tinuran ng ina. Oo nga at maykaya sila pero hindi naman ibig sabihin nun masaya siya.
Nasa pagsusulat kasi talaga ang puso niya.
"Kumakain ka ba ng tama diyan?" Tanong ng ina.
Automatic namang napatingin siya sa cupboard at kahit nakasara yun, parang nakikita niya ang mga stock niyang instant noodles, pake-paketeng kape at cereal oats.
Diba, instant lahat.
"Oo naman po." Pagsisinungaling niya.
"Pwede ba akong dumalaw diyan?" Hirit ulit ng mama niya.
Napabuntong hininga siya dahil talagang hindi siya lulubayan ng mama niya hanggat hindi siya pumapayag na puntahan ang tinitirhan niya.
Kung tutuusin ay may karapatan ang mama niya sa binili niyang bahay kasi 3/4 ng perang pinambili niya dito ay galing sa ina.
"Saka na lang Ma." Tanggi niya. Oras na malaman ng ama niya kung saan siya nakatira ay baka ipasundo siya nito at siguradong magkakaroon ng gulo sa tahimik na lugar na to once na hindi siya pumayag.
"Promise, Nak. Hindi ko sasabihin sa papa mo. O kahit kanino."
"Ma, luluwas pala ako sa Friday. Kita na lang tayo sa paborito nating coffee shop. Sige Ma, may pupuntahan pa ako. Love you, bye!" Hindi na niya hinintay na sumagot ang mama niya.
Nakakakonsensya man dahil batid niyang tanging kapakanan lang niya ang iniisip ng ina ay hindi pa rin niya mapagbigyan.
Ngunit maya-maya pa ay tumatawag na naman ito.
Hinayaan lang niya hanggang tumigil ito.
Pero wala pang isang minuto ay tumunog ulit ang cellphone niya. Hindi na sana niya sasagutin kaya lang kinabahan siya baka importante ang sasabihin nito.
"Hello, Ma."
"Anak, sa totoo lang may importante akong sasabihin sa'yo e."
Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Ano yun?"
"Kasi...ano.."
"Ano nga, Ma?"
"May ipapakilala ako. Boto din sa kanya ang Papa mo."
Kung hindi lang niya ina ang kausap ay malamang binabaan na niya ito. "Yan lang ang sasabihin niyo? Wala pa akong balak makipagrelasyon."
"Anak, ang sinasabi ko lang naman ipapakilala. Relasyon agad? Pero teka, bakit ayaw mong makipagrelasyon? Aba, Lea, hindi ka na bumabata. At kailan mo kami balak bigyan ng apo?"
Ah, ganun ba. Pero dun pa rin naman ang gusto niyang mangyari a.
Ito na naman siya, tinutulak na naman akong mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Beauty and Madness [Completed]
Ficción GeneralPaano mo pakikisamahan ang sira-ulo mong kapitbahay?