Chapter 5

532 30 2
                                    

LEA SALONGA


Kanina pa siya nakatitig sa kanyang laptop pero wala talaga siyang maisip isulat na eksena kasunod ng natapos na niyang chapter.

At kasabay pa ng matinding konsentrasyon niya ay ang ingay na nagmumula sa kapitbahay.


Ang aga aga kung makapagpatugtog ng stereo akala mo kung may malaking okasyon.

Sa loob ng ilang linggong pananatili niya sa lugar ay hindi pa niya nakikilala ng personal ang kanyang kapitbahay. Pero kahit paano ay nagiging ka-close na niya si Badet at ang iba pang kababaehan na madalas din sa coffee shop ni Yuji Legazpi.

Kadalasan kasi ay nagkukulong lang siya sa bahay niya. Nanonood at nagbabasa.


Kung naiinip siya, lumalabas naman siya sa hapon, mga bandang alas singko para hindi mainit.

At kahit alas nwebe pa lang nang umaga ay nagpasya siyang lumabas ng bahay. Wala naman kasi siyang lakas ng loob na puntahan at pagsabihan ang kapitbahay niya.


Ayaw niya ng gulo lalo pa at bago pa lang siya sa lugar na to. At natatakot din siya na kung magreklamo man siya sa barangay ay baka pag-initan siya ng kapitbahay niya.

"Lea!" Narinig niyang may tumawag sa kanya.


"Saji?"


"Haji." Pagtatama ng binata.


"Ay pasensya na, akala ko ikaw si Saji."


"Okay lang yun, saan ang punta mo?"


"Diyan lang, maglakad lakad, medyo maingay kasi dito e." Sabi niya baka sakaling mapuna ni Haji.


"Kaya nga ako nandito para tingnan si Aga. Malamang badtrip yan. Muntik na kasi silang magpang-abot ni Ian noong nag outing kami at hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-uusap ang dalawa." Sabi ni Haji.


"Ah, ganun ba. Sige, puntahan mo na. At kung pwede sana pakisabi na pakihinaan niya ang volume."


"No problem, Lea." Sabi nito sabay kindat sa kanya. Bubuksan na sana nito ang gate sa bahay ni Aga nang biglang lumingon ulit sa kanya. "Uhm, Lea. It's Saji, by the way."

Lokong lalake to a. Naku, kung hindi ka lang gwapo baka tinalakan na kita.

...

Bukas na ang panaderya sa may kanto at naisipan niyang bumili ng pandesal. Hindi pa nga pala siya nag-aalmusal.


Pero pagdating niya doon ay nakapila din si Bentong.


"Lea, dito ka na." Nakangiting sabi nito.


Nahiya naman siyang pumunta sa kinatatayuan ni Bentong kasi ang haba pa nang pila baka magalit ang mga nasa hulihan.


"Wag na lang Ben, dito na lang ako." Tanggi niya.


"Wow, ang ganda naman ng palayaw mo kuya, BEN." Pang-aasar ng isang binatilyo kay Bentong pero hindi ito pinansin ng huli.

"Ate! Bago po kayo dito?" Siya naman ang tinanong.

Tumango siya.

"Hindi po Ben ang pangalan ni Kuya. Robin po pero Bentong ang palayaw niya."


"Jason, umuwi ka na, hinihintay ng nanay mo yang pinabili niyang pandesal." Singhal ni Bentong sa binatilyo.

"Wag mo akong sigawan kuya, isusumbong kita sa ate Badet ko." Pagbabanta nito.

Beauty and Madness [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon