Chapter 7

444 34 6
                                    

AGA MUHLACH

Nagising siya ng maaga dahil sa community cleaning na programa ni Kapitan Vice. At dahil isa siya sa mga kaibigan ng butihing kapitan, nakisali na rin siya pero bago siya pupunta sa barangay Hall para doon muna magkikita bago magsimula ay kailangan niya munang linisin ang bakuran niya.

Ganado siya sa pagwawalis ng mga tuyong dahon pero noong napadako na siya sa may bakod na nagsilbing property line ng dalawang bahay ay may nakita siyang kulay puti na parang nakalumos sa may gilid ng pader.

Noong nilapitan niya ito ay isang sanitary napkin pala at meron pang laman.

Halos maduwal siya sa nakita.

Paano nagkaroon ng ganito sa bakuran ko? Hindi naman ako gumagamit ng ganyan a. Teka, hindi kaya yung kapitbahay kong nagkukulong sa diyan sa bahay niyang haunted house?

Dahil sa sobrang inis ay nagtungo siya sa kabilang bahay. Walang paalam niyang binuksan ang gate at pumasok.

Dirediretso siya sa main door at kinatok yun ng sunod sunod.

"Sino yan?" Narinig niyang tanong ng isang babae mula sa loob.

In fairness, maganda ang boses.

"Kapitbahay po ninyo, senyora." Nanlolokong sagot niya.

Pagbukas ng pinto ay wala sa hinagap na ganito ang itsurang bubungad sa kanya.

Halos mapasigaw siya sa sobrang gulat at anyong tatakbo na siya kung hindi niya agad narecognize agad ang kaharap.

Ito yung babaeng nakasabay ko noon a.

Pero ibang iba ito sa babaeng nakaagaw ng atensyon niya noon.

Itong kaharap niya kasi ay sabog ang maikling buhok, nanlalalim ang mga mata at ang lalaki ng eyebags.

Napalunok siya saka umayos sa pagkakatayo.

"Anong kailangan mo?" Inaantok pang tanong nito.

"Itatanong ko lang po sana kung nagtapon kayo ng gamit na sanitary napkin sa bakuran ko." Hindi niya kung saan siya humugot ng lakas ng loob para itanong yun kasi sa itsura ng babaeng ito, parang mangkukulam.

Napakunot noo ang kaharap niya.

"Teka, Ikaw yung lalaking nakisingit sa pila noong nakaraang araw a." Sabi nito.

Ako? Sumingit sa pila? Never.

"My name is Aga."

"And I'm Lea." Walang anumang sabi nito.

"Okay, Lea. Hindi ko alam kung anong issue mo sa sinasabing sumingit ako sa pila kasi wala akong matandaan na sumisingit ako sa anumang pila. Ang issue dito ay yung napkin mo na tinapon mo sa property ko, ayokong ako ang magtapon kasi nakakadiri kaya please lang pakipulot at itapon sa basurahan."

"Anong pinagsasabi mo? Hindi ako nagtatapon ng kung anuman diyan sa bakuran mo noh. Kung wala ka nang sasabihin, nice to meet you na lang kahit hindi. Matutulog pa ako." Akmang isasara na nito ang pinto pero naagapan niya.

"Bago ka matulog, yung basura mo muna ang asikasuhin mo."

"Ilang ulit ko ba kailangang sabihin na hindi ako ang nagtapon ng basura diyan?." Asik din nito. Halatang badtrip na din.

Pero kahit ganun pa man, maganda pa rin siyang tingnan kahit nakakunot noo na at hindi pa nakakapag-ayos.

"Kung hindi ikaw, sino? Alangan namang ako? Tayo lang ang nakatira sa block na to." Sagot niya.

"Aba, ewan ko. Baka naman may ibang taong napadaan diyan. O di kaya ay girlfriend mo na dinadala mo diyan sa bahay mo." Asar na ring sabi nito.

"At pilit mo pa rin bang itatanggi? Ipaparating ko na to sa opisina ni Kapitan. Kahit anong gawin mong rason, maniniwala pa rin sila na galing sayo ang basurang yun, ngayon kung ayaw mong magkaroon ng issue, pakipulot na yun para matapos na ito."

"Ayoko pa rin. Hindi ako ang salarin diyan kaya wag ako ang istorbohin mo. At pwede ba, umalis ka na kung ayaw mong ireklamo din kita ng trespassing." Bulyaw nito sa kanya.

Aba't talagang sinusubukan ako ng babaeng to a. Sayang crush ko pa naman, amazona pala, akala mo kung sinong siga.

Wala na siyang nagawa kundi bubulong bulong na umalis sa bahay ni Lea.

Humanda ka sa akin, Lea.

Pero sandali, parang may hawig sila sa babaeng nakasabayan ko last time patungong Manila.

Pero imposible, maganda iyon e. Samantalang ito, hindi marunong magsuklay..

»»»

LEA SALONGA

Kaiidlip lang niya dahil magdamag siyang nagsulat para sa bago niyang libro pero nasira ang pagtulog niya dahil sa walang hiyang Aga na yun.

Yung lalaking makulit na nakasabay niya sa Bus ay kapitbahay niya pala. At kaya familiar sa kanya ang itsura ng lalaking nakisingit sa pila noong bumili siya ang pandesal ay dahil nakita na niya dati.

And take note, yun pala ang Aga na bukambibig ng mga taong nakakausap niya.

Okay, gwapo na kung gwapo. Pero bastos naman. Ang kapal ng mukhang pagbintangan ako.

Nakahilata na ulit siya sa kanyang kama ng may marinig na naman siyang nagdodoorbell.


Pilit niyang inignora pero sadyang makulit talaga kung sino man ang nasa labas ng pintuan niya.


Urrrggghhh!!


Pagbukas niya sa main door ay nakangising mukha ni Aga ang tumambad sa kanya.

"Ano na naman?" Asik niya.


"Nice to meet you. Nakalimutan kong sabihin."


Ngayon lang niya nahalata. May dimples pala ito at talagang hindi maitatangging gwapo ito.


"I wish I could say the same. Sinira mo an tulog ko pati na rin ang buong araw ko. Alam mo bang ang ilang araw na akong puyat at ngayon may pagkakataon akong magpahinga saka ka naman mambubulabog." Hindi niya naiwasang talakan ito dahil sa sobrang inis.


"Sorry. Pero kahit ganun, kailangan mo pa ring linisin ang kalat na itinapon mo sa bakuran ko."


She rolled her eyes and slammed the door.

Matutuyuan ako ng dugo sa taong to!

"Miss buksan mo ang pinto, may tanong pa ako."

Hindi na niya pinasin ang sunod sunod na pagkatok nito sa kanyang pinto. Diretso na siyang pumanhik sa kanyang kwarto at nagtakip ng unan.

Manigas ka diyan!

●●●
Itutuloy

Beauty and Madness [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon