LEA
Tapos na siyang kumain at nailigpit na rin niya ang kanyang pinagkainan ng makarinig siya ng sunod sunod na katok sa main door.
Ayaw sana niyang pagbuksan dahil unang una, wala siyang inaasahang bisita at wala din siyang gaanong kakilala pa dito sa lugar nila para may magtangkang puntahan siya sa ganitong oras.
Pagbukas niya ng pinto ay ang nakasimangot na mukha ni Aga ang tumambad sa kanya at kung hindi niya nakita na kasama nito si Fran ay pinagsarhan na niya ito ng pinto.
"Hello po ulit, Tita Lea. Gusto lang po naming magpasalamat ni Ninong Aga para doon sa ulam na binigay niyo." Masiglang sabi ni Fran.
"Si Ricky ba nagbigay nun sa'yo?" Direktang tanong ni Aga sa kanya.
Bakit parang siya pa ang galit. Ako nga itong pinakiusapan, bakit parang may kasalanan pa yata ako.
"Oo." Tipid niyang sagot.
"Narinig mo yun, Fran? Hindi galing sa Tita Lea mo yun, kay Tito Ricky."
"E bakit sabi niyo kanina iluwa ko yung kinain ko kasi galing kay Tita Lea." Sabi ni Fran na ikinalaki ng mata niya.
Aba't sumusobra na talaga ang lalaking to a. Pati sa bata sinisiraan na niya ako.
"Totoo ba yun?" Tanong niya kay Aga.
"Nag-aalala lang ako kay Fran. Malay mo, allergic pala siya." Pagpapalusot nito.
"Hindi yan ang sagot sa tanong ko." Galit na sabi niya kay Aga. Saka siya bumaling kay Fran. "Fran, ano ang sinasabi nitong Ninong mo sa akin?"
Tumingin muna si Fran kay Aga at sinenyasan ng huli ang bata para hindi magsabi.
"Sige na, Fran. Anong tawag sa akin ng baliw na to.?"
"...mangkukulam po." Sa wakas ay nagawa ding sabihin ni Fran.
"Sinasabi ko na nga ba, wala kang ginawang mabuti para sa kapwa mo."
"Correction. Kung hindi mo alam, may sarili akong Foundation para sa mga young single moms para matulungan silang itaguyod ang mga anak nila lalo na kapag tinakwil sila ng pamilya nila. Marami akong ginawa at ginagawang mabuti para sa kapwa ko."
Hindi niya ipinahalata na nagulat siya sa sinabi nito. Sino ba naman kasi ang maniniwala na may pagka philantropist pala ito.
Mukhang babaero at parang walang patutunguhan sa buhay.
"Eherm... Ninong, Tita, nag-aaway po ba kayo?"
"Ay, hindi Fran. Naglalambingan lang kami nitong Tito mo."
"Kayo na po ba?" Makulit na tanong ni Fran.
"Ang bata bata mo pa lang pero ang dami mo nang gustong alamin sa buhay." Sabi niya saka ginulo ng bahagya ang ulo ni Fran.
"Sige po, Tita. Dumaan lang po talaga kami ni Ninong para magpasalamat."
"Sa susunod, iwas iwasan mong utusan ang bata nang kung ano ano." Sabi ni Aga.
"Pwede ba, kung wala kang mabuting sasabihin, tumahimik ka na lang. Buti nga hindi ko nilagyan ng lason yun." Hindi na niya napigilan ang sarili na sabihin yun at hindi na niya pwedeng bawiin.
Hindi magandang biro pero wala na, nasabi na niya.
"Kita mo na, may balak ka talagang lasunin ako. Tapos madadamay pa ang bata." Nanunuro pang sabi ni Aga.
Nakakaestress talaga ang lalaking to.
"Ninong, ang gusto lang sabihin ni Tita, makipag usap ka naman ng maaayos." Parang matandang nagpapaliwanag si Fran. At kahit naiinis na siya, gusto niyang matawa.
BINABASA MO ANG
Beauty and Madness [Completed]
Ficción GeneralPaano mo pakikisamahan ang sira-ulo mong kapitbahay?