LEA
Pinulot ni Aga ang tsinelas sa paanan nito at lumapit sa kanya. Halatang nasaktan sa pagkakabato.
"Hoy, misis! Hindi ibig sabihin na mabait ako sa'yo pwede mo na akong batuhin ng tsinelas. Ano to? Tumbang preso?" Inis na tanong nito sa kanya.
Sa tuwing tinatawag siyang "misis" parang ang saya saya ng pakiramdam niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Basta ang alam niya, iba ang dating ng katagang yun sa puso niya.
"Sa susunod na mang-asar ka hindi lang yan ang aabutin mo sa akin."
"Sa susunod din na batuhin mo ako hindi na ako magpapasensya, papatulan na kita." pagbabanta naman ng binata.
"Uy, Muhlach! Anong kaguluhan yan?" Sa dinami dami ng taong pwedeng pumuna sa kanila ay naitaon pang si Bentong.
"Wag kang makialam, pare. Away mag-asawa to." Seryosong sagot ni Aga.
Ano daw?
"Excuse me! Anong mag-asawa??" Nanlalaki ang matang tanong niya.
"Oo nga, Muhlach. Anong mag-asawa? Kailan pa yan?" Natatawang tanong ni Bentong sa kaibigan. Dahil dito, alam niyang hindi siya ang kakampihan ni Bentong kundi ang kaibigan nitong si Aga.
"Pare, binato ako ng tsinelas. Lola ko nga kahit andaming kunsumisyon sa akin hindi ako sinaktan o pinagbuhatan ng kamay kahit minsan. Tapos sasaktan lang ako nito ng ganun ganun lang? Aba, child abuse na to!"
"Child abuse?" Tinignan niya si Aga mula ulo hanggang paa.
"Oo, child nga! Kasi ang pag-iisip, parang sa bata. Akin na yan." Asik niya sabay hablot sa tsinelas niyang hawak ni Aga.
Malakas na tawa ang pinakawalan ni Bentong habang papalayo siya mula sa mga ito.
"Hoy, misis! Saan ang punta mo? Dito po ang direksyon ng bahay mo. Hindi diyan." Sigaw ni Aga.
Ay shit! Oo nga.
Pero hindi ito bibigyan ng kasiyahan sa pagkakamali niya kaya nagtuloy tuloy na lang siyang naglakad kahit wala naman siyang partikular na destinasyon na pupuntahan.
...
"Tita Lea!" Narinig niyang sigaw ng isang batang lalaki.
Si Lance.
"Bakit anak?" Tanong niya sa humahangos na bata. Sa iilang beses na nakausap niya ang ilang mga bata barangay ay agad na napalapit ang kanyang puso sa kanila.
"Tita, pwede po ba namin kayong makausap sandali?" magalang na tanong ng bata.
"Sige ba, tungkol saan?"
"Nagpaplano po sina ate Fiona at mga iba pang member ng church namin para sa surprise post birthday party ni Ninong Aga."
Tapos na nga ang birthday bakit magpapaparty pa?
"Ah, eh, ano kasi.. may pupuntahan pa pala ako. Kailan ba gaganapin yan?"
"Sa Biyernes na po." Halatang nadismaya si Lance pero pilit pa ring pinasigla ang boses. Nakonsensya naman siya.
"Ganito na lang, mag-iisip ako ng magandang theme tapos isasuggest ko na lang sa inyo kapag may naisip na ako." Sabi niya.
Nagliwanag naman ang mukha ng bata kaya kahit papano ay naibsan din ang guilt na nararamdaman niya.
Pagkaalis ni Lance ay nagtuloy na siya sa paglalakad, isang liko na lang, makakabalik na siya sa bahay niya.
Pero wala pang ilang hakbang ay biglang may kumalabit sa kanya mula sa likod.
Magtataray na naman siya sa pag-aakalang si Aga yun kasi ang kapitbahay lang naman niya ang may lakas ng loob na hawakan siya.
"Lea! Sabi ko na nga ba ikaw yan e." Nakangiting sabi ni Badet.
Juice ko! Mahaba habang usapan na naman ito.
"Hi!" Pagbati niya kahit ang gustong gawin ay takbuhan ang mestisahing babae na to.
"Have you heard about the news?"
"Anong news?"
"The members of the Youth Organization are planning to hold a post birthday special for Aga. At lahat ng mga kaibigan namin ay go sa ideya. Gusto ka naming isama, if you like."
I just escape from an invitation from a young boy tapos may susunod pa pala.
"Kailan ba yan?" Kunwaring tanong niya kahit alam na niyang Friday.
"Sa Biyernes na."
Nag-isip siya nang pwedeng idahilan, "Ah, wala kasi ako sa Friday e. May importante akong pupuntahan. Pakisabi na lang kay Aga, belated happy birthday."
"Okay." Agad na sabi ni Badet. Parang tuwang tuwa pa na hindi siya makakapunta.
Tingnan mo tong babaeng to. Parang for compliance lang ata ang pag-imbita sa akin.
"Sige mauna na ako." Sabi niya saka nagmamadali nang umalis bago pa may maisip si Badet na sabihin sa kanya.
Pagbukas niya sa kanyang gate ay biglang dumungaw si Aga sa bakod nila.
"Bulaga!" Sigaw nito at napaigik siya sa sobrang pagkagulat. Medyo madilim pa naman na ang paligid.
"Sira ulo ka talaga!" Bulyaw niya dito. Pero nakangisi lang si Aga na parang nasisiraan ng bait. Tuwang tuwa sa ginawa sa kanya.
"Nalibot mo na ang buong barangay?" Tanong nito.
"Wala kang pakialam." Asik niya saka mabilis na naglakad na patungo sa bahay niya.
"Uy, misis! Nag-aalala lang naman ako sayo baka napudpud na yang tsinelas mo. Manipis pa naman. Sa susunod, wag mo akong iiwasan para hindi ka mapagod. Kawawa ka naman." Mahabang litanya nito.
Matalim na tingin ang iginanti niya sa sinabi nito. Paano niya nalaman na umiiwas ako sa kanya? At bakit nga ba kasi ako umiiwas?
"Wag kang masyadong magsusungit, papangit ka niyan." nakangising sabi pa nito.
"Baliw!" bulyaw niya.
Palibag niyang isinara ang main door.
Parang gusto niyang pagsisihan ang pagpunta paglipat niya sa lugar na to.
Bukas na bukas din maghahanap na siya ng ibang malilipatan.
●●●
BINABASA MO ANG
Beauty and Madness [Completed]
Ficción GeneralPaano mo pakikisamahan ang sira-ulo mong kapitbahay?