Chapter 18

351 23 3
                                    

Aga

Dahil sa hindi magandang pag-uusap nila ni Lea ay naisipan niyang dalawin ang buong barkada sa paboritong tambayan nila - sa Coffee Shop ni Yuji. At laking pasasalamat niya dahil karamihan sa tropa niya ay present doon.

"Anong meron at mukhang masaya ang lahat?" Tanong niya ng makalapit.

"Oh!? Himala! naligaw ka ata?" Sarkastikong tanong ni Ian.

Paano ko na nga ba naging katropa ito?

Wala siya sa mood makipag-away ngayon kay Ian dahil sa kaiisip niya kay Lea.

"Itong si Ian, sinabihan si Bernadette na ikakasal na si Bentong." Pagbabalita ni Saji.

Napatingin siya kay Bentong na patay-malisyang humihigop ng kape.

"Deal kasi na kapag pinuntahan ni Badet si Bentong, ibig sabihin ay may gusto si Badet dito sa kumpare natin. At si Ian na ang sasagot sa 50% na magagastos kapag kinasal sina Bentong at Badet. Pero kapag hindi ay si Bentong ang tutulong kay Ian para madiskartehan si Lea." Pagpapaliwanag ni Richard sa sitwasyon.

Napakunot-noo siya sa narinig. Ibig bang sabihin nito ay aagawin na naman ni Ian ang sa akin?

"Bentong, pambihira ka naman, akala ko ba tayo ang dikit. Bakit mo tutulungan ang ungas na ito? E alam mo namang pinopormahan ko na si Lea, diba?" Hindi makapaniwalang sabi niya sa kaibigan.

Natawa lang si Ian sa kanya at kung hindi lang talaga mahaba ang pasensya niya ay baka sinuntok na niya ito.

"Ano bang pinag-aalala mo?" Mahinahong tanong ni Bentong sa kaniya. "Matatalo si Ian. Dahil alam kong mahal ako ni Bernadette." Puno ng kompyansa na sabi ni Bentong.

"Kita ko naman yun, pare. Pero ang pinag-aalala ko lang baka hindi magkaroon ng lakas ng loob si Badet na magsabi sayo. Ang taas kaya ng pride nun." Sabi niya naman.

Magsasalita pa sana si Bentong ng mapasipol si Saji, at dahil alam nilang lahat ang ibig sabihin nun ay parang iisang tao na sabay sabay silang napalingon sa direksyon na tinitingnan ni Saji.

Papasok sa pintuan ang isang babae na medyo kulot ang hanggang balikat nitong buhok, may perpektong hugis puso na labi at nakakaakit na mga mata.

Diretso ang babae sa counter kung saan naroon si Yuji.

"Excuse me..isang mocha latte, please." Narinig nilang sabi ng babae kay Yuji. Ngunit at kaibigan naman nila ay tila nabighani sa mukha ng babaeng nasa harapan nito.

"Hoy, Yuji! Yung order niya ang atupagin mo!" Pasigaw na sabi ni Ricky.

Namula ang pisngi ni Yuji at lalong kinantyawan naman ni Ashton. "Umaandar na naman ang pagiging babaero mo, Yuji!"

Pero parang balewala lang ang mga iyon kay Yuji.

Sila naman ay parang nanonood lang ng sine at hinihintay ang gagawin ni Yuji para makilala ang babae. Tantiya niya ay dayo lang ito sa lugar nila kasi kung tagarito ito ay malamang kumalat na ang presensya nito.

"Uhm, Miss.. bago ka lang dito?" Tanong ni Yuji nang iabot sa babae ang kape nito.

"Ah, oo. Diyan ako nakatira sa lumang bahay ng mga Martinez." Sagot nito.

"Kung hindi mo mamasamain, pwedeng malaman ang pangalan mo?" Tanong ulit ni Yuji. Nag-apiran naman sina Saji at Ian. Alam na niya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito kasi mahilig talagang makipagpustahan ang tahimik na si Ian.

"Eula." Sagot ng babae.

"Ang gandang pangalan. Kaano -ano mo pala ang mga Martinez?" Si Yuji ulit.

"Fiancee ako ni Albert." nag-aalinlangang sagot ng dalaga. Parang hindi sigurado sa sinasabi pero ganunpaman, inisip na lang niya na baka hindi pa handang ipaalam ang tungkol sa relasyon nila.

Sabay sabay na napalatak ang mga kaibigan niya sa narinig nila.

"Congratulations, malapit ka na palang ikasal. At sa kumpare pa namin." Sabi ni Ashton na nakisawsaw na sa usapan. "Ang tanong ko lang, bakit hindi man lang nagsasabi si Albert? Diba nagbakasyon siya nitong nakaraang buwan lang?"

"At isa pa, may group chat naman tayo. Wala man lang sinabi ang loko."

"Baka surprise." komento no Ricky.

Napansin niyang namutla si Eula sa narinig.

"Ay ganun ba, baka nakalimutan lang niyang ipaalam. Sige aalis na ako." Sabi ni Eula at nagmamadaling umalis.

"Nice meeting you, Eula!" Pahabol na pagsigaw ni Ricky.

Pagkaalis ni Eula ay nagsimula nang magtanungan ang mga magkakaibigan kung bakit naglihim sa kanila si Albert.

"Bentong!" Narinig nilang may sumigaw. Napalingon na naman sila sa pintuan. Pero siya kahit hindi na siya lumingon, alam niyang boses yun ni Lea. Kabisado na niya ang timbre ng boses nito at kahit saan man siya ay makikilala niya ang boses na yun. Laking gulat lang niya kung bakit narito ito at hinahanap pa si Bentong.

Pero bago pa makapagsalita ang isa sa kanila ay pumasok na rin sa loob ng coffee shop si Bernadette. Halatang galing sa pag-iyak dahil namumugto pa ang mga mata nito.

Napatayo si Bentong sa kinauupuan at dahan dahang lumapit sa mga bagong dating. Buti na lang at wala nang ibang tao sa Coffee Shop maliban sa kanila.

"Guys, kung mag-aaway rin lang kayo. Please wag dito sa shop ko. Malawak naman ang kalsada sa labas." Sabi ni Yuji.

Si Ricky naman ay tinatawagan na ang opisina ni Kapitan Vice.

"Totoo ba?" Mahinang tanong ni Bernadette. "Na ikakasal ka na?"

Natameme si Bentong. Parang nawalan din ng dila ang kaibigan nila pagkakita sa babaeng sinisinta nito.

"Siguro mas mabuting iwan na muna natin sila. Kailangan nila ng privacy." Sabi niya at siya na ang naunang lumabas sa coffee shop ni Yuji. Pero hinila nila sa kamay si Lea. Nabigla naman ang dalaga sa ginawa niya ay hindi na ito nagsalita.

Nang makalabas silang lahat sa shop, binalingan niya si Ian.

"Ihanda mo na ang ipinangako mong share mo para sa kasal niya." Nang-aasar niyang turan saka lumisan sa lugar na yon. Syempre, hawak hawak ang kamay ni Lea.

"At bakit ka nakahawak sa kamay ko?" maanghang na tanong ni Lea sa kanya.

"Ayun, para-paraan lang din." palatak ni Saji.

Agad naman niyang binitawan ang kamay ni Lea at napakamot sa batok. Irap ang tugon ni Lea bago umalis at iniwan silang lahat na nakatayo sa labas ng Coffee shop ni Yuji.

☻☻☻

Beauty and Madness [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon