Chapter 2

695 41 0
                                    

LEA

Pagkatapos niyang makapag-ayos sa kanyang bagong bahay ay lumabas siya para maglibot libot at para mafamiliarize na rin siya sa lugar.

"Hoy, magaling na lalake! Akala mo nakakatuwa ang ginawa sa akin?" Bulyaw ng isang mestisahing babae sa kausap na lalakeng mukhang gangster ang dating.

"Pasalamat ka nga at nagprisinta akong maging escort mo dahil kung hindi e di napahiya ka na." Ganting sigaw din ng lalake.

Nasa gilid ng kalsada ang mga ito at ang mga taong napapadaan ay parang normal na lang sa kanila ang sigawan ng dalawa.

"Ang sabihin mo pagkakataon mo na yun para makalapit ka sa akin."

"Huwaw! Ilusyonada. Wala akong ni katiting na pagtingin sa'yo Bernadette. Baka ikaw?" Tawang tawa na sabi ng lalaki.

"Kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo hindi kita papatulan." Pagkatapos sabihin yun ng babae ay tumalikod na ito at lumakad palayo sa lalaki at palapit naman sa direksyon niya.

Nagkunwari siyang hindi nakita ang buong eksena at iginalagala niya ang patingin sa paligid at parang hindi nakikita ang papalapit na babae.

"Hi!" Bati nito sa kanya.

At first, she wasn't sure kung siya ba ang kinakausap.

"Ngayon lang kita nakita dito. Are you lost?" The woman asked politely.

Parang kanina lang gustong manlapa ng tao ngayon naman mukhang santa.

"Uhm, no. I recently bought a house here. Sa Block 23, corner 4." Sagot niya.

"Oh! Ikaw pala ang nakabili nun. You're lucky, kapitbahay mo si Ags." Nakangiting sabi nito.

"Ako nga pala si Krissandra Bernadette. But you can call me Badet. Yun ang palayaw ko dito."

"And I'm Maria Lea Carmen."

"Ang haba, so kapag tatawagin kita, Maria Lea Carmen din?"

She chuckled lightly.

I like her.

"Lea will do." Sabi niya.

"Ok, Lea. Itotour kita dito sa barangay namin."

Wala na siyang nagawa kundi magpahila na lang kay Badet.

○○○

"Yan ba yung bagong kapitbahay ni Aga?" narinig niyang tanong ng isang lalaki doon sa kasama nito habang nagmemeryenda sila sa bakeshop na pag-aari daw ng isang malaking na pastry chef, at ang pangalan ay Arjay.

"Ewan ko. Pero in fairness, my itsura pero mukhang suplada." sagot nung isa. 

Napaismid siya sa narinig.

"Bakit magkasama sila ni Badet?"

"Malay ko. Alam mo naman yang babaeng yan, Miss Congeniality."

"Kay Bentong lang siya hindi friendly."

"Hoy, kayong dalawa, kung sa tingin niyo ay hindi naman naririnig yang pinag-bubulungan niyo diyan, pwes nagkakamali kayo. Gusto niyo bang mapasali sa listahan ni Kapitan?" mataray na sita ni Badet sa dalawang lalake.

"Ito naman parang curious lang e." Sabi ng isa pero imbes na umalis ay nilapitan sila.

"Hi, ako nga pala si Ricky, sorry for staring. Napakaganda mo kasi." Sabi ng isa at nakatitig sa kanya. 

Gwapo.

"At ako naman si Ashton."

Parehong gwapo.

"Hello, I'm Lea." Matipid niyang sagot sa pagpapacute ng mga ito. Oo nga, gwapo sila pero wala siyang maramdamang kilig o ano pa man.

"Para sa karagdagang kaalaman, Lea. Itong dalawang ito ang pinakatsismosong tao dito sa lugar natin. Kaya iwasan mo sila." Babala ni Badet.

"Hoy! Sobra ka naman Bernadette. Hindi ka lang naman pinopormahan ganyan na ang tingin mo sa amin?" Sabi ni Ashton.

"Hindi ka namin nililigawan kasi type ka ng kumpare namin." Sabad ni Ricky.

"Gusto ako ni Aga?" Abot-taingang tanong ni Badet.

"Hindi si Aga. Si Bentong." Sabi ni Ashton sabay tawa. Ganun din si Ricky.

"Ngayon lang namin napag-alaman na pantasya mo pala si Aga. Naku, kawawang Bentong." Sabi pa ni Ricky.

Para siyang outcast, hindi makarelate sa mga sinasabi ng kaharap pero somehow nag-eenjoy siyang kasama ang mga ito. Kahit nag-aasaran sila na parang mga teenager ay hindi siya naiilang. 

"Si Bentong ba yung kausap mo kanina?" tanong ko kay Badet.

Napangiwi si Badet pagkarinig ng pangalang Bentong. Parang allergic ito sa mga topiko na ang pinag-uusapan ay ang taong yun.

"Umalis na nga lang tayo dito." sabi ni Badet.

"Saglit lang, hindi pa namin nakakausap ng matagal itong si Lea." Pigil ni Ashton kay Badet na akmang tatayo na at iiwan sila.

"Oo nga naman, Badet. Wag mong solohin." Sabi din ni Ricky.

"Bakit ang ingay?" -sigaw ng isang lalakeng bagong dating. Nakasuot ng polo shirt at shorts. Kahit napaka casual lang ang attire na para bang kalalabas lang ng bahay at mukhang bibili lang sa sari-sari store ay hindi maipagkakailang gwapo at may sinasabi sa buhay ang taong ito.

"Ian! Kailangan ka dumating?" Masayang salubong ni Ashton.

"Kaninang madaling araw lang." Sagot ng lalaking tinawag na Ian.

"Ay siyanga pala, bagong lipat dito sa atin, si Lea." Pagpapakilala sa kanya ni Ricky.

Kumaway lang si Ian sa kanya bilang pagbati and she reciprocated with a polite smile.

"Kagawad yan dito sa barangay." Badet whispered at her.

"Ano na namang paninirang puri ang binubulong mo diyan, Krissandra Bernadette?" tanong ni Ian kay Badet. "Lea, wag kang sasama sa bruhang ito, masamang impluwensya yan."

"Excuse me!" asik ni Badet kay Ian. "Hindi ako ganun!"

"Ows? Kaya pala ang dami mong nirereklamo kay Kapitan tungkol sa akin na wala namang katotohanan." Sabi ng isang lalake mula sa likuran namin ni Badet.

Napalingon silang dalawa ni Badet sa nagsalita. 

Si Bentong.

"Let's go, Lea. Bago pa ako sumabog ng tuluyan dito." Sabi ni Badet at mabilis na tinungo ang pintuan.

"Sige, una na kami. Nice meeting you all." Sabi niya at sinundan ang bago niyang kakilala na sa tingin niya ay magiging mabuting kaibigan despite na fact na mukhang may pagkasuplada nga ito.

"Lea, tawagin mo lang ako kapag nagkaproblema ka dito, lalo na doon sa kapitbahay mo." Seryosong sabi ni Ian.

She frowned kasi ang sabi sa kanya nina Agot ay safe siya sa lugar, e bakit parang binabalaan siya ng mga tao na mag-ingat. At sa pagkakangisi ng mga naggagandahang lalaki ay parang magkakaproblema nga siya at mukhang sa kapitbahay pa niya.

Sino ba kasi ang Aga na yan?

* * *

Beauty and Madness [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon