Chapter 11

468 34 4
                                    

LEA SALONGA

Sabay pa rin sila ni Aga pabalik sa mismong barangay Kalye Patay at mula pagbaba nila sa bus ay hindi na nagsasalita pa ang binatang kasama niya. Tahimik na lang itong nakasunod sa kanya. Hindi naman niya pwedeng sabihin na wag siyang sundan kasi pareho nga lang naman ang uuwian nila.

"Ako na ang magbabayad kasi ikaw naman ang nagbayad kaninang umaga." Sabi niya nang makasakay na sila sa jeep. Punuan ulit at ang ending tabi ulit sila.


Sa paningin ng ibang nakakakita, para silang magnobyo na may LQ.

"Bahala ka na." Ang tanging sagot nito. "Kung yun ang ikatatahimik ng loob mo."

...

Hindi man lang siya hinintay ni Aga na makababa bago umalis. Nauna na siyang naglakad pauwi at ang lalaki pa ng mga hakbang niya.

Bakit ka nagkakaganyan? Gusto mong hintayin ka niya? Ikaw nga itong tulak ng tulak sa kanya palayo e.

"Lea!" May isang lalaking palapit sa kanya. Kung hindi siya nagkakamali, si Ricky.

"Bakit?" Tanong niya. Wala na siyang pakialam kung medyo may pagkasuplada ang pagtanong niya.

Gusto na talaga niyang magpahinga.

"Si Aga nakita mo?"

Bakit niya hahanapin sa akin si Aga? Close ba kami?

"Nauna na siyang umuwi. Hindi mo ba nakasalubong?"


"Hindi e. Pwedeng pakibigay ito sa kanya?" Sabay abot sa akin ang isang tupperware na nakalagay sa plastic.

Walang hiya, ginawa pa akong LBC.

"Malapit na lang naman ang bahay niya. Isang liko na lang diyan sa kanto." Sabi niya.

"Paluwas na din kasi ako, may emergency at nagmamadali ako. Sige na o, please? Dinner kasi niya yan. Kung di ko kasi maibibigay malamang hindi na naman yun maghahapunan." Sabi nito at hatang atat na ata na ngang umalis. "Sige na, Lea. Ngayon lang naman to saka magkapitbahay naman kayo."

Ito na naman ang sinasabi ko. Kinonsensya pa ako. Porke't magkapitbahay na kami pwede na nila akong pakiusapan ng mga ganitong bagay.

"Sige na nga. Pero ngayon lang to a." Binigyan niya ng diin ang 'ngayon lang to' para hindi na maulit.

Ngumiti si Ricky at parang nabunutan ng tinik. "Salamat, Lea."

Pagkaabot pa lang niya sa supot ay tumakbo na palayo si Ricky at dahil papadilim na rin ay nagtuloy na rin siya sa paglalakad.

"Hi, Tita Lea!" Bati ng isang batang babae.

Kung kailan ilang metro na lang ang layo niya sa bahay niya saka pa siya nakita ng batang to.

"Hello, Fran." Pilit niyang pinasigla ang boses kahit medyo pagod na siya dahil sa byahe at sa stress na hatid ng baliw niyang kapitbahay.

"Ano po yang dala niyo?"

Biglang umilaw ang bombilya sa utak niya. Saka napangiti siya sa sarili.

"Uhm, Fran, pwede ba akong makisuyo sa'yo?"

"Sige po, Tita." Bibong bibo pa sagot ng bata. "Ano po ba yun?"

"Pakibigay ito kay Tito Aga mo. Tapos sa kanya ka na lang humingi kung ano ito."

"Okay po, Tita. Akin na po." Masiglang sabi nito. Dali dali naman niyang ibinigay ang plastic.

"Thank you, Fran."

Ngumiti lang ang bata tapos tinungo na ang gate ni Aga. At pumasok si Fran sa bakuran ni Aga na para bang doon nakatira ang bata.

Pumasok na rin siya sa solar niya at hinintay na bumukas ang pinto ni Aga bago siya tumakbo at pumasok na rin sa bahay niya.

...

AGA MUHLACH

"Fran?"

Hindi niya inaasahan ang kanyang panauhin. Mag aalas sais na kasi at dapat nasa loob na nang bahay si Fran at hindi yung gumagala pa dito sa hilagang bahagi ng barangay nila. Taga timog pa naman ito.

"Hello, Tito Aga." Masiglang bati ni Fran.

"Hi! Bakit di ka pa umuuwi?" Tanong niya. Hindi naman sa pinagtatabuyan niya ang bata, nag-aalala lang siya kasi baka hinahanap na ito sa kanila.

"Galing po ako sa bahay ng isang kaklase ko at pauwi na po sana ako pero nakasalubong ko si Tita Lea diyan sa harap tapos inutusan niya akong ibigay ito sa inyo." Sabi ni Fran sabay itinaas ang hawak na plastic.

Napakunot noo siya sa narinig.

"Ano to?"

"Hindi ko po alam." Sagot ni Fran.

Binuksan niya ang ang nakatupperware.

Ito yung pinaluto kong putahe kay Ricky a.

"Halika, pasok ka. Dito ka na kumain. Tatawag na lang ako sa bahay niyo para sabihing nandito ka."

"Yehey! Thank you po, Ninong."

Ninong na ngayon. Kanina lang Tito. Tsk. Tsk. Iba talaga itong batang to.

Pagkatapos nilang kumain saka naman nagsink-in sa utak niya ang sinabi kanina ni Fran.

"Sabi mo galing ito kay Lea."

"Opo."

"Sinong Lea?"

Sa totoo lang, nag-iisa lang ang taong may pangalan na ganun sa buong Kalye Patay.

Yung supladang kapitbahay niya.

"Si Tita Lea po na nakatira diyan sa kabila."

"Iluwa mo ang kinain mo, anak. Dali!" Utos ko.


"Bakit po?"

"Kasi galing yun kay Lea. Malay natin kung anong nilagay niya. Baka mamaya may lason yun."

"Bakit po gagawin yun ni Tita Lea? Ang bait bait kaya niya."

"Mangkukulam yun." Sagot niya.

"Hahaha! Crush niyo po siya noh?"


"Sabi ko mangkukulam siya hindi ko sinabing crush ko."



"Yun na nga po, ganyan naman po kayo kapag may gusto kayo sa isang tao, kung ano ano ang itinatawag niyo tapos inaasar niyo pa para lang mapansin kayo."


Ganun na ba ako katransparent, at pati bata nakikita?



"Hindi ko na kailangang magpapansin dahil babae na ang humahabol sa akin." Mayabang kong tugon sa sinabi niya.


Umikot ang mata ni Fran.



"Hay naku, yung mga humahabol naman po sa inyo ay hindi pangmatagalan. At saka, taken for granted lang naman po sila."


"Uy, ikaw talagang bata ka. Andami mo nang alam. Halika na nga, ihahatid na kita pauwi."

"Daan muna tayo kay Tita Lea. Kailangan nating magpasalamat dahil ang sarap ng luto niya."

"Ha? Hindi naman niya niluto yun a. Si Tito Ricky mo ang nagluto nun. Ewan ko ba kung bakit na kay Lea e sabay lang naman kaming nanggaling sa Manila."

"Sigurado po kayo? E bakit kanina gusto niyong ilabas ko ang kinain ko. Si Tito Ricky pala ang nagluto e."

Sa totoo lang hindi niya sigurado kung galing kay Ricky yun pero yung pinaglagyan kasi ay yung tupperware na ibinigay niya sa kaibigan.


"Basta!" Sabi niya.

"Kahit na po galing kay Tito Ricky yun, pasalamat pa rib tayo kay Tita Lea. Tara." Sabi nito at hinila na ang kamay niya.

"Hay, sige na nga."


Itutuloy
●●●

Beauty and Madness [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon