Chapter 6

478 27 4
                                    

AGA MUHLACH


"Version two point zero? Ayoko nga, ano ka ba, sa simbahan ang patutunguhan ng dalawang yun noh." Sabi niya.

Alam kasi niya na kahit ganun magbangayan ang dalawang kababata nila, siguradong mauuwi din sa kasalan.

Konting tulak lang ang kailangan.

"Ayaw mo nun, magaya kayo ng kapitbahay mo?"

"Hindi ko pa nga nakikita ang Lea na yan, kung makapag match ka naman." Asik niya. "Mamaya pala e may lahing aswang yang taong yan."

"Uy grabe ka talaga kung makapag-isip, pare. Wag ka namang ganyan, hindi naman siya mukhang mangkukulam noh, ang ganda kaya, at saka baka si Lea na ang sagot sa panalangin mo. Di ba, kailangan mong mag-asawa muna bago ibigay sayo yung manang iniwan ng tatay mo?"

"E sa wala pa talaga akong nakitang gusto kong pakasalan." Sagot niya.

Yung trust fund kasi na iniwan ng tatay niya, maaaccess lang niya iyon kapag nakapag-asawa na siya.

"Yung mga babaeng dinadala mo dito wala kang balak pakasalan ang isa man sa kanila?"

"Gold digger nga diba?" sabi ko. Kadalasan kasi kapag sinasabi niyang banker siya at pag-aari nila ang sikat at pinakamalaki at pinakamaunlad na banko sa buong Pilipinas ay parang nagkakaroon ng peso sign ang mga mata nila.

"E kung pormahan mo si Badet, crush ka nun e. At sigurado ka pang hindi gold digger iyon dahil magkasingyaman kayo."


"Gago! E di kami naman ni Bentong ang mag-aaway niyan."


"Biro lang." bawi rin nito sa sinabi.

Biglang may sumagi sa isip niya. "May nakita pala akong babae. Nakasabayan ko sa byahe paluwas ng Manila. Kaya lang hindi ko nakuha ang pangalan niya e. Yun, gusto ko kahit unang meeting pa lang namin."

"Ang labo." Komento ni Saji. "Taga saan ba yan?"

"Hindi ko alam pero galing yung sinakyan namin dito. Ewan ko lang kung dayo siya o hindi." Sagot niya.

"Hay naku, malabo talaga yan. Hindi yan soulmate o destiny, pare. Yung kapitbahay mo na lang. Jackpot ka dun. Kung ayaw mo pa rin, uunahan na kita."

"O bakit hindi na lang kaya ikaw." sabi niya.

"Mas kailangan mo kasi para makuha mo na yung mana mo at nang maituloy mo na yung business na matagal mo nang gustong ipatayo."

"Hindi ganun kadali yun lalo na at nakaantabay si Lola."

Close monitoring kasi ang ginagawa ng lola niya sa kanya. Kahit may sarili siyang bahay ay ang Lola Anastasia pa rin ang namamahala sa mga ari-arian na iniwan sa kanya ng tatay niya.

"Akala ko ba may pupuntahan ka pa?"

"O sige alis na ako. Wag mong kalimutan yung community cleaning natin bukas, lagot ka kay Kap kapag hindi ka dumating."

"Oo na, oo na."

"At saka yung pa birthday mo."


Anong pa birthday? Aalis ako sa araw na yun para hindi niyo ako mabulabog. Hehe.

...

Kanina pa siya lakad ng lakad pero hindi talaga niya mahanap si Jake. Ang usapan nila ay alas tres sila magkikita sa bahay ni Ashton kaya lang pati yung isang yun ay wala din sa bahay nito. Magkapitbahay nga pala ang dalawa. Kadalasan laging magkasama ang dalawang iyon.

Beauty and Madness [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon