Chapter 3

557 33 1
                                    

LEA


Palinga-linga siya sa paligid habang nag-aabang ng masasakyan papuntang bayan. Apat na araw na kasi siyang hindi lumalabas sa kanyang bahay dahil abala siya sa pagsusulat. Kinukulit na rin kasi siya na magpasa na nang manuscript.

Mayroon naman siyang sariling sasakyan, yun nga lang hindi niya nadala noong umalis siya sa bahay nila. Nagpapaka low profile siya at ang paggamit ng marangyang sasakyan will defeat the purpose.

Baka paghihinalaan siyang anak mayaman which is may katotohanan nga naman.

Pero parang gusto na niyang magsisi dahil pahirapan pala ang transportation dito.

"Miss, kayo po ang nakatira diyan?" Tanong ng isang bata na napadaan sa kinatatayuan niya.

Dalawa sila actually, nasa edad pito o walong taong gulang.

Pilit siyang ngumiti at tumango.

"Akala namin walang nakatira diyan." Sabi naman ng isa. "Ngayon lang namin kayo nakita."


"Bagong lipat ako."

"Aahh.. kaya naman pala." Tila naliwanagan sila sa tinuran niya. "E bakit po kayo nakatayo lang dito?"

"Nag-aabang kasi ako ng masasakyan papuntang bayan."

"Naku, wala po kayong maaantay na dito. Mangilan ilan lang. Doon po sa may kanto, banda roon ang sakayan." Sagot ng isa sabay turo sa kaliwa.



Wala naman siyang makitang paradahan ng mg sasakyan doon a.


"A ok, salamat ha." Sabi niya saka tinalikuran na ang mga ito.


"Ang pangalan ko nga po pala ay Fran." Sabi ng batang babae bago pa siya makalayo ng tuluyan.


"At ako naman po ay Lance." Sabad ng batang lalake tila ayaw magpatalo.



Baka naman sabihan siyang suplada kung hindi man lang kakausapin ng maayos ang dalawang bata.



"At Lea naman ang akin."

"Can we call you, Tita Lea?" The girl asked hopefully.

'Wow, Speaking in dollars. For sure, may kaya ang pamilya nito. Kung sabagay, pati naman ayos at tindig, talagang rich kid ang dating. And I should know, I'm one.'


"Sure."



"Saan po kayo pupunta, Tita Lea?" Feel na feel na tanong ni Fran.


'Linsyak, parang ayaw akong paalisin ng mga ito.'

Hindi niya maiwasang isipin na baka kamag-anak ni Badet ang bata dahil sa matabil ang dila at parang sanay na sanay na makipag-usap sa mga matatanda.

Parang hindi natatakot. Paano na lang pala kung kidnapper ako? E di nabiktima na ang mga batang ito.


"Luluwas ako, punta ako ng Manila. Pagbalik ko na lang tayo magkwentuhan ha?." Sabi niya at nilasan na niya ang mga bata.


"Pupunta din po sa Manila si Tito Aga. Baka gusto niyo pong sumabay." Sabi naman ni Lance.


'There's that name again. AGA."

Lagi na lang niyang naririnig ang pangalang iyon. At nacucurious na rin siya sa kung ano ang itsura ng taong iyon.

"Next time na lang." Sagot niya at kahit tinatawag siya ng mga ito ay hindi na niya pinansin.

Beauty and Madness [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon