Chapter 20

311 20 6
                                    

Aga

Pasimple niyang sinundan ng tingin ang papalayong kapitbahay niya. Hindi niya alam kung paano niya nagawang hindi ito pansinin pero sadyang mas nangingibabaw na ang sakit na naramdaman niya kagabi sa mga sinabi nito sa kanya.

Hindi niya tuloy mapigilang mapabuntong-hininga. At hindi iyon naging lingid kay Vice.

"Balita ko may balak si Ian na pormahan ang kapitbahay mo." Sabi nito.

Hindi siya umimik. Pinaalis na lang niya ang binatang kaharap ni kapitan na abala sa paglalaro ng Mobile Legends. At siya na ang umukopa sa silya na binakantehan ng binatilyo.

"E di pormahan niya." Parang walang anumang sabi niya.

"Sabagay, mukhang mas bagay naman sina Lea at Ian." Sabi pa nito.

"Teka nga, bakit ba parang lahat na lang kayo pinapanigan si Ian?" Naiinis na tanong niya.

"Bakit? Wala namang ganyang usapan a. Ang sinasabi ko lang, bagay sina Lea at Ian. Ano bang pinagpuputok ng butse mo?" Seryosong tanong ng kaibigan. Minsan minsan lang niyang makausap ito kaya himala na ang ganitong kahabang usapan nila.

"Aga, may gusto ka ba kay Lea?" diretsahang tanong na ni Vice.

Nag-iba sa ng tingin.

"Hoy, Aga! Kung ako sa'yo magtapat ka kay Lea hindi yung pero palipad hangin ka. Nagmumukha kang bastos sa lagay na ganun. At saka, kung ayaw mong mangyari ulit sa inyo ang nangyari noon, aba, umayos ka." Sabi ni kanyang kaibigan at saka tumayo para iwanan na sana siya.

Pero bago pa makaalis ito ay may bigla siyang naalala.

"Vice!" sigaw niya sa kaibigan.

Nakakunot-noo naman lumingon ito.

"Nakauwi na ba si Albert?" tanong niya.

Lalong lumalim ang pagkakakunot-noo nito, "Bakit mo natanong?"

"Yung fiancee niya kasi nakilala namin kagabi." sagot niya. "Pero nakapagtataka lang kasi hindi sila magkasama at hindi man lang naipakilala ni Albert sa tropa ang tungkol dito."

"Sinong tinutukoy mo?" base sa expression ng mukha nito ay hula niyang wala itong alam ukol dito.

Himala! Nahuli ata sa balita ang tsismosong kapitan namin a.

"Ang pangalan niya ay Eula." Nakangiting sabi niya. "Iyon ang maganda..dahil siya lang ang nakaagaw sa pansin ni Yuji. Kung nakita  lang sana ni Albert kung paano siya titigan ni Yuji kagabi, naku! Tiyak magagalit si Albert." palatak niya.

"Walang taong nagngangalang ganyan dito sa barangay ko." Turan nito.

"Kung ganun, sino yung babaeng kasalukuyang nakatira ngayon sa lumang bahay ng mga Martinez?"

Hindi na nagsalita pa si Vice bagkus ay tumalikod na ito at tinahak ang direksyon papuntang Barangay Hall, malamang magsisiyasat ito.

......sa bahay ni Bentong....

Narinig niya ang masayang tawanan ng mga kaibigan niya sa bakuran nina Bentong. Mula kagabi ay wala na siyang naging balita kung ano ang nangyari sa paghaharap nina Bentong at Badet.

"Uy, si Aga o!" Turo sa kanya ni Saji pagkakita sa kanya sa tarangkahan ng bahay.

"Sa wakas, maaga ka nang nagigising ngayon Muhlach." komento ni Ricky na hawak pang tasa ng umuusok na kape.

"At ikaw tanghali na, nagkakape pa." Sabi niya.

"At kailan pa pinagbawal magkape sa oras ng alas nwebe?" ganting tanong ni Ricky.

"Ano bang meron at mukhang ang saya saya niyo?" sa mga ganitong pagtitipon ng tropa ay talagang napag-iiwanan na siya. Hindi na nga niya alam minsan ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng mga ito.

"Parang hindi mo alam ang nangyari kagabi a. Syempre magpapakain ngayon itong si Bentong dahil sa wakas ay nagkalovelife na. Sa tinagal tagal ng ligawan nila ni Bernadette ay nauwi din sa kasalan." mahabang litanya ni Ashton.

"Saglit lang!" awat ni Bentong. "Anong kasalan? Ang bilis niyo naman. At saka anong magpapakain? Para naman kayong mga patay-gutom niyan a."

Sabay sabay na napatawa silang lahat.

"Mga pobre!" sabi pa ni Bentong.

Lalo lang silang napatawa.

"Umalis na nga kayo, ang aga aga e nang-iistorbo. Ikaw Ashton, baka hinanap ka na don sa barangay hall, ikaw ang naka duty ngayon."

"Ay, oo nga pala. Sige una na ako mga pare." Dagling umalis si Ashton at naiwan silang lima doon.

Lima nga pala kami pero bakit parang ang tahimik ngayon nina Saji at Yuji. Anong meron sa kambal na to?

"Itong dalawang ito, bakit parang semana santa ang itsura?" tanong niya.

"E paano kasi, bumalik na si Ruth." sagot ni Ricky.

Ruth?

"Yung first love ni Saji. Pero lintik lang kasi si Yuji ang gusto." Sabi ni Bentong.

Ah, yung babaeng gustong gusto ni Saji pero  kay Yuji naman may pagtingin si Ruth.

Ayos na sana e na magpalit na lang ng identity ang kambal kasi magkamukha naman sila kaya lang kayang i-distinguish ni Ruth kung sino si Yuji.

"Bakit ba parang lahat naman na ata tayo ngayon ay may problema sa pag-ibig." Mahinang sabi niya.

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Para silang tanga na nakatanaw lang sa kalsada at pinapanood ang mga dumadaan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita niya si Lea na nakabihis at naglalakad sa gilid ng kalsada.

Sa suot nitong simpleng blouse at slacks ay kagalang galang itong tingnan. Malayong malayo sa babaeng gulo ang buhok at gusot gusot ang damit na nakita niya sa kanilang unang pagtatagpo.

Kinalabit siya ni Ricky at itinuro ang dalaga, "Si Lea."

"Alam ko."

Napatingin sa kanya ang apat niyang kaibigan at parang naninibago sa kinikilos niya.

"Anong naganap kagabi?" Hindi mapigilang mag-usisa na si Yuji.

"Sinabihan niya akong bastos. At saka ayaw talaga niya akong maging kaibigan." Sagot niya.

"Wow." Yun lang ang nasabi ni Saji.

"Lea!" Sigaw ni Ricky.

Nagpalingon si Lea sa kinaroroonan nila at kumaway si Ricky.

"Hello, Lea! Saan punta mo? Samahan ka ni Aga." Sabi ni Ricky na ikinagulat niya.

Napatingin si Lea sa gawi niya at hindi niya mapigilang lumunok ng magtama ang paningin nila. "Wag na, salamat. Diyan lang naman ako sa bayan."

Pagkasabi ni Lea iyon ay biglang sumulpot mula sa kung saan si Ian, humihingal na para bang pagod na pagod.

"Tara, Lea. Andoon ang sasakyan." Narinig nilang sabi ni Ian.

Halos mapatayo siya mula sa pagkakaupo ng hawakan ni Ian ang braso ni Lea.

Ang akala niya ay aalma si Lea sa ginawa ni Ian pero kabaliktaran ang ginawa nito.

Hindi nagreklamo ang dalaga at nginitian pa si Ian bago sila lumakad palayo sa lugar na yon.

"Ah, oh! World War 3 na ito." pabaklang turan ni Ricky.

😂😂😂

Chapter 20
***

Beauty and Madness [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon