Chapter 25

288 13 0
                                    

LEA

"Oo, pangako sa susunod na buwan ay magpapasa na ako ng manuscript. Sa katunayan nga ay nasa kalahati na ang sinusulat kong bagong kwento. Bigyan mo naman ako ng time magpahinga." Sabi niya sa kanyang publisher. Tulad ng dati pagkatapos lang ng dalawang linggo mula nang huli siyang nagpasa ay kinukulit na naman siya na gawan ng sunod na serye ang una niyang ginawa.

Wala naman sa usapan na magiging series ang ginawa niyang nobela pero dahil naging maganda ang pagtanggap ng mga nagbabasa ay naisipan ng kanyang publisher na gawing series.

Buti na lang nagkaroon siya ng bagong material. Thanks to Eula.

Misteryoso talaga para sa kanya ang pagdating ni Eula sa kalye patay. Tulad niya, na may malalim na rason kung bakit siya nagpunta sa lugar na ito.

Sabi nga nila, "it takes one to know one"

At sigurado siya na may itinatago rin si Eula. Iyon ang aalamin niya, hindi lang upang may maisulat siya sa kanyang ginagawang kwento pero para na rin sa kaligtasan ng barangay na ito.

Malay mo, isa palang serial killer itong si Eula.

Sa halip na matakot ay napangiti siya sa kanyang naisip.

Hmmmnn. Ano kaya kung gawing kong horror o suspense ang genre ng next novel ko?

Sa kanyang pagmuni-muni ay hindi niya namalayan na katabi na katabi na pala niya si Aga.

Napaigik siya sa sobrang gulat.

"Bwisit ka talaga! Paano ka nakapasok? Magnanakaw ka ano? O baka may balak kang masama sa akin?" tanong niya na humihingal pa habang nakaduro kay Aga.

"Una, nakabukas po ang pinto ng bahay niyo madam! Pangalawa,hindi ako magnanakaw. At pangatlo, kung may balak akong masama sayo noon ko pa ginawa. At pang huli, hindi ako masamang tao." malumanay na sagot nito.

"Anong kailangan mo?!" asik niya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Ke aga aga e."

"Ano ba kasi kailangan mo?"

Napabuntong-hininga si Aga. "Ibabalita ko lang sana sa'yo na fake news iyong tungkol kay Ian. Hindi pala siya iyong tinutukoy nilang tumalon sa tulay."

"Ah. Ganun ba. Mabuti naman. Sayang naman ang kagwapuhan niya kung magpapakamatay lang." wala sa sarili na nasabi niya.

"Gwapo si Ian? Saang banda? Kund hindi lang mestiso iyon mapagkakamalan mong yagit." tila napikon na sabi ni Aga.

Napangiti siya.

"Nagseselos ka?"

"Ha? Anong selos na pinagsasabi mo? Bat ako magseselos doon? May gusto ka ba sa kanya?" sunod sunod na tanong ni Aga. Namumula pa ang pisngi dahil siguro sa pagkaasar.

"Nagseselos ka nga." kumpirmadong sagot niya saka iniwan na ito.

"Hoy, Misis! Saan ka pupunta? Di pa tayo tapos mag-usap. Bawiin mo ang sinabi mong gwapo si Ian." Sigaw ni Aga.

Natatawa siya dahil sa reaksyon nito pero hindi rin niya maikubli ang saya na nararamdaman niya.

"Sige na, wag ka nang magselos. Mas gwapo ka."

Parang nahipnotismo si Aga dahil naitulos ito sa kinatatayuan. Gulat na gulat sa narinig.

Naghintay siya ng ilang sandali para bumalik ang huwisyo kay Aga.

"Ibig mong sabihin, tayo na?"

Ang kanyang pagkakangiti ay napalitan ng kunot-noo at nagsisimula na siyang mapika.

"Wala akong sinabing ganyan. Ang sinasabi ko lang mas magandang lalaki ka kay Ian. Wag kang assuming. Hindi porket nagiging close na tayo ay kung ano ano na ang pinagsasabi mo a."

Si Aga naman ang napakunot-noo.

"O sige, gawin nating pormal. Pwedeng manligaw?" diretsahang tanong nito.

"Uy! May nagliligawan sa kalsada!" pang-aasar na sigaw ni Yuji.

Pareho nilang hindi namalayan na nakalapit na pala sa kanila ang mga kaibigan ni Aga.

Si Yuji at ang tsismosong si Bentong.

"Pare, pwede bang doon muna kayo." pagtataboy ni Aga. "Sinisira niyo ang diskarte ko e."

Napatawa lang ang dalawa.

"Sagutin mo na yan, Lea. Baka mamaya siya na ang mabalitaang tumalon sa tulay." Nagpipigil na sabat ni Ricky.

Hindi niya alam kung saan sumulpot ito pero batid niya na ilang minuto lang, buong tropa na ni Aga ang magkukumpulan dito. Kaya bago pa mahuli ang lahat, aalis na siya.

Pagtalikod niya ay siya namang pagdating ni Badet.

"Anong nangyayari dito?" usisa niya. "Nakakaagaw na kayo ng pansin."

"Itong si Aga, nagtapat na kay Lea." masayang pagbabalita ni Bentong.

"Finally!" naibulalas ni Badet. At masaya siyang niyakap.

"Welcome to the club." sabi pa nito habang yakap yakap siya.

"Teka! teka lang!" awat niya sa masayang tawanan ng mga ito.

Tumahimik naman ang lahat.

"Una sa lahat, walang ipinagtapat si Aga. Pangalawa, hindi ko siya type. Pangatlo, hindi kami. At hinding hindi mangyayari iyon." madiin niyang sabi.

"Why don't you give me a chance?" seryosong tanong ni Aga.

Inisa isa niyang tiningnan ang mga kaibigan nito at makikita sa kanilang seryosong mukha na sinusuportahan nila ang kanilang kaibigan.

"You're not worth it." marahas iyon sa pandinig pero iyon ang una niyang naisip.

"Dahil ba maingay ako? Dahil lagi kitang inaasar? Dahil sa tingin mo hindi ako mabuting tao? Dahil ba----"

Pinigilan niya ito sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagtaas niya ng kamay.

"Dahil sinungaling ka." Sabi niya.

"Kailan ako nagsinungaling sa'yo?" maang na tanong nito at nilapitan siya.

Lumayo naman ng bahagya ang tropa nito para bigyan sila ng espasyo.

"Noong nakita kitang kausap mo ang mga magulang ko. Alam mo na ang pagkatao ko bago pa ako naging kapitbahay mo."

"Alam mo?"

"Oo. Noong nalaman kong ikaw pala ang sinsabi nilang ipapakasal sa akin, binigyan kita ng chance pero ang tagal na noon hindi ka pa umamin sa akin. Mag-iisang taon na akong nagtatago dito a di ka pa rin umiimik."

"Lea, magwawalong buwan ka palang dito." pagtatama ni Hadji na kadarating lang. Irap ang iginanti niya rito.

"Kaya nga sabi ko, mag-iisang taon na!" sabi niya.

"So ibig bang sabihin niyan wala na talagang pag-asa itong kumpare namin? Hindi na magkakaroon ng katuparan ang hiling ng mga magulang mo at ang lola ni Aga?" sabad ni Ricky.

Imbis na sumagot ay tumalikod na siya. Wala na siyang mood makipag-usap sa mga ito. Lalo pa at may nobela pa siyang isusulat.

Totoo ang sinabi niya na matagal na niyang alam na si Aga ang taong dapat sana ay mapangasawa niya.

Ang tadhana nga naman kung magbiro, iyong pinagtataguan niya ay siya pang naging kapitbahay niya. Marahil sa una ay hindi rin siya nakilala agad ni Aga.

Marunong siyang bumasa ng tao kaya sigurado siya na hindi talaga alam din ni Aga na siya ang babaeng ipinagkasundo din sa kanya.

Pero bakit nga ba sa dami ng mga kakilalang  tao ng Papa niya ay kay Aga pa siya ipinagkasundo?

Isa lang ang hindi niya sigurado ngayon, kung totoo bang may gusto rin sa kanya si Aga o napipilitan lang ito dahil sa obligasyon sa pamilya?

Pagtatapos ng kabanata
😊😊😊




Beauty and Madness [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon