Chapter 19

391 20 4
                                    

LEA

Akala niya ay hindi na siya susundan ni Aga matapos niya itong sitahin dahil sa paghila sa kanya pero sadyang makulit talaga ang lahi ng binata dahil hinabol siya at muli niyang kinuha ang kanyang kamay.

Ang lakas din talaga ng loob ng lalaking ito para hilahin na lang ako. At teka nga, saan ba ako dadalhin? Bakit parang ibang direksyon naman itong tinatahak namin.

"Eherm!"

Ngunit parang walang narinig si Aga.

Aba't talagang sinusubukan talaga nito ang pasensya ko a.

"Hoy!" Malakas niyang sigaw sabay hugot sa kamay niya na mahigpit paring hawak nito. "Ano bang problema mo at nandadamay ka pa?"

"Ha? Wala naman akong problema a." Sagot ni Aga nang makabawi sa pagkabigla.

Napahalukipkip siya at tiningnan ito ng masama. "Uuwi na ako."

"Teka lang sandali!" Maagap na pagpigil ni Aga sa kanya. "Pwedeng magkwentuhan muna tayo, misis?"

"Una sa lahat, hindi tayo close para makipagkwentuhan ako sayo. Pangalawa, hindi tayo magkasundo para hatakin mo na lang ako ng ganun ganun lang. Sa tingin mo ba natutuwa ako sa mga pagpapalipad hangin mo? Sa totoo lang, nababastusan ako sayo!" singhal niya sa binata.

Halatang nasaktan si Aga sa mga sinabi niya. Dati dati naman ay natatawa na lang ito kapag nagsasabi siya ng masasakit na salita. Pero sa pagkakataong ito ay mukhang tumama na sa wakas sa buto nito ang mga salitang pinakawalan niya. Matagal na niyang gustong lubayan siya nito dahil nakakapagod na talagang makipagdiskusyon dito.

"Pasensya ka na, Lea." Seryosong sabi nito. "Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo."

Pagkasabi nun ay tumalikod na ito.

Arte mo!

Tumalikod na rin siya at lumakad sa kabilang direksyon.

Dahil malapit nang maghating-gabi ay malalaking hakbang ang ginawa niya kahit nangangawit na ang kanyang mga paa dahil sa kalalakad. Biglang may marinig siya sa may puno sa loob ng bakuran ng bahay na madadaanan niya.

"Anong gagawin ko? Hindi mo naman nabanggit sa akin na may mga malalapit na kaibigan dito ang pinsan mo.."

Mahina lang ang boses na yun pero dahil gabi at tahimik ang buong paligid, malakas na yun sa pandinig. At dahil na rin umaandar na naman ang pagiging writer niya at tsismosa ay nagtago siya sa may halamanan na nagiging bakod na rin ng bahay.

"E nasabi ko na kanina na fiancee ako ni Albert.."

Awtomatikong napataas ang mga kilay niya.

Juicy! Sino naman kayang Albert ang tinutukoy ng babaeng ito?

Lalo niyang inilapit ang tainga para marinig nang mabuti ang usapan.

"Sige, pero sabihan mo ako kapag babalik na si Albert para makaalis na rin ako dito sa bahay niya. At huwag na huwag mo akong iindiyanan at ipapareha sa pinsan mo Kara Martinez dahil kakalbuhin talaga kita."

Hindi naman mukhang nakakaalarma ang banta ng babae dahil parang magkapatid lang naman ang paraan ng pakikipag-usap nito.

But wait! Martinez? Could she be referring to Albert Martinez? Oh my God! And she said...Fiancee ni Albert?

Nang marinig niyang magpaalam na ang babae ay kumaripas na rin siya ng takbo.

Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Kaibigan niya si Agot at ang pagkakaalam niya ay malapit nang ikasal sa nobyo nito. At ang pagkakaalam rin niya ay si Albert ang kasintahan nito.

Could it be na si Albert ay nangagaliwa? At kasabwat pa nito ang pinsan nito.

...


Kinaumagahan...

Kahit marami siyang iniisip ng nakaraang gabi ay nakatulog pa rin naman siya ng maayos. Alas otso na nang maisipan niyang magtungo sa kusina para maghanda ng almusal. At ang almusal lang naman niya ay kape at pandesal. Pero nang magbukas siya ng cupboard ay wala na palang laman.

Kahit tinatamad ay nagbihis siya at lumabas ng bahay para bumili sa tindihan.

Saktong maisara na niya ang kanyang gate ay palabas din ang kapitbahay niya. Naalala niya ang mga pinagsasabi niya kagabi at iiwas sana siya pero nagulat siya dahil hindi siya pinansin ni Aga. Kahit nakita siya nito ay hindi na siya binati tulad ng ginagawa nito dati.

Nalungkot siya sa ginawa ng kapitbahay niya pero hindi naman niya maihanapan ng dahilan kung bakit ganun ang nararamdaman niya.

Nagkibit balikat na lang siya at pinagpatuloy ang paglalakad.

Pagsapit niya sa tindahan ay saktong andoon rin ang Kapitan ng barangay. Nakaupo ito sa isang silya at nakikipagkwentuhan sa isang binata habang kumakain ng pandesal at may umuusok na kape sa harapan.

"Magandang umaga po, Kapitan." magalang niyang pagbati.

"O, Lea! Kumusta ka?" nakangiting tanong nito. "Medyo matagal na rin mula ng huling ireklamo mo si Aga."

Napangiti rin siya sa tinuran nito. Ilang buwan na nga rin pala mula noon, parang kailan lang.

"Ayos naman po Kapitan. Hindi pa rin maiwasang maikapagsigawan sa kanya minsan pero hindi naman po nananakit kaya ayos lang."

"Mabuti naman kung ganun. Siyanga pala, fiesta ng barangay sa susunod na buwan. Nagkakaroon dito ng mga palaro at iba't ibang uri ng palabas. Pwedeng pwede kang sumali."

"Mag-oobserve na lang po muna ako ngayon Kap. Sa susunod na taon na lang po siguro." magalang niyang pagtanggi.

"Oy, Aga!" Biglang tawag ni Kapitan Vice sa taong nasa likuran niya.

Napalingon siya agad pagkarinig sa pangalan na yun at ang nakasimangot na mukha ng kapitbahay niya ang agad niyang nakita.

"Palibre nga ng kape, Vice." Sabi nito sa kanilang Barangay Captain.

"Bakit kita ililibre? Pulubi ka ba?" Naging seryoso na ang kanina'y masayang mukha ng Kapitan.

At dahil mukhang nakalimutan na ang presensya niya ay hindi na rin siya nagpapansin pa. Bumili na lang siya ng noodles at apat na itlog pero hindi niya maiwasang makinig sa usapan ng dalawa.

Para na akong tsismosa sa lagay na ito a.

"Tulad ng dati, ginawa naming pitong kuponan na naman ang magtutunggali para sa mga palaro. Syempre ang team leader ay ang mga kagawad." sabi ng kapitan.

"Katulad din ba dati na kung sino ang magkakapurok ay magkakampi?" tanong ni Aga.

"Oo. Mas madali kasing gawin yun kaysa papiliin ang bawat sambahayan kung kanino sila makikianib." Sagot ng kapitan.

Oh my gee... Ibig sabihin nito ay magkakampi kami ni Aga sa mga palaro dahil pareho kami ng purok.

Dahil dito ay dali dali na siyang umalis bago pa mahalata na nakikinig na siya sa usapan nila.

😱😱😱

Beauty and Madness [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon