LEA
Alam niyang si Aga ang kumakatok sa kanyang pinto dahil saktong binuksan niya ang bintana ay nakita niyang binubuksan nito ang kanyang gate..
Ano na naman kaya ang kailangan nito?
"Bakit?" Agad niyang tanong pagbukas sa pinto.
"Para sa'yo." Sabay abot sa hawak nitong paper bag.
Biglang kumalam ang sikmura niya pagkaamoy sa mabangong amoy ng kalulutong tinapay.
"May gayuma ba to?" tanong niya.
"Wala e. Hindi kasi ako marunong gumawa." sagot nitong nakangiti.
"At may balak ka talagang lagyan kapag alam mo!" agad nag-init ang ulo niya dahil sa narinig.
Ewan ba niya kung bakit ganito ang mood niya ngayon. Ok naman siya kaninang umaga. Maayos pa ang usapan nila pero sa pagkakataong ito ay inis na inis siya.
"Hindi sa ganoon. Wala akong balak na ganoon. Akala ko kasi mapapangiti kita sa joke na iyon." Paliwanag niya.
Ay joke ba iyon?
"Saan galing ito?"
"Sa bakeshop ni Yuji."
"Ah, pinapadala ito ni Yuji sayo?" usisa niya.
"Actually, si Saji ang gumawa niyan. Ginawa niya sa bakeshop ni Yuji."
"Pakisabi salamat ha. Sabihin mong hindi ko hiniling ito sa kanya. Baka kasi pagbayarin niya ako e." sabi niya.
Napakamot ng ulo si Aga.
"Diba writer ka? Bakit hindi mo man lang maintindihan ang ginagawa kong ito?"
"Ha? Bakit ano bang ginagawa mo at idinamay mo pa ang pagiging writer ko?" maang na tanong niya. Pakiramdam niya tuloy ay ang bobo bobo niya.
"I'm courting you!" Bulalas ni Aga.
"Ah, panliligaw ba to? Kasi ang alam ko sa panliligaw ay nag-iigib ng tubig, nagsisibak ng kahoy at nanghaharana sa gabi." Sabi niya.
"Lea, nasa 21st century na tayo." sabi niya. "Hindi ito 1960."
"Alam ko."
Napalatak si Aga. "I like you, Lea. I want to date you."
Natameme siya.
She likes him too.
Pero maraming hadlang. Hindi pa kasi niya alam kung ano talaga ang motibo nito sa kanya.
"Magsalita ka naman, please." sabi nito.
"Aga, we both know na pinagkasundo tayo ng mga magulang ko at nang lola mo. On my part, gusto nila akong ipakasal sayo dahil sa koneksyon ng pamilya mo. My father wants to expand his business at nakikita niyang makakatulong ay ang pamilya mo." sabi niya.
Tahimik lang na nakikinig si Aga.
"Anong rason ng lola mo para ipakasal ka?"
Huminga muna ito ng malalim.
"Ang alam ng lola ko, I am a playboy. Hindi ko rin naman siya masisi dahil papalit palit nga ako ng girlfriends. Eversince noong nakuha ni Ian ang nililigawan ko, naging mas lalo akong nagloko sa babae. Ang paraan ni Lola ay ipakasal ako sa babaeng napili niya. Iyon ang deal para ibigay niya sa akin ang mana ko. Which is kailangan ko para makapag start na ako sa business na pangarap ko."
Mataman siyang nakikinig sa sinasabi ni Aga dahil sa pagkakataong ito, Aga is at his most sincere self.
"Pumayag ako kasi tingin ko mapapaikot ko lang sa aking palad kung sino man ang babaeng iyon. Magagawa ko pa rin ang gusto ko kahit kasal na ako. Everything changed when you came to Kalye Patay. Sobrang nacurious ako sayo. Unti-unting naiwasan ko ang pakikipag-date sa kung sino sino."
Sa mga sinasabi niya ay unti unti na ring bumibilis ang tibok ng puso niya.
"Aga, why do you want to date me?"
Kung magustuhan niya ang isasagot nito ay bibigyan niya ng pagkakataon na maging boyfriend niya.
Napaisip ng mabuti si Aga. Mukhang natunugan ata nito na nakakasalalay sa sagot niya ang magiging relasyon nila.
Maging magkasintahan o habang buhay na kapitbahay lang ang magiging samahan nila.
Minuto na ang lumipas pero wala paring sagot. Nakatitig lang si Aga sa kanya na para bang gusto nitong ibigay ang sagot sa pamamagitan ng titig.
Pinilit din niyang basahin ang sinasabi ng mga mata nito pero parang sobrang lalim ang iniisip nito.
"Sige. Pag-isipan mo muna ang dahilan kung bakit mo ako gustong ligawan. Baka kasi nabibigla ka lang---"
"Lea." putol nito sa sasabihin niya.
"I wanted so badly to date you for the sole reason that I want you to be my wife someday."
Napangiti siya. That's good enough reason...
"Okay, Mr. Muhlach. Let's give it a try."
Biglang nagliwanag ang mukha ni Aga. Naglulundag ito sa tawa at napasigaw pa.
"Hoy, ano ba! Abot hanggang kabilang kanto yang sigaw mo." saway niya rito.
Pero parang walang narinig at siya ay binalingan saka binuhat sa baywang at inikot ng tatlong beses.
"Woooh!!!"
"Titigil ka ba o babawiin ko na ang---"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sakop na nito ang mga labi niya.
First real kiss niya ito.
"Pangako, aalagaan kita. Pakamamahalin at pakaiingatan habang ako ay nabubuhay." humihingal na sabi nito pagkatapos siyang halikan.
"Sabihin mo na lang yan sa kasal natin." nakangiting sabi niya.
"Mas mahaba ang vow ko sa kasal natin Misis." nakangiti ding sabi nito.
"Manligaw ka muna."
"Yes, ma'am!" sumaludo pa ito sa kanya na parang bata.
...
Marami pa silang pagdadaanan. Marami pa siyang dapat malaman sa kauna-unahang lalaki na hinayaan niyang makalapit sa kanya.
Kahit minsan may topak ito, magtityaga siya. Kasi ganoon din naman siya. Alam niyang may mga babaeng maghahabol rito pero handa na siyang ipaglaban kung ano meron sila. Darating ang mga araw na mag-aaway sila at magkakatampuhan pero alam din naman niyang magkakaayos din sila and that is the beauty and madness of being inlove.
Fin.
BINABASA MO ANG
Beauty and Madness [Completed]
General FictionPaano mo pakikisamahan ang sira-ulo mong kapitbahay?