Chapter 24

375 19 0
                                    

AGA

Nagising siya na may ngiti sa kanyang mga labi at may kakaibang sigla.

Inalala niya ulit ang unang pagkakataon na nagkasalo sila ni Lea ng hapunan. Bilang isang manunulat, batid niyang ibang klase ang imahinasyon ng dalaga kaya nagrereflect ito sa mga kwento nito kagabi.

Hindi niya alam na madaldal pala ito lalo na kapag alam na alam ang topiko at higit sa lahat, malakas palang kumain.

'Akalain mo, nakatatlong pungga ng rice. At naubos nito ang dala kong ulam.'

'Kung siya mapapangasawa ko kailangan kong kumayod ng doble dahil baka mamulubi kami.'

Napatawa siya ng malakas dahil sa sobrang kaligayahan. There is always a first time sabi nga nila.  Ito na iyon. Pakiramdam niya ay unti unti na niyang makukuha ang loob ni Lea.

Saka na lang siya magtatapat tungkol sa nalaman niya.

Dapat bago malaman ni Lea ang totoo ay lubos na ang pagmamahal nito sa kanya nang sa ganun ay mas madaling tanggapin at maunawaan ang gagawin niyang rebelasyon. At siguro mas madali nitong mapatawad siya.

...

Katatapos lang niyang maligo nang marinig niyang tumutunog ang kanyang cellphone.

Si kapitan.

"Magandang umaga kapitan." masiglang bati niya.

"Pumunta ka ngayon dito sa Barangay Hall."

Pagkatapos nitong sabihin iyon ay pinatay na nito ang linya bago pa siya makasagot.

"Pambihira naman. Hindi naman ako Kagawad a. Kung makapag-utos akala mo diyos." bubulong bulong na sabi niya.

Pero dagli pa rin siyang nagbihis at lumabas ng bahay.

Paalis na sana siya ng makita niya si Lea na nakatayo sa harap ng gate niya.

"Lea."

"Nakalimutan mo ito." anito sabay abot ng dalawang container na pinaglagyan ng ulam kagabi .

"Salamat." sambit nito.

Inabot naman niya. "Gusto mo bang maglakad lakad muna? Medyo makulimlim naman ang panahon. Magandang magstroll at saka maaga pa."

"Okay."

Parang tatalon ang puso niya dahil sa pagpayag ni Lea na maglakad sila.

...

Parang tourist guide ang naging labas niya. Pero ayos lang iyon basta ang importante kasama niya si Lea.

"Ito naman ang paaralan kung saan kami nag-aral na magkakaibigan." turo niya sa medyo may kalumaan nang gusali.

"Bakit parang haunted house?" komento nito.

Napaismid siya sa sinabi ng dalaga.

"At akala ko ba mayaman ka e bakit diyan ka nag-aral? Mukhang hindi naman prestihiyosong paaralan yan." dagdag pa nito.

Kung ibang tao lang ang nagsabi nun malamang sinuntok na niya. Ayaw na ayaw niya ang nilalait kung anong mayroon ang barangay nila. Pero dahil sa Lea ay pinalampas niya pero sa totoo lang hindi naman siya ganun nainis. Naintindihan kasi niya na nagiging honest lang ang dalaga. Totoo naman kasi ang sinabi nito.

"Hindi nga. Public elementary school yan. Pero yan lang ang paaralan dito sa baryo namin kaya eksklusibo yan." pagtatanggol niya. "At kung hindi mo nalalaman, diyan din nag-aral ang mga magulang namin. Tingnan mo sila, mga businessman, doctors, engineers at architect, mayroon ding mga sundalo at matataas na ang ranggo. Pero karamihan ay banking and finance nag-excel."

"Ah, ganun ba. Wala kasi akong kilala." sagot naman nito.

Sa ibang pagkakataon ay mag-iinit ang ulo niya, kasi paanong walang kilala, e iyong senate president Sta.Maria ay laking Kalye Patay.

"Si Kapitan Vice, dating Captain iyon ng Philippine Army." sagot niya.

Natawa ito sa sinabi niya.

"Anong nakakatawa?" tanong niya.

"E kasi dati siyang Captain ng Army ngayon naman kapitan ng barangay. E di walang nagbago sa titulo niya." natatawang sagot nito.

"Lea, hindi nakakatawa iyon." Seryosong saad niya.

Napatigil naman si Lea sa pagtawa.

"Vice has been through a lot. Hindi basta basta ang pagbitaw niya sa tungkulin. He has been deeply scarred, not only for the horror of wars he had seen but also---" Natigilan siya dahil muntik na niyang masabi ang isa sa mga dahilan ni Vice kung bakit siya umalis sa tungkulin.

"Mukhang masyado palang seryoso ang topikong iyon. Pasensya na hindi ko alam." Sinserong sabi ni Lea.

"Hindi ko sinasadya na medyo magtaas ng boses." hinging paumanhin din niya.

"Okay lang iyon. Hindi nga naman maganda ang ginawa ko." sagot nito.

"Aga!" sigaw ng isa sa mga kagawad ng barangay. Nakasalubong nila pero hindi agad namukhaan. "Kanina ka pa hinahanap ni Kapitan. Galing na rin kami sa bahay mo."

"Ano bang kailangan nun?" medyo naasar ko na ding tanong.

Kung kailan kasama niya ngayon ang babaeng mapapangasawa niya ay saka naman siya iistorbohin.

"Ang mabuti pa siguro ay pumunta ka na doon. Salamat sa pag-tour mo sa akin." sabi ni Lea at tumalikod na. Sunundan na lamang niya ito ng tingin saka sumama na sa kagawad.

....

Pagdating niya sa barangay hall ay nandoon lahat ang miyembro ng tropa niya pati na rin ang grupo nina Jhong mula sa kabilang barangay.

"May nangyari ba?" agad niyang tanong.

"Nawawala si Ian, pare." sagot ni Bentong.

"Matanda na iyon, kaya na niya ang sarili niya. Saka nakita ko siya kahapon mga bandang tanghali." sabi niya.

"Saan mo siya nakita?" tanong ni Yuji.

"Ah..iyong sasakyan niya nakita ko. Pauwi sa bahay nila."

Napailing ang mga nandoon.

"Bakit? Si Ian ang sakay nun kasi imposibleng magpahiram yun ng sasakyan. Saka bakit nga pala andito kayo Jhong?" baling niya sa kinikilalang leader ng grupo ng mga tigasin ng kabilang bayan.

"May nakakita kasi sa barangay namin kay Ian at ang sabi tumalon daw sa may tulay."

"Ha? Si Ian tatalon sa tulay? Takot kaya iyon sa heights. Hindi ako naniniwalang siya iyon at saka sobrang mahal nun ang sarili niya kaya bakit niya ipapahamak." sabi ko.

May pagka-weirdo si Ian pero ang magpakamatay, naku, malabo.

"Aga is right. Maging ako ay hindi naniniwalang si Ian iyon." segunda ni Kapitan Vice.

"O? May pulong pala, hindi niyo man lang ako tinawag."

Lahat kami ay napatingin sa pinto ng barangay hall at batid kong lahat kami ay gulat na gulat pagkakita kay Ian.

Pagtatapos ng kabanata
🙄🙄🙄

Beauty and Madness [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon