Chapter 9

465 34 5
                                    

LEA


Sa wakas nakarating na rin sila sa mismong bayan ng Morguena. Dali dali siyang bumaba at walang lingon lingon na dumiretso sa terminal ng bus papuntang Manila.

"Uy, Miss!" Naririnig niyang may sumisigaw sa likuran niya pero hindi pa rin niya pinansin.

"Lea!" Ngayon ang pangalan na niya.

Si Aga ang tumatawag sa kanya kaya lalo niyang binilisan ang paglalakad.


Pagpasok niya sa loob ng bus ay naghanap agad siya ng bakanteng upuan.


Sana hindi na niya ako sundan dito.


Ilang saglit lang ay tumabi sa kanya ang humihingal na si Aga.

"Ang bilis mong maglakad. Para kang may tinatakbuhan. Umamin ka nga, may utang ka noh?" Nakangiti pang tanong nito. "Parang may tinatakasan ka a."


Irap lang ang isinagot niya sa paratang nito.


"Kaya ka nagtatago sa tahimik na barangay namin dahil may pinagtataguan ka." Hindi na tanong, parang siguradong sigurado na siya sa kanyang hinala.


"Pwede ba. Wag mo akong kakausapin. Hindi tayo close." Sabi niya.

"Hindi tayo close? Magkapitbahay tayo diba? Ilang metro lang ang pagitan natin tapos hindi tayo close?"

The best way to stop him from talking is to ignore him completely. Titigil din ito kapag walang kausap.



"San ka pupunta?"

.
.
.

"Uy, Miss Lea. San ka pupunta?"



"Wag mo akong tawagin Miss Lea."


"O sige, Misis Lea! Saan po ang punta niyo? Di mo sinabi a na may asawa ka na pala. Ang balita ko hindi ka pa kasal."

"Wala kang pakialam!" Asik niya. Ewan ba niya pero ang bigat ng loob niya sa lalaking ito. Unang pagkikita pa lang nila ay sumusulak na ang dugo niya.

"Pero wala naman akong nakikitang kasama mo sa bahay mo a. Siguro hiwalay na kayo noh? At kaya ka nagsusungit dahil baka ipinagpalit ka sa iba. Ang mabuti pa wag mo nang isipin yun, andito naman ako."

"Saan po kayo ma'am?" Tanong ng konduktor.

Kung hindi pa sumulpot ang konduktor baka nasuntok na niya ang gwapong mukha ng lalaking katabi.


"Cubao kuya."

"Cubao din." Sagot ni Aga.

Pagbigay ko ng bayad sa konduktor ay narinig kong tinanong si Aga pero napataas na naman ng kusa ang isang kilay niya dahil sa narinig.

"Siya po ang magbabayad. Si Misis." Nakaturo pa sa kanya ang hintuturo ng magaling na lalaki.


"At bakit ako ang magbabayad ng pamasahe mo?" Singhal niya.



"Kasi ako ang nagbayad ng pamasahe mo sa Jeep kanina. Naghihikahos ka na ba at wala kang pambayad sa jeep?." Nakangiting tanong nito.

Ano ba ang meron sa lalaking ito at laging nakabungisngis?

But wait, anong sabi niya? Hindi ako nagbayad sa jeep? Shit! Oo nga. My Ghad! Bakit ko nakalimutan yun? Pahiya ako doon a.

Dahil sa kaiiwas niya kay Aga ay nakalimutan nga niyang ibigay ang pamasahe niya kanina.

Ano na lang ang sasabihin ng driver? Taga Kalye Patay pa naman yun.

Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha.

Wala nang ginawang maganda ang lalaking to sa akin a. Palagi na lang niya akong pinapahiya.

Walang imik niyang inilabas ang kanyang purse para ibigay ang bayad niya sa Jeep.


Pero bago niya maiabot yun ay naglabas na rin ito ng kalupi at nagbayad sa nag-aantay na konduktor.

"Treat ko na yun sayo." Sabay kindat sa kanya. "Or kung ayaw mong magkaroon ng utang na loob sa akin, ipagluto mo na lang ako, sawa na kasi ako sa mga tinda ni Aling Goring e."



"Hindi. Ayokong magkaroon ng utang sayo. Ito o!" Sabay abot sa perang hawak.


"Hindi mo ba alam ang pagkakaiba ng utang sa libre?"


Aba't sinusubukan talaga nito ang pasensya ko a.


"Hoy mister! Pwede bang tanggapin mo na lang ito at tumigil ka na?"

"Tss.. pwede bang magpasalamat ka na lang? Walang idudulot na maganda sayo ang pagiging ma-pride."

Kung ayaw niyang tanggapin, e di huwag.

Pero hindi pa humuhupa ang inis niya ay nagsimula na naman ito.

"Siyanga pala. Gusto ko yun, tinawag mo akong mister, mula ngayon tatawagin na din kitang Misis."

Napamulagat siya sa sinabi nito.

"Alam mo, nauubusan na talaga ako ng pasensya sayo. Nakakapika ka na. Wala ka na bang alam gawin kundi ang bwisitin ako?"
Singhal niya rito.

"Wala naman akong intensyon na galitin at inisin ka. Friendly lang ako." Depensa agad nito sa sarili. "Pero sige, hindi na kita kakausapin para matahimik ka na."

"Hay salamat naman." Bulong niya.

"Ngayon lang ha, mamaya. Kwentuhan tayo." Biglang bawi nito sa sinabi saka ngumisi pa sa kanya.

Bad trip!

Diyos ko po, pakibilisan manong driver.



•••


"Ay buti na lang nandito ka na, anak. Akala iindiyanan mo naman ako." Sabi ng ina pagkaupong pagkaupo niya. Madalas niya kasing gawin ang hindi pagsipot sa mga matchmaking na mama niya.

Nakaorder na ito at meron na rin ang para sa kanya.


Sabi nito may ipapakilala sa kanya, hindi naman sa excited siya, curious lang. Mas mainam nga sana kung wala na lang kasi ayaw niyang mag entertain kung ganitong sirang sira ang araw niya.


"On the way na daw siya. At according sa last text niya, malapit na daw siya rito." Tuwang tuwang sabi ng ina.





"Ang pinakaayaw ko sa isang tao ay yung late sa usapan." Sabi niya dahil ang layo ng pinanggalingan niya tapos may malelate pa. Ngayon pa lang alam na niya na hindi niya magugustuhan kahit kailan ang nirereto sa kanya ng mama niya.



"Ayan na pala." Sabi ng mama niya tapos kumaway. Nahalata sa mukha ng ina ang labis na galak.


At dahil curious na curious na siya kung sino ba ang taong ito ay napalingon na rin siya sa direksyon na tinitingnan ng mama niya.

Uh oh!


0_0????



Pumikit siya ng mariin saka dumilat pero siya pa rin talaga e.


Pikit ulit tapos bumilang ng tatlo saka nagmulat ulit ng mata.



Palapit na sa kanila ang lalaking hanggang tainga ang pagkakangiti, ang magkabaling biloy niya ay litaw na litaw.



Napamura siya sa kanyang isipan. Sabay ang panalangin na sana hindi ang lalakeng nakikita niya ngayon ang kausap ng kanyang mama.

Pero palapit nang palapit sa kanila ang nakangiting si Aga. Hanggang sa tumayo siya sa mismong table nila ng kanyang ina.

Holy Cow!

Don't tell me na siya ang kausap ni mama?


●●●
Itutuloy

Beauty and Madness [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon