AGA
Nagkayayaan na magtungo na lang sa coffee shop ni Yuji ang buong tropa. Nagpatiayon na lang din siya kasi wala naman siyang mapupuntahang iba.
"Hindi naman galit si Lea." panimula ni Badet habang nagkakape sila.
"Hoy, Badet. Kitang kita naman sa mukha ni Lea na galit siya e." Sabi naman ni Hadji na siyang naging dahilan para hampasin siya ni Bentong.
"Yang pananalita mo, Hadji. Magiging asawa ko yan." Pagbabanta ni Bentong.
Napansin niyang namula ang pisngi ni Badet. At noon lang niya napagtanto na sa ganoong paraan pala ay makukuha ang loob ng isang babae.
"Badet.." tawag niya sa nag-iisang babae na kasama nila. "Bakit mahal mo si Bentong?"
Lahat ng naroon ay hindi nakaimik. Bakas kasi sa boses niya ang labis na pagtataka.
"Hindi naman siya kasing gwapo ko." Dugtong niya na siyang tinawanan ni Bentong. "Barumbado yan, palaaway at tsismoso pa."
"Awatin niyo yan baka masuntok ni Bentong." bulong ni Ricky kay Yuji.
"Akala ko noong una, sa akin ka may gusto dahil panay ang lapit mo sa akin." sabi pa niya.
"Aga." mahinahong pagsaway ni Badet sa kanya. "Maaaring hindi taglay ni Bentong ang sinasabi mong kagwapohan. Pero para sa akin, siya ang pinakagwapo sa inyong lahat."
Napasipol ang lahat dahil sa sinabi ni Badet. At abot hanggang tainga naman ang pagkakangiti ni Bentong.
"May mga katangian siyang maipagmamalaki ko. At isa pa, tanggap ko lahat ng kahinaan niya. Halos sabay sabay tayong lumaki at nakita ko kung gaano siya kabuti na tao." madamdaming saad ni Badet.
Sana darating ang araw na masasabi din niyan sa akin ni Lea.
"Baka gusto mo nang maglasing, pare. Tara! Libre ko!" masayang alok ni Ricky.
"Anong maglasing?" dumadagundong na tinig na mula sa main door ng coffee shop.
Sabay sabay silang napalingon doon.
Si Vice!
"Uy, hello Kapitan. Napadaan ka." Masayang bati ni Yuji. Bilang isang negosyante, alam na alam talaga nito ang makisalamuha sa kahit na anong uri ng tao o sa kahit na anong sitwasyon.
"Anong sinasabi nitong si Gomez na maglasing?" tanong ulit ng kapitan.
"Ahhh! Si Aga kasi binasted!" sabad ni Hadji.
Sa kanilang lahat talaga ay ito ang medyo hindi nag-iisip bago magsalita."Wala akong pakialam kung binasted ka Muhlach. Ayoko lang na may matanggap na naman akong reklamo." seryosong sabi ng Kapitan.
"Wag kang mag-alala Kap. Kami nang bahala dito." sabi ni Yuji.
"Vice, paano ka nakamove-on sa breakup niyo ni Karylle?" hindi niya napigilang itanong.
Naningkit ang mata at nanigas ang panga ni Vice dahil sa narinig na pangalan.
Naikuyom nito ang kamay at akmang susuntukin si Aga pero pagkatapos ng ilang malalim na paghinga ay kumalma din si Vice.
Lahat sila na naroon ay pigil ang paghinga dahil sa pangamba sa susunod na maaaring mangyari.
"Ayokong pag-usapan ang mga bagay na wala nang saysay." pagkatapos bitawan ang mga salitang iyon ay nilisan na ni Vice ang lugar.
"Ganyan ba talaga ang mga problemado sa pag-ibig? Malakas ang loob?" ani ni Saji na lumabas mula sa kitchen.
Hindi niya alam na naroon pala ang isa sa triplets.
Sumunod na lumabas ay si Ruth.
"Kayo na ulit?" tanong ni Aga.
Nakangiting tumango ang dalawa.
"Masaya ako para sa inyo, Ruth." sabi ni Badet at nagyakapan ang dalawa.
"Now, back to the main issue. Paano natin matutulungan ang kumpare natin?" tanong ni Saji.
Walang suggestion. Lahat sila akmang nag-iisip ng gagawin.
"Uhm...excuse me. Sabi sa sign board, close pero nakaopen naman ang pinto." Sabi ng isang malambing na boses ng babae.
At parang iisang tao ulit ay sabay sabay silang lumingon sa main door.
"Eula, my loves!" Naibulalas ni Yuji pagkakita sa babaeng nakatayo sa bukana ng coffee shop.
"Ha?" sabay sabay ulit nilang reaksyon.
Maging si Eula ay parang nalito at nagulat sa narinig. Pero hindi makapagsalita.
"Kayo na rin?" tanong Hadji.
"Pasensya na sa abala. Mukhang iba yata napasukan kong lugar." sabi ni Eula na dali daling umalis.
"Yuji? Ano iyon? Tinakot mo si Eula." pagalit na asik ni Ricky.
"Pambihira, Yuji! Eula my loves??? Daig mo ang rapist sa sinabi mo a." Eksaheradong sabad din ni Bentong.
"Sinabi ko lang iyon para umalis siya. Ayokong madamay siya sa kaguluhan natin." palusot ni Yuji.
"May lihim ka ding pagtingin kay Eula e." Sabi ni Aga. "Ang mabuti pa, magtapat ka na rin sa kanya bago ka pa unahan ng iba."
"Ito na naman tayo." pabulong na reklamo ni Ricky. "Babalik na naman ba tayo sa issue niyo noon ni Ian?"
Napangiwi siya. Sa totoo lang matagal na siyang naka move on, wala lang talaga siyang makuhang ibang halimbawa para maipaliwanag niya ang punto niya.
"Sa palagay ko, in-love ngayon si Ian. Nakausap ko siya noong isang araw. Noong namalengke si Aga para sa pagdating ni Ruth. Sabi niya, nakita niya ulit iyong babaeng minahal niya noon ng sobra sobra." sabi ni Saji.
Naibaling na ang lahat ng atensyon kay Saji at sa kwento nito.
"Anong pangalan?" ---si Hadji.
"I believe it sounds like....Agatha?"
"Agatha? Never heard." sabi Ricky. "Problema na ni Ian iyon."
"Ikaw Aga, puntahan mo na si Lea. Magpaliwanag ka. Sabihin mo na sa kanya ang lahat." Suhestyon ni Bentong. "Wala nang ibang paraan."
"Sang-ayon ako kay Bentong." segunda ni Badet. "Iyon naman talaga ang the best."
"O ito, dalhin mo sa kanya." sabi ni Saji sabay abot sa kanya ang isang paper bag. Kabe-bake lang yan."
"Good luck, pare."
Palabas na siya nang biglang dumating si Ian.
Ang porma talaga ng letse!
"Anong meron?" tanong agad nito pagkakita na parang may miting de avance sila.
"Manliligaw si Aga kay Lea. Wag ka nang makisawsaw, tama na ang unang beses." walang prenong sabi ni Hadji.
"Pakialam ko sa kanila." Sagot ni Ian na ikinagulat na naman nila. "Goodluck."
Hindi niya maintindihan pero ramdam niyang sincere si Ian sa sinabi niya.
"Salamat, pare." sabay lahad sa kanang kamay niya.
Ngumiti si Ian bago inabot ang kamay niya. At pormal na ngang naisara ang isyu nila sa nakaraan.
Kasabay non ay ang masayang palakpakan ng buong barkada nila.
Ay hindi pala buo kasi wala ang ibang katropa nila.
Si Vice. Si Ashton. Si Jake.
At kumusta na kaya si Berting?
Pagtatapos ng Kabanata
😁😁😁
BINABASA MO ANG
Beauty and Madness [Completed]
Narrativa generalePaano mo pakikisamahan ang sira-ulo mong kapitbahay?