AGA
Kanina pa siya palinga linga sa bakuran ni Lea pero kahit anino ng dalaga ay hindi niya nasilayan.
'Nasaan na kaya yun? Parang hindi umuwi kagabi pero buti na lang na wala siya baka makita pa siya ng mga magulang niya.'
Nang dumalaw kasi dito kahapon ang kanyang lola ay hindi naman niya inasahan na kasama pala nito ang mga magulang ni Lea.
Kahapon lang din niya napag-alaman na siya pala ang nakatakdang pakasalan ni Lea pero dahil nga naglayas ang dalaga ay hindi natuloy ang pamamanhikan sana nila ng lola niya. Tuwang tuwa nga siya noon dahil lumayas daw ang babaeng dapat sana ay magiging asawa niya.
Laking pasasalamat niya sa Diyos na hindi natuloy ang kasal dahil kung hindi, e di sana hindi niya makilala yung kapitbahay niya.
Pero mapagbiro talaga ang tadhana dahil ang babaeng gusto niya ngayon ay siya palang dapat pakakasalan niya noon.
Kaya ngayon alam na niya, pipilitin niyang pauwiin si Lea sa bahay ng mga magulang nito.
⚫⚫⚫
LEA
Pagbukas pa lang niya sa gate ng bahay niya ay narinig na niya ang pamilyar na boses ng nakakaasar na kapitbahay niya.
"San ka galing misis?" usisa nito.
Hindi na sana niya ito papansinin pero kailangan kasi niyang siguraduhin kung totoong si Aga nga ang nagsabi sa mga magulang niya ang kanyang kinaroroonan.
"Balita ko may bisita ka kahapon."
"Ah, oo. Si Lola." Sagot ni Aga.
"Mag-isa niya?" agad niyang tinanong.
Napakunot-noo naman si Aga, "Hindi may kasama siya. Bakit?"
"At ang mga kasama ba niya ay sina Mr. and Mrs. Salonga?"
"Uy, bakit mo alam?" nagtatakang tanong nito.
Painosente ang loko.
Ngalingaling ihagis niya sa mukha nito ang hawak niyang grocery bag.
"So ikaw nga ang nagsabi sa kanila na dito ako nakatira." may diing sabi niya.
"Hindi a. Bakit ko naman gagawin yun? Hindi ko nga alam na pupunta sila. Nagulat na lang ako nung magkakasama silang dumating nina lola." depensa nito pero hindi siya naniniwala.
Ano nga bang sense makipag-usap sa isang barumbadong sinungaling?
Kaya habang hindi pa masyadong umiinit ang ulo niya ay nagpasya na lang siyang wag nang sumagot sa sinabi nito.
"Uy, Misis, teka lang. Usap muna tayo bago ka ulit magkulong diyan sa lungga mo." Sigaw ni Aga.
Gusto niyang sawayin ito sa pagtawag sa kanya ng Misis lalo pa at may mga mangilan ilan na dumadaan sa kalye nila pero ayaw naman niyang bigyan ito ng satisfaction na nakikita siyang naiinis.
Kung may isang bagay siyang napagtanto, yun ay ang kasiyahan ng lokong kapitbahay niya.
Tuwang tuwa ito kapag naiinis na siya kaya mula sa araw na ito ay hindi na talaga niya papansinin.
BINABASA MO ANG
Beauty and Madness [Completed]
General FictionPaano mo pakikisamahan ang sira-ulo mong kapitbahay?