Part 3

1.5K 44 0
                                    

 Part 3


Kleya (POV)



"I assumed na magkakakilala na kayo! Grade ten na kayo ngayon at siguro naman ay hindi na kelangan ng indr---" naputol ang sasabing ng akin guro ng magsalita ako.

"Bago ho ako," as usual. Kalmado ulit na tono.

"O-okay. So you may introduce yourself infront." parang nabiglang sinabi ng teacher.

Kinakabahan ako at salamat sa mukha kung nakapoker-face parin at hindi mahahalata.

Naglakad na nga ako papunta sa harap. Itong ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Ang binibigyan ako ng atensyon. Nakakasawa. Ganito narin sa dati kong school. Kung makatitig sakin lahat ng tao parang may napatay akong hindi ko alam.

Kung may lapitan man ako parang may ketong ako kung anong virus kung makalayo sila.

At kung kausapin ko naman sila parang may langaw na lalabas sa bunganga ko kaya agad silang umaalis. Josko.

Nang nasa harapan na ay inilibot ko.ang mga mata ko. Yung mga nakatitig sakin kanina ngayon umiiwas nang tingin yung iba pa napatungo.

See?

"Kleya Santos. I hope we can be friends." malamig kung pakilala.

Hello! Ang tono ng sinabi ko sa isip ko ganito eh: "Kleya Santos! I hope we can be friends!" malawak na ngiti at kumikislap na mata.

Ambisyosa is me.

Parang wala lang silang narinig kaya pumunta nalang ako sa upuan ko at umupo.

Maya-maya lang ay natapos na ang ilang subject na mas boring pa sakin.

Lunch break na kaya tumayo na ako papuntang canteen.

"Burger with cheese tas coke in can" wag niyo ng alamin ang tono ng sinabi ko. One word to describe it; boring.

Bahagya pang natulala sakin yung matandang tindera bago kunin yunh order ko.

Nang makuha ko na yun ay agad na akong naghanap ng mapag-uupuan.

Nadaming bakanteng upuan pero walang bakanteng lamesa. Bawat mesa kasi may mga nakaupo.

May vacant seat ang kaso sa twing babalakin ko ng umupo ilalagay nila yung bag nila sa upuan tapos mag iiwas ng tingin. Kakain kase ko bag. Nyeta.

Naku naman.

Dahil wala rin lang mauupuan ay nagdesisyon na lang akong lumabas.

Ngunit akmang lalabas na ako sa may glass door ng may makabunggo ako. Kaya ang ending, nahulog yung coke in can ko kaya agad na bumuhos sa sahig yung laman.

Agad naman akong nakarinig ng mga bulungan.

"Look at her. Sinasadya niya yatang banggain si Cleeven."

"Attention seeker!"

"Pathetic!"

Hindi ko nalang pinansin ang mgq sinabi nila.

Mga mukhang hunghang.

Tinignan ko naman si Cleeven na mukhang nahihiya. Eh?

Habang ako naman eh medyo nahihiya talaga dahil sa ginawa ko sakanyang paghalik kaninang umaga at dun sa sinabi niya.

"bayaran mo coke ko" sabay tingin ko sa coke na nahulog sa sahig.

Hindi naman mahalaga yun eh. Tsaka balak ko sanang mautal at mamula dahil sa hiya na karaniwang nararamdaman ng iba ang kaso hindi ko alam ang sasabihin ko.

"You're unbelievable," anito habang iilibg-iling.

"Ikaw ba yung transferee?" biglang singit naman nung kasama ni Cleeven.

"Oo," tipi kong sagot.

Bahagya ko lang itong tinignan at ibinalik ang atensyon kay Cleeven.

"Pilitin mong maniwala," ani ko.

"Woaaah! Burn!" reak pa nung kasama ni Cleeven habang nakataas ang dalawang kamay na parang namamangha.

"Shut up, Tyler." taas ng gilid ng labi na suway nito.

"First time! Anong pangalan mo?" parang tangang nakangisi si Tyler kay Cleeven na parang natutuwa. At humarap saakin.

"Damn you!" inis pang ani ni Cleeven sakanya.

"At ikaw--" may sasabihin pa sana ito ng matigilan siya ng magtama ang mga mata namin.

Alam niyo yung feeling na gusto kong pumula pisnge ko sign of blushing pero walang lumalabas?

Straight face nalang. Sige.

"Ano." as usual. Ni question mark ayaw lumabas sa tono.

Bahagya pa itong lumapit saakin at mahinang bumulong na sapat na para marinig ko at talagang nagpasiklo ng puso ko.

"Don't you dare try talking to him."

Ano ba talagang problema sakin ng gungong na'to? Ang bipolar pa!


------------x

Don't You Dare [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon