Part 10

861 23 0
                                    

 Part 10:


Kleya:



"Kley..." tawag saakin ni Cleeven at agad umalis sa pagkakasandal sa pader bago sumunod saakin ng daan ko siya.

Imbes na lingunin siya ay nagderitso lang ako sa paglalakad.

"Look, Kley. I'm sorry, okay. I didn't mean t----I mean, yeah. I mean that. I like you, Kley. I'm sorry kung binigla man---" hindi ko na ito pinatapos sa pamamagitan ng pagharap ko sakanya.

"Tigilan mo na ako." sabi ko sa malamig na boses.

Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito at ang bahagyang pag-uulap ng mga mata niya dahil sa kaunting luha.

Hindi ko alam kong paano nangyari pero agad akong napaiwas ng tingin.

Shit.

Anong ibig sabihin nito? Bakit ang bilis ko ng makaramdam ng lungkot at takot? Bakit ang bilis ng rumeact ang katawan ko?

Napaiwas ako dahil nalulungkot akong makita ang ganun niyang reaksyon. At natatakot ako dahil sa naramdaman kong lungkot na yun!

At nakadagdag pa ng naramdaman kong lungkot ng nakatungo itong umuna pababa ng hagdan at diretsong naglakad upang umalis.

Bakit hindi ko gusto ang isipang iiwasan at tigilan na ako nito?

Nakatitig lang ako at bahagyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib ng bumaling saakin ito ng kaunti na may tumutulong luha sa mga pisnge.

Imbes na titigan siya ay napatung ako! Ramdam k rin ang paninikip ng dibdib ko dahil sa nangyayari ngayon.

Nang umalis na ito at hindi ko na matanaw ang kanyang bulto ay mas lalong sumikip ang dibdib ko na parang may dumadagan dito at pinagigitnaan pa.

Hanggang sa maramdaman ko ang pag-uulap ng mata ko dahil sa nagbabadyang luha sa kaliwang bahagi ng mata ko kung saan nakakonekta sa puso.

What the..

N-no....

Bakit ganito? Anong klaseng tao kaba Cleeven at nagagawa mong basagin ang mga pader na nakapalibot saakin? Bakit ang laki ng epekto mo sa pagkatao ko? Bakit pakiramdam ko ikaw lang ang makakaasira lahat ng pinagharapan kong harang na pader sa puso ko?

Bakit pakiramdam ko ay pareho na tayo ng nararamdaman sa isa't-isa?

------x  

Don't You Dare [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon