Part 6

1.1K 29 0
                                        

 Part 6:



Kleya (POV)



"Don't you dare try talking with the others. Ako lang dapat, Kley. Ako lang.." mga linya ni Cleeven na hindi matanggal-tanggal sa utak ko habang kumakain ako ng lunch ko.

Napagalitan pa ako kanina dahil na-late ako.

Kasalanan ng Cleeven na yun kung bakit ako na-late eh!

Siya nga pala, andito ako sa loob ng canteen 'nakaupo' habang kumakain ng binili kong egg sandwich at C2.

Ni wala nga akong kasama dito sa lamesa ko. Apat pa upuan.

.

Habang ngmunguya ng sandwich may narinig akong bulung-bulungan sa katabi kong table.

"Ohmy! Sa susunod nang linggo ang pageant!"

"Oo nga eh!"

"So excited! Nandun pa naman si Cleeven!"

Nagpantig ang tenga ko ng marinig ang pangalan nung lalaking andaming favor.

Pero, ano daw? Sumasama siya ssa mga pageant? Tiyak na matatalo yun. Baka nga di photoginic.

Inaamin ko namang 'gwapo' siya lalo na kapag naka top knot ang buhok niya. Pero sa pageant? Baka walang maibubuga yu--

Naputol ang panghuhusga ko sakanya sa isipan ko ng mamataan ko abg isang poster sa kabilang wall nitong canteen.

Si Cleeven na naka leather jacket at boots habang may suot na white vneck shirt sa ilalim at ripped jeans. At yung buhok siya, as usual naka top knot parin.

Habang naka-tayo malapit sa beam ng building namin at may bold letters sa baba na may nakasulat na "Our 2015 winner in Teen king pageant: Cleeven Santiago"

Okay, nanalo siya last year pa. Masyado ba akong naging judgemental?

Nanatili lang ang mata ko sa poster nita habang nakatitig sa mukha niya.

Ni walang pimple. Tsked.

"Baka matunaw ako," ani ng isang boses na nagpagulat sa loob ko. Hindi sa mukha.

Chillax kung pinilig paharap sakanya ang ulo ko ying hindi halatang nagulat ako. Pero totoo naman eh, hindi halata. Tss.

"Kung yun ba naman ang magpapatunaw sayo baka titigan pa kita buong araw," walang kagana-gana kong sagot pero sa totoo lang sarcastic ang tono niyan sa loob ko.

Napansin ko ang bahagyang pag-igting ng panga nito.

"Harsh" ani lang niya bago balingan ang lamesa ko kung saan nakalagay ang kinakain ko.

Napakunot ang noo nito, "Bakit yan lang ang kinakain mo?" tanong nito.

"Problema mo." ani (tanong) ko.

Sinundan ko ito ng tingin nung bigla itong tumayo pagkatapos iwan ang bag at dumiretsong counter.

Gusto kong ikunot ang noo ko kaso diko magawa.

Nagtataka ako (di lang halata)

Nakarinig ulit ako ng mga bulungan ng dumating si Cleeven na may dalang tray kung saan nakalagay yung kanin na may ulam tsaka bottled water, "Here, you need to eat these para hindi ka magutom mamaya," bilin nito habang inaayos ang plato sa harapan ko at ako naman ay nakatingin lang sakanya.

Napansin yata nito ang pagtitig ko kaya tumingin ito sakin ngunit agad ding nag-iwas ng magtama ang mga mata namin bago sinabing, "I told you to don't stare at me while i'm talking to you.." anito habang pinupunasan ng tissue yung kutsara, "You're distracting me," aniya bago timitig sa mga mata ko na nagpasirko ng puso ko.

Hindi ko alam pero napaiwas ako ng tingin na hindi ko naman ginagawa noon.

Late reaction din kasi ako. Kung may gusto man silang sabihin tungkol sa gagawin kung pagkilos hindi ko agad ginagawa. Medyo matatagalan pa bago ko gawin. Pero ngayon iba...

Bakit ganito.

Pakiramdam ko unti-unting lunamalabas ang iba't-ibang klaseng emosyon at reaksyon sa pagkatao ko.

Masama ito...

------x

Don't You Dare [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon