Part 8

950 19 0
                                        

 Part 8:



Cleeven (POV)



Nitong mga nakaraang araw ramdam ko ang paglayo at pag-iwas saakin ni Kley.


Binigla ko ba siya nung sinabi kong 'gusto ko siya'?


Arrrg! Ang tanga mo kasi Cleeven! Excited ka kasing umamin!- pangaral ko pa sa sarili ko.


Alam kong andaming nagtataka kung bakit gusto ko na siya agad.

She's unique.. really.


Siya palang ang naglakas loob noon na inisin at galitin ako dahil sa pagiging kalmado nito kahit halos sumabog na ako sa galit.


At mas lalo akong nainis nung halikan ako ng parang wala lang sakanya habang ako halos mabaliw dahil sa hindi ko makalimutang isipin yun. Ang bilis pa nga ng tibok ng puso ko everytime na mamataan ko lang siya. May time pa nga na tumago ako sa likod ng pader para lang hindi kami magkasalubong dahil sa sobrang kaba. Jusko. Jurassic din pinagdaanan ko.


Hanggang sa magdesisyon akong bantayan lahat ng kilos niya.


Masyado siyang kalmado at ni isang emosyon o reaksyon lumalabas sakanya.


Ang lamig pa ng mga mata. Tipid rin kung magsalita.

Hanggang sa magdesiysyon akong maglakas loob at lapitan siya. Alam kong nagtataka siya pero as usual kalmado parin.

Nakatulong din yung pagiging kalmado niya sa twing kasama ko siya, nakakabawas ng kaba. Pero sa oras na tumitig siya, nakakakaba. Mapapaiwas ka talaga ng tingin at lalakas ang tibok ng puso mo.

Hanggang sa may marealize ako. Narealize na iba na ang nararamdaman ko sakanya hanggang sa naamin ko nga sakanya na gusto ko siya. Hindi ko rin ene-expect na magrereak pa siya. Dahil as usual, kalmado lang.

Pero isa lang ang napansin ko sa lahat ng araw na nakakasama ko siya at tumititig sa mga mata niya. Iba eh. Iba yung dating ng mga mata niya. Kapag tinignan mo lang parang malamig lang at walang emosyon. Pero kapag tinitigan mo ng matagal may makikita kang kakaiba. Kakaiba na magpapasikip ng dibdib mo.


Dahil punong-puno yun ng sakit at takot na parang nasa pinakailalim ng mata niya. Na parang naging dahilan upang maging ganun kalamig ang nga mata niya. Na halos mamanhid ang puso niya upang hindi makaramdam ng emosyon.

-------x  

Don't You Dare [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon