Part 13:
"Kley's revelation"
Cleeven (POV)
Nang hindi ko na kinaya ang katahimikan ay nagsalita na ako.
"T-tell me, Kley....anong nangyari sayo....b-bakit ka naging ganyan? Bakit mo gustong iwasan kita..hindi mo ba p-pwedeng sabihin sakin ang problema mo?" mga tanong na matagal ko ng gustong kumawala sa bibig ko.
Mga tanong na gumugulo sa utak ko.
Dinala ko siya dito dahil gusto kong itaning lahat ng yan. At alam kong makakatulong dito dahil nakakagaan ng damdamin sa oras na umupo ka rito habang nakikita ang city light.
Alam ko at ramdam ko na may problema si Kley. Ramdam ko na may rason kong bakit siya naging ganyan. Naging malamig na parang yelo at naging matigas na parang bato.
Unang kita ko palang sakanya aaminin kong nainis ako dahil walang pang naglalakas ng loob na kausapin ako ng ganun.
Hinalikan pa ako ng parang wala lang. Habang ako halos mabaliw sa kakaisip kung gaano kalambot yung labi niya....ay shit!
'Ano bang iniisip mo Cleeven? Andito ka para tanungin ang problema niya. At para aminin sakanya ang totoong nararamdaman mo.' bilin ko pa sa sarili ko.
Ilang minuto bago ko narinig na magsalita si Kleya na nagpakunot sa noo ko, "Masama akong tao, Ceeven...."
Pagbaling ko sakanya ay nakita ko ang pagtitig nito sa kawalan.
Imbes na pagsalita ay tumitig lang din ako sa city light uoang hintayin ang iba pa niyang sasabihin.
"Ako ang rason kung bakit nasira ang pamilyang binuo ni papa...." kalmado man niyang sabihin pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman nito.
"Gusto ko mang iwan si papa pero hindi ko magawa dahil sa konsensya," patuloy nito na nagpakunot ng noo ko. Ang tinutukoy ba nito ay yung tinawag niyng daddy kanina na kung ituring siya ay parang hindi anak?
"Kahit step father ko lang siya ay itinuring niya ako totoong anak....noon. Noong nabubuhay pa si mama.." agad na nanikip ang dibdib ko ng marinig ko ang bahagyang pagkabasag ng boses nito.
Ayokong lingunin siya. Ayokong makita ang lungkot siya. Pakiramdam ko hindi ko kaya. Nasanay kasi ako na kalmado lang ito lagi.
Hiniling ko 'to noon eh. Hiniling ko noon na gagawin ko ang lahat para mailabas ko ang lahat ng tinatago nitong sakit at emosyon upang hindi na siya maging ganun kalamig at katigas.
Kasi gusto ko mailabas niya ang lahat ng lungkot at takot para tuluyan na siyang makalaya sa dilim na tinataguan niya.
Pero bakit ganito? Bakit ganito kasakit na marinig ang lungkot sa boses nito? Bakit pakiramdam ko ay mas nasasaktan ako sa pinagdaaanan nito.
Kley, nasasaktan mo ko sa kaalamang nasasaktan ka.
"Cleeven....sobrang sama ko," ani nito at tuluyan na ngang nabasag ang boses nito na nagpabigat sa dibdib ko.
Sa kaalamang yun ay agad akong humarao sakanya at ng makita ko ang pag-uulap ng luha nito ay agad ko siya niyakao ng mahigpit.
"Ituloy mo lang, baby. Makikinig ako. Iiyak mo lang kahit masakit saaking marinig ang hikbi mo. Ilabas mo lang, Kley...makikinig ako..." nanghihinang wika ko bago maramdaman ng pagtulo ng mga luha ko.
"D-dahil saakin namatay si mama..dahil saakin namatay si baby....ang sama ko, Cleeven. Napakasama kong tao...." tuluyan ng umiiyak na ani niya bago ko maramdaman ng pagyakao din nito saakin na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Gusto ko siyang tanungin pero hinayaan ko nalang na siya ang magsabi.
"Grade three palang ako nung napakasal si mama at tito Andrew. Grade two ako ng mamatay ang totoo kung papa. Pero hindi ko dinibdib lahat ng iyon dahil tinurong ako ni tito Andrew na parang totoong anak. Sobrang saya namin noon dahil buo kaming magpapamilya. Hanggang sa tumungtong ako sa grade four. Graduation ko nun at si Daddy lang ang pumunta dahil nasa bahay daw si mommy at bawal pumunta sa graduation day ko,
"Agad akong umiyak nun dahil first time na hindi umattend si mommy sa graduation ko. Nung nasa back stage ay pasekreto kong tinawagan si mommy at pinilit na pumunta sa graduation day ko. Sinabi na nito na masama ang pakiramdam niya pero pinilit ko parin siya ng hindi alam ni daddy," bahagya ulit itong napahikbi bago itinuloy ang pagsasalita.
"Cleeven, hindi ko alam na pupunta si momny nun. Hindi ko alam na sinubukan niya palang umatted nung pinilit ko siya nung nalaman kong maaksidente siya dahil pinilit nitong magdrive kahit nanghihina siya....
"Ang hindi ko alam ay buntis pa nun si mommy....ilang araw ang nagdaan namatay silang dalawa dahil sa nangyaring aksidente..." umiiyak parin ito bago humiwalay sa pagkakayakap.
"Maiintindihan ko kung kamuhian mo ako...ako kasi ang dahilan kung bakit namatay sina mommy. Nasira ko pa ang pamilyang itinayo ni daddy.." ani nito habang patuloy ang luha sa pagagos sa pisnge nito.
Agad na napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito, "Anong sinasabi mo?" tagtatakang tanong ko.
Anong iiwasan at kamuhian siya?
Damn! Never na sumagi sa isip ko na kamuhian siya ng dahil lang sa ginawa niya! Bata pa siya nun at wala siyang kasalanan!
"Alam kong kamumuhian ko ako gaya ng ginagawa ni Daddy saakin, Cleeven lalo na kanina dahil hindi ko man lang daw iniyakan ang kapatid at mommy ko kahit death anniversary nila. Bakit daw kalmado lang ako eh ako naman daw ang may kasalanan ng pagkamatay nila..kaya lang naman ako naging ganito kasi ayokong ipakita kay papa na mahina ako. Kasi siya nalang ang natitira saakin. Ayokong ipaalam sakanya upang lakasan niya ang oob niya at ipaalam na andito pa ako. Na may anak pa siya...." ani pa nito sa mapait na tono.
So, ito ang dahilan kong bakit siya naging ganun kalamig? Yum ba ang rason kong bakit siya nagtayo ng pader palibot sa puso niya upang matakpan ang totoong nararamdaman niya at ipakitang hindi siya mahina?
"Damn it, Kleya! Bakit mo sinasabing kamumuhian kita! At paano mo naatim na sisihin ang sarili mo sa nangyari sakanila! Hindi mo kasalanan yun! Natural lang na gugustuhin mong makasama ang mama mo sa graduation day mo! Kasalanan na nila kung bakit hindi nila sinabi sayo na buntis ang mama mo nung mga panahong yun!" sigaw ko dahil sa inis.
Bakit niya hinahayaang saktan ang sarili niya? Hindi ko maimagine na kinimkim nito lahat ng sakit sa loob ng ilang taon!
Fvck it! Fvck it!
"God, Kley. Sana naman tigilan mo na ang paninisi sa sarili mo..tiyak na nasasaktan ang mommy mo sa ginagawa mo..Kley, nasasaktan kana bakit itinatago mo parin? Bakit kapa nagpapnggap na malakas ka kahit sa totoo lang halos ikamatay mo na?" naramdaman ko ang pag-uulap ng mata ko.
"Kley....forgive youself. Tanggapin mo na ang nagyari....dahil sa isipang nasasaktan ka ay mas nasasaktan ako. Nasasaktan akong makita kang ganyan, Kley at the same time naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo para mawala na ng tuluyan, kase Kley.....mahal kita eh. Mahal kita at halos ikamatay ko ang nakikitang nasasaktan ka. Please, Kley..stop doing that in yourself....I love you so much that its killing me.." tuluyan ng napaiyak na pag-amin ko bago ko makita ang pagtakip nito sakanyang bibig dahil sa gulat at ngayon, kitang-kita ko na ang mga mata nitong nakasanayan kong kalmado ay puno ng luha ngayon dahil sa pag-iyak.
--------x
BINABASA MO ANG
Don't You Dare [COMPLETED]
Short StoryUnang kita palang ay labanan na agad ang naganap. Isang babaeng walang maipakitang kahit na anong emosyon na siyang kinainisan ng lalakeng medyo masungit na modelo. Ngunit paano nalang kung malaman nito ang rason kung bakit wala itong emosyon? Genre...