Part 5

1.3K 31 0
                                    

 Part 5:



Kleya (POV)




Papasok na'ko ng gate. Habang nakatingin lang sa semento. Ang pogi niya kasi.

Habang papasok iniisip ko yung mga sinabi ni Cleeven kahapon sa dun sa may swing.

Tsked. Bakit ba andaming hinihinging favor sakin 'non? Ni hindi nga kami close. Atsaka diko rin siya kilala.

Hindi ka rin naman siya kaklase. Isa lang siyang lalake na..na...

Ay, tangina. Namumula na tuloy mukha ko habang iniisip na hinalikan ko pala siya. Pero syempre joke lang yung 'namumula'. Naka-poker face lang naamn mukha ko.

Paakyat nako sa may hagdan para pumunta sa first subject ko ng makita ko yung kaibigan ni Cleeven-si Tyler na papalapit saakin.

"Hello, Kleya!" bati sakin nito ng nakangiti.

Gusto kong magreact at sabihing, "Ang cute naman ng Tyler na'to!" pero as usual ang lumabas lang sa bibig ko, "Oh." Ni walang question mark!

"Cold!" ani pa nito habang nagtatakang nakatitig sa mga mata ko. Gusto kung mag-iwas ng tingin dahil nahihiya ako pero gaya ng sinabi ko. Wala akong maramdaman kapag parte ng muha ko. Kaya nakatitig lang din ako dito.

Lalapasan ko na sana ito ng magsalita siya ule, "Anong section mo?" habang nakangiti ng maluwag.

Sana nakakahawa nalang ang emosyon ang reaksyon.

"Aguinaldo," tipid kong sagot. Ano pa aasahan niyo?

"Rizal kami ni Cleeven!" masayang mungkahi nito.

"walang nagtanong," kalmado ulit.

"Burn! Ako!" mukhang tangang ani nito.

Magsasalita na sana ako ng may magsalitang pamilyar na boses sa likod ko.

"Wag malandi. Nasa corridor kayo. Tabi!" walang pasintabing ani nito bago itulak si Tyler.

Napansin ko pa ang bahagyang pagngisi ni Tyler bago bumulong na hindi ko naintindihan.

Problema ng Cleeven na yun?

"Bye, Kleya!" paalam ni Tyler bago tumakbo papasok ng room nila na katabi lang pala ng amin.

Maglalakad na rin sana ako ng may maramdaman akong humawak sa palapulsuhan ko. Kasabay nun ang magbilis ng tibok ng puso ko.

Mukhang alam ko na kung sni ito, isa lang nakapagparamdam sakin ng ganito.

"Ano." Tanong ko or should I say ani ko. Wala eh, may magagawa ba ako.

Humarap ako sakanya, "Sinabi ko na sayo kahapon.." bakas ang galit sa boses nito.

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya, akmang aalis na ako ng hilain ako nito pababa sa hagdan. Gusto kung umangal at magsisigaw. Tangina. Nakakapagod kayang umakyat tapos guguyudin lang ako nito?

Pero as usual wala ni kahit emosyon ang lumabas sa mukha ko.
"bitaw" ani ko habang pababa kami. Hawak parin kasi nito an palapulsuhan ko. Pero hindi ako pinakinggan nito at mas lalo lang hinigpitan ang hawak saakin.

Gusto ulit mamula ng mukha ko pero palapulsuhan ko lang yata ang namula dahil sa higpit ng hawak niya.

Nang makababa na kami agad niya akong dinala sa likod ng building kong saan walang mga estudyante. Mga halaman lang ang nandito.

Gusto kong kabahan pero hindi ko magawa.

Hello, dalawa lang po kami dito. Baka gahasain ako nito walang makapansin kasi hindi naman ako makasigaw.

Imagination:

Agad akong itinukod nito sa may pader bago halikan ang leeg ko.

"Wag" kalmado.

"Tulong" kalmado

Bubuksan na nito ang uniporme ko.
"Tama na" chillax

-
Amboring diba? Walang thrill kung gahasain niya ako. Tsked.

Nang nandito na kami sa likod saka lang nito binitawan ang kamay ko.

Tinignan ko lang ito, nagtataka na ang mga mata ko sa kalmadong matang 'yan.

"Sinabihan na kita kahapon diba?" anito na parang nagpipigil.

"di kita maindintihan," gusto kong mag-hestirya at sabihing, "Ano bang sinasabi mo! Hindi kita maintindihan!" pero waley.

"Ugh! Naiinis ako!" sigaw nito habang sinasabunutan ang buhok na naka-top knot parin dahil sa inis.

Gusto kong kabahan at matakot ang kaso kalmado parin ang mukha ko.

"halata," ani ko nalang pero nagulat ako (di halata) ng marahan ako nitong itulak pasandal sa pader bago pinagitnaan ang ulo ko gamit ang mga kamay nito.

"Don't talk to anyone, especially to the boys." Ani nito habang nakasandal ang noo sa balikat ko kaya ambilis ng tibok ng puso ko ngayon at naninibago ako.

Pero mas lalong umarko ito ng sabihin niyang, "Don't you dare try talking with the others, ako lang dapat. Kley. Ako lang.." ani nto na parang nahihirapan at sa pagkakataong ito ay may naramdaman nanaman akong bkakaibang reaksyon ng katawan ko.

Parang may paru-paro na nagliliparan sa loob ng tiyan ko.

Don't You Dare [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon