Part 12:
Kleya (POV)
Hindi ako nagsasalita habang naka-upo ako dito may frontseat kasama si Cleeven.
Kalmado lang ang mukha ko pero sa loob-loob ko ay naghaharnumento ang puso ko dahil ramdam ko ang pagkamiss ko kay Cleeven.
Halos isang linggo ko rin siya hindi nakita. Halos isang linggo rin ako nakulong sa sarili kongbiginayong pader na pakiramdam ko ay unti unti ng naguguho.
Sa ilang araw na hindi ko siya nakasama ay narealize ko na hindi ko talaga siya gusto....
Dahil ramdam ko. Ramdam ko na mahal ko na siya at wala akong balak na sabihin sakanya dahil hindi naman kami pareho nararamdaman sa isa't-isa dahil malinaw naman sakin na gusto niya 'lang' ako.
Nung araw na nakita ko kung gaano siya nasaktan sa sinabi ko at sa twing naiisip ko yun ang sumisikip ang puso ko at parang nahahati sa dalawa.
Hindi ko man sabihin pero alam kong kaunting tulak nalang ay matatanggal na ng tuluyan ang itinayo kong pader palibot sa puso kung kung saan ko ikinulong ang emosyon ko at alam kong si Cleeven lang ang makakagawa nun.
"San tayo pupunta?" 'tanong' ko ng mapansing mag-aala sais na pala.
Nakita ko ang rumihestrong gulat sa mukha nito dahil sa sinabi ko
"Y-you asked me!" ani nito sa nagbibilog na mata
Nilingon ko lang ito ng kalmado.
Sa nagdaang araw iyang isang yan ang napansin kong nakawala sa kulungang itinayo ko. Ang paglabas ng 'nagtatakang reaksyon'
Hindi ko nalang pinansin si Cleeven at itinuon nalang ang atensyon sa kalsada.
Habang nakatingin sa mga kotseng nadadaanan nami ay isang eksena ang rumihestro sa utak ko.
Maraming taong nakapalibot sa isang tumaob na sasakyan habang ako ay walang tigil sa pag-iyak kasabay nun ay ang pagsisisi sa akin sarili.
"Kley.." agad akong nabalik sa huwisyo ng tapikin ako ng marahan ni Cleeven. Naramdaman ko ang kaunting luha sa pisnge ko na agad kong pinahid upang hindi makita ni Cleeven.
After nun ay sumunod na ako kay Cleeven na kabababa lang ng sasakyan.
Inilibot ko ang mga mata ko kung saan kami ni Cleeven.
Nasa isang mataas at malamig na lugar. Matatanaw rin ang City light sa buong lugar.
Agad akong napapikit ng mata habang dinadama ang simoy ng hangin. Sa ilang taon ay ngayon lang ako nakaramdam ng pag-gaan ng loob.
Pakiramdam ko ay malaya ko kapag nandito ako....kasama si Cleeven.
"Dito ka, Kley.." tawag saakin ni Cleeven na nagpamulat sa mga mata ko habang iminumwestra nito ang tabi niyang damuhan kong saan ako uupo
Nang maka-upo ako sa tabi niya ay agad kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaalamang malapit siysa saakin.
Halos magkadikit na nga rin ang braso namin dahil sa sobrang lapit.
Ilang minutong katahimikan ng magtanong si Cleeven ng isang tanong na nagpalakas ng tibok ng puso ko.
"T-tell me, Kley....anong nangyari sayo....b-bakit ka naging ganyan? Bakit mo gustong iwasan kita..hindi mo ba p-pwedeng sabihin sakin ang problema mo?" may halong lungkot na tanong nito na nagpasikip ng dibdib ko.
Bakit pakiramdam ko nasira na ni Cleeven ang buong pader na itinayo ko dahil sa tanong na yun? Handa ko na ba talagang sabihin sakanya ang lahat. Handa ko na bang palayain lahat ng masasakit na ala-ala na nakulong sa isip at puso ko.
Handa ko na bang ilabas lahat ng nakatagong emosyon dito sa puso ko na alam kong magiging dahilan ng pagkaguho ng puso ko.
At higit sa lahat....
handa ko na bang sabihin kay Cleeven ang kasalanang nagawa ko para 'kamuhian' na niya ako ng tuluyan at iwanan.
---------x
Nakaka-pressure mag-update dito! Haha. Andaming curious eh! Osya. Ayok ng next! Feedbacks nalang! By the way! My WATTPAD UN is: NICOLEMACAMWATTY
BINABASA MO ANG
Don't You Dare [COMPLETED]
Short StoryUnang kita palang ay labanan na agad ang naganap. Isang babaeng walang maipakitang kahit na anong emosyon na siyang kinainisan ng lalakeng medyo masungit na modelo. Ngunit paano nalang kung malaman nito ang rason kung bakit wala itong emosyon? Genre...