Last 20:
Cleeven (POV)
Pagpasok ko palang ng campus ay kanya-kanya mg bulungan ang naririnig ko tungkol saakin lalo na doon sa balitang sasama nanaman ako sa pageat ngayon buwan na to dahil ako ang pambato lagi sa campus namin.
Malapit na ako sa classroom ng naoagdesisyonan kong hintayin dito sa may hallway si Tyler para daw sabay kaming pumasok mg room. Parang babae talaga yun.
Habang naghihintay ay ipinasak ko muna yung earphone sa tenga ko para malibang ako.
Pansin ko ang mga estudyanteng napapatingin sa kinaruruonan ko habang namumula at nahihiya.
Sanay na akong halos walang kumakausap saakin dito sa campus bukod kay Tyler dahil nahihiya sila saakin at hindi ko rin naman sila masyadong kinakausap.
Ayoko kasi sa maingay.
Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig ng may biglang kumalabit saakin imbes na lingunin ang sino mang kumakalabit ay benalewala ko na lamang ito baka babae nanaman na magbibigay ng sulat o ano.
Hindi ako nagpapahiya sa paraang sisigawan o sasabihin ng masakit. Hindi ko lang sila pansinin ay alam kong kahihiyan nayon.
Ilang beses pa itong kumalabit saakin kaya agad kong tanggal ang earphone sa tenga ko at nang oras na nilingon ko siya ay bahagya pa akong nagulat ng magtama ang mata naming dalawa.
Wala akong makitang emosyon. Kahit isa wala.
Nagsagutan pa kaming dalawa. Hindi ko ugali makipag-usap sa hindi ko kilala lalo na sa mga babae.
Pero hindi ko alam kong bakit pa ako nakikipatalo sakanya. Hanggang sa marealize ko na kaya ako nakikipagtalo ay dahil gusto kong malaman konv bakit ganun siya
Napakakalmado ng reaksyon niya. Walang bahid na kung ano. Paano nito ginagawa ang bagay na yun?
Kung saan na nakarating ang usapan hanggang sa gawin nito ang hindi ko inaasahan.
Hindi ko rin inaasahan ang pamimilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahan na matutulala ako sa nangyari.
Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako. Hindi ko inaasahan ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon..
Dumating yung araw na nagdesisyon akong sundan siya, umamin sakanya at masaktan niya.
Dumating din ang araw ng malaman ko ang rason sa likod ng mga emosyon at reaksyong tinago niya.
Dumating din ang araw ng aminin din nito ang tunay na nararamdamn niya saakin.
At ang araw na yun ay yung kanina.
She confessed her feelings over me. At last.
Nakangiti akong nakaupo dito sa kama ni Kley habang hinihintay siyang kumuha ng damit ni tito Andrew na isusuot ko daw ngayom dahil dito ako matutulog.
Kinakabahan man ay alam kong alam ko sa sarili ko na walang mangyayaring masama. I respect Kley.And i'll wait for that 'thing' ti happen. Hindi pa ngayon dahil gusto kong mangyari yun sa oras na naiharap ko na siya sa altar.
Nakahiga na kaming dalawa ni Kley. Naglagay ako ng isang unan sa gitna namin dahil ayokong isipin niyang magt-take advantage ako sakanya.
Nagulat nalang ako ng tanggaln ni Kley iyon at agad na inihilig ang uli sa braso ko.
"B-baby..." nahihirapang bulong ko.
"Pahiga dito. Hindi ako makatulog. Ang lakas ng tibok ng puso ko," pag-amin nito na naging dahilan para tumalon talon yung puso ko sa ilalin ng rib cage ko. Fvck it!
"Alright...sleep now," masuyong ani ko bago siya gawaran ng halik sa noo kasabay nun ay ang pagyakap ng kamay nito sa katawan kokaya mas lalo ko siyang hinapit palapit saakin at yakapin ang bewang niya.
"I love you, Kley...so much." punong-puni ng pagmamahal na ani ko.
Namayani ang katahimikan. Hindi na sana ako aasa sa sagot nito ng sabihin niyang, "I love you, Cleeven. I love you.." na tuluyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Maya-maya lang ay nakatulog narin ito sa braso ko dahil sa paghaplos ko sa buhok nito
Kahit nangangalay na ang braso ay napangiti ako ng makita ko si Kley na nakapikit na ang mata ngayon at malalim na ang paghinga.
Bahagya muna akonv humunga ng malalim bago siya gawaran ng halik sa labi bago sabihing," I'll marry you, Kley. I will, baby.."
----------------x
Next: Special chapter (Marraige life)? Feedbacks? I'm home! haha #welcomebacktime charr
BINABASA MO ANG
Don't You Dare [COMPLETED]
Cerita PendekUnang kita palang ay labanan na agad ang naganap. Isang babaeng walang maipakitang kahit na anong emosyon na siyang kinainisan ng lalakeng medyo masungit na modelo. Ngunit paano nalang kung malaman nito ang rason kung bakit wala itong emosyon? Genre...