Part 4:
Kleya (POV)
Nandito ako sa may swing habang kumakain. Narating ko pa Elementary dept. para lang may mapwestuhan. Jusko.Habang hawak ang coke in can ko dahan dahan kong itinutulak ang paa ko sa buhangin.upang umandar ying swing.
Ang boring ng buhay ko. Nakakaboring.
Habang nagswi-swing ay may namataan akong limang piso hindi.kalayuan saakin.
Tumayo naman ako para sana pulutin yung ng maunahan ako ng isang bata na kanina ay nakikipag habulan sa mga kasama niya.
"Akin na 'yan." as usual.
Bahagya pa itong natulala bago nito ilabas ang dila niya.
"Bleeeh! Ako nakakuha eh!" cute sana boses at mukha. Malademonyo naman ang ugali ng batang ito.
"Ako unang nakakita." feel niyo ying gusto kung ipakita sakanya na nagagalit ako o naiinis pero wala ni isang gustong gumuhit sa mukha ko?
At tsaka, bakit pa ba ako makikipag-agawan sa batang 'to eh may baon naman ako. Tsaka bata pa to eh. Impakta nga lang.
"Kahit na! Plastic naman mata mo! Di nagalaw!" pangaasar niya bago tumakbo.
Tanginang mga bata. Laging napagkakamalang plastic mata ko.
Babalik na sana ako dun sa duyan ng makita kong may naka upo dun.At tignan mo nga naman.
"Problema mo." kalmadong tanong ko or should i say sabi ko kay Cleeven na nakapangalumbaba sa duyan kung san ako naka pwesto kanina.
"How do you do that?" tanong nito na nakatingin sa lupa.
"Do what." tangna. Bat ba walang lumalabas?
"That. Paano mo nagagawang itago ang emosyong meron ka?" seryosong tanong nito bago tumayo kaya inangat ko ng kaunti ulo ko para nasalubong tingin niya.
"Diko alam." kalmado.
"Don't you dare looking at me while I'm talking to you.." umiwas ng tingin nitong sabi.
"Bakit." puno ng pagtataka ang salitang yan sa isip ko pero yan.lang ang lumabas.
Sumagot ulit ito ng hindi inaasahang sagot na nagparamdam saakin ng kakaiba.
Kakaibang emosyon na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.
"You're making me distracted on you.." nakita ko pa ang bahagyang pamumula ng mukha nito at kasabay nun ay ang pagtibok ng puso ko ng mabilis na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko.------x
BINABASA MO ANG
Don't You Dare [COMPLETED]
Short StoryUnang kita palang ay labanan na agad ang naganap. Isang babaeng walang maipakitang kahit na anong emosyon na siyang kinainisan ng lalakeng medyo masungit na modelo. Ngunit paano nalang kung malaman nito ang rason kung bakit wala itong emosyon? Genre...