Part 11:
Cleeven (POV)
Noong sinabi sakin ni Kley na tigilan ko na siya sobra akong nasaktan. Hindi ko alam kong bakit pero pakiramdam ko mahal ko na siya.
Kasi kong pagkagusto lang ang nararamdaman ko sakanya edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon.
Edi sana titigilan ko na talaga siya.
Pero hindi, dahil simula nung sinabi niya yun isang linggo na ang nakakaraan ay mas araw-araw ko pa siyang hinihintay. Umalis lang talaga ako nun kasi halos hindi ko matanggap na ganun niya ba talaga ako kadisgusto?
Pero nung araw din na iwan ko siya yun din yung araw na alam kong mahal ko na siya
Kaya nga ngayon ay patuloy parin ako sa paghihintay at pag-aabang sakanya.
Ilang minuto na akong nakasandal dito sa pader kung saan ang room ni Kley ng lumabas na ang mga kaklase niya.
"A-asaan si Kleya?" tanong ko sa isa niyang kaklase na bahagya pang namula.
"W-wala po eh. Hindi nanaman pumasok." sagot nito
Agad na napakunot ang noo ko. Halos isang linggo na siya hindi pumapasok at laging ganyan ang eksena ko. Hihintayin kong matapos ang klase nila at itatanong kung asan siya pero laging ganyan ang nakukuha kong sagot.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pamimilis ng tibok ng puso dahil sa kaba.
Shit. Baka kung ano ng nangyari sakanya.
Walang ano-ano ay agad akong bumaba para pumunta sa parking lot, naabutan ko pa si Tyler na nakasandal sa hood ng kotse niya habang naghe-headbang at nakatopless pa.
"Hey, dude!" bati oa saakin nito ng hawakan ko ang handle ng pinto ng kotse ko.
"Bat ka nakahubad?" takang tanong ko.
"Tangina, dude! Tapunan ba naman ako ng adobo nung mataray na babae sa abs ko dahil mayabang daw ako----" hindi ko na siya pinatapos at agad ng pumasok ng kotse.
Puro kalokohan ang damuhong yun eh.
Iaandar ko na sana ang kotse ko ng kumatok ito sa windshiel ko na nakatopless parin. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga babaeng andito rin sa parking kaya binuksan ko ito.
"Problema mo?" tanong ko.
"Tangna mo, dude. Ingat!" sabi pa nito bago ko pinahaturot ang sasakyan ko papunta sa village kung saan nakatira si Kleya. Ilang beses ko ng nakita si Kley na bumababa sa village na ito sa twing sabay kaming umuuwi noon.
Hindi ko alam na nakangiti na pala ko ng maisip ko yung dati. Nung kasama ko pa siya.
Agad akong bumaba ng kotse ko ng mabasa ko sa isang gate ang nakasulat na "Samonte Family" na alam kong apelyedo ni Kleya.
Tatlong bahay lang ang dadaanan bago ang bahay nila. Nang iangat ko ang paningin ko sa bahay nila ay malaki ito ang kaso medyo sira na ang pintura at medyo maalikabok na ang mga pader. Kitang kita rin dito ang halaman na puro natanda na at halatang hindi nadidiligan.
Agad akong napakunot ng noo. Dito ba talaga nakatira si Kleya?
Pagkaraan ng ilang minuto ay nagdesyon na akong mag-doorbell.
Kanina pa ako doorbell ng doorbell pero walang bumubukas.
Baka walang tao?
Mag-dodoorbell sana ulit ako ng may biglang magsalita sa likuran ko.
"Anong kailangan mo?" tanong saakin ng isang lalaki na sa palagay ko ay nasa 40's.
Pasimple ko pa itong pinasadahan ng tingin. Naka all black ito at may sunglasses pang suot
"Goodafternoon, Sir. Dito ho ba nakatira si Kleya?" magalang kung tanong pero agad na napadako ang paningin ko dun sa bumukas na kotse at iniluwa si Kleya.
"K-kleya.." mabilis ang tibok ng pusonv tawag ko sa pangalan niya.
Kagaya ng kasama niya ay naka-all black rin ito.
'Saan sila galing' tanong ng isang bahagi ng utak ko.
"Umalis kana." kalmado lang na ani nito at agad na lumapit sa kinaruruonan namin para bikdan ang gate nila.
"Dad, tara na." tawag niya duon sa lalaki na daddy niya pala.
Hindi ko agad nalaman dahil hindi naman sila magkamukha.
Papasok na sana si Kley ng hawakan ko ang palapulsuha niya na nagpabaling duon sa ama niya
"Kley, p-pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko. Gusto ko siyang makausap, gusto kung ipaala sakanya na mahal ko na siya. Gusto kong ipaalam sakanya na hindi ko siya titigilan.
Napansin ko ang bahagya nitong pagtungo na nagpakunot sa noo ko
Medyo nanibago lang ako dahil hindi naman siga nagiiwas ng tingin noon. Lagi pa nga itong nakikipaglaban sa titigan. Pero, bakit ngayon?
Magsasalita pa sana ulit ako ng magsalita ang ama nito, " pasok na, Kleya. Wala ka na ngang konsensya nakikipaglandian kapa." sabi nito na nagpakunot ng noo ko at nagpakulo ng dugo ko.
"Umalis kana, Cleeven." kalmadong ani ni Kley pero ramdam ko ang lungkot dito na nagpasikip ng dibdib ko.
"Umalis kana----" akmang magsasalita pa ang ama nito ng hilain ko si Kley at agad na isinakay at pinaharurot ang sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
Don't You Dare [COMPLETED]
ContoUnang kita palang ay labanan na agad ang naganap. Isang babaeng walang maipakitang kahit na anong emosyon na siyang kinainisan ng lalakeng medyo masungit na modelo. Ngunit paano nalang kung malaman nito ang rason kung bakit wala itong emosyon? Genre...