Kleya (POV)
Ilang araw na ang lumipas simula nung haranahin ako ni Cleeven sa may hallway dito sa loob ng campus.
Ilang araw narin ang nakalipas pero mula ng mangyari yun bihira na niya ako kausapin.
Minsan narin siya kung pumunta sa bahay ko. Pati ang tawagan ako dati tuwing gabi ngayon ay hindi na niya ginagawa.
Inaamin ko may nararamdaman na ako sakanya. Infact mahal ko narin siya. Nalate lang ulit akong mag-reak.
Balak ko na rin sana na sagutin siya nung araw na yun, pero pinangunahan ako ng takot.
Paano kong hindi pa ako handa? Paano kung hindi ako ang perfect girl para sakanya? Sa totoo lang medyo nanliliit ako sa sarili ko. Wala man lang akong maipagmalaki sakanya. Hinfi katulad niya n kilalang kilala in a positiveway dahil sa kagwapuhan, talentado at higit sa lahat matalino.
May pagka-asar talo minsan pero understanding din naman. Hindi siya gaya ng iba na halos malunod sa sariling pride dahil sa taas.
Noong una akala ko masyado siyang mapride at mayabang pero simula nung nakasama ko siya ng matagal narealize ko na there's always a goodside aside from a badside.
Hindi naman kase perpektong tao si Cleeven kagaya ng iba at ako. Pero dahil nga mahal ko siya, para saakin perpekto siya.
Papunta na ako sa cafeteria ngayon para mag lunch. Hinahanap ko rin si Cleeven para sabihin sakanya ang talagang nararamdaman ko. Hindi man niya sabihin pero alam kong nasasaktan ko siya sa paraang ginagawa ko. Sa pag iwas na ginagawa ko sa twing sinasabi niya sakin ng walang pag-aalinlangan ang nararamdaman niya.
Pero kasi nahihiya parin ako. Hindi ako sanay, hindi ko na kabisado ang reaksyon ng kinikilig kaya napapaiwas nalang ako.
Hindi ko man aminin pero miss ko na si Cleeven. Nasanay kasi ako na lagi siyang nasa tabi ko.
Nang nasa cafeteria na ako ay nakatungo akong naglakad para buksan ang glassdoor.
Akmang ihahakbang ko na ang paa ko papasok ng mat mamataan akk sa isang table.
Isang larawan ng dalawang taong masayang kumakain habang nag-uusap sa isang lamesa na nagpasikip sa dibdib ko. Ramdam ko ang bigat ng dibdib ko kay nagpakawalan ako ng malalim na hininga.
Gusto ko ng lumabas pero parang napako ang paa ko sa kinauupuan ko ngayon lalo na ng halikan nung babae sa pisnge yung lalaking sasagutin ko sana ngayon.
Huli na ng mapansin kong napatingin s gawi ko si Cleeven na nanlalaki ang mg mata bago bumagsak ang luha sa kaliwang mata ko.
Huli naba ako?
----------x
Wala nga kasing forever. Hahaha! Wawa Kley.
BINABASA MO ANG
Don't You Dare [COMPLETED]
Short StoryUnang kita palang ay labanan na agad ang naganap. Isang babaeng walang maipakitang kahit na anong emosyon na siyang kinainisan ng lalakeng medyo masungit na modelo. Ngunit paano nalang kung malaman nito ang rason kung bakit wala itong emosyon? Genre...