Part 9:
Kleya (POV)
Pagpasok ko palang ng bahay naabutan ko agad ang papa ko na umiinom nanaman sa may bar counter.
"Dad," pagpapaalam ko lang na andito na ako.
Parang wala lang itong narinig at patuloy na uminom.
Pumunta nalang ako sa kwarto ko at as usual walang ibang ginawa kundi tumitig lang sa kisame ko o kaya sa pader.
Ramdam ko sa sarili ko na gusto kong umiyak pero ni katiting na luha o kaya'y emosyon walang lumalabas.
Halos sumabog na ang dibdib ko sa sikip pero wala paring lumalabas ni katiting na reaksyon at emosyon sa buong katawan ko.
Gusto kong maranasan yung nararanasan ng ibang tao na kapag may problema sila idadaan nila sa iyak o kaya naman ay sa pagsabi at pagsigaw ng bigat na nararamdaman mo sa ibang tao o kahit sa kawalan. Gumaan lang ang loob.
Pero ni isa doon hindi ko magawa. At wala akong balak na gawin kahit isa man doon. Dahil sa oras na inilabas ko lahat ng ito....
Ikamamatay ko.
Ikamamatay ko ang sakit na mararamdaman ko.
-
Paglabas ko ng first subject namin agad kong namataan si Cleeven sa gilid ng room namin at bahagyang nakasaldan.
Bahagya pa itong napapatingin sa orasan niya.
Ayokong madaanan siya pero walang akong choice dahil yun lang ang way para makababa ako. Unless kong mananatili ako sa room.
Ang kaso magiging useless lang din yun dahil ginawa ko na yung nung isang araw pa pero hinintay niya parin ako.
Mag-iisang linggo ko narin siyang sinusubukang iwasan.
Ilang beses niya rin sinabi saakin ang nararamdaman niya pero ni isa doon hindi ko tinutugon.
Ayokong mapalapit pa sakanya. Dahil sakanya unti-unting lumalabas ang kakaibang reaksyon sa katawan ko na ilang taon kong itinago.
Ayokong may makakita kong gaano ako kahina at kung gaano kabigat ang dinadala ko.
Ayoko ring masira nalang ng basta basta ang itinayo kung pader sa puso ko.
Ayokong maramdaman pa yung noon...
At ayoko ng ideyang nag-kakagusto narin aki kay Cleeven dahil sa oras na inamin ko yun sa sarili ko, mawawasak lahat ng punaghirapan kong harang.
Mga harang na pumuprotekta saakin at the same time ay nagpapasakit sa buong katauhan ko.
------x
![](https://img.wattpad.com/cover/98654840-288-k244286.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't You Dare [COMPLETED]
Historia CortaUnang kita palang ay labanan na agad ang naganap. Isang babaeng walang maipakitang kahit na anong emosyon na siyang kinainisan ng lalakeng medyo masungit na modelo. Ngunit paano nalang kung malaman nito ang rason kung bakit wala itong emosyon? Genre...