Part 18

847 17 1
                                    

  Kleya (POV)






Nandito pa kami sa loob ng kotse ni Cleeven kahit nandito na kami sa parking lot ng mall kung saan kami kakain.




"I-unlock mo na. Lalabas na ako," kalmadong ani ko habang nakatingin lang sa dashboard ng sasakyan niya.




"Baby naman..." masuyong ni nito.




"Gutom na ko, Cleeven." sabi ko lang pero mahihimigan ang tampo sa boses ko.




"But your still jelous at Jell," kita ang pigil na pag-ngisi nito.



"Tangna, Cleeven ha. Gutom na ko," ulit ko ng hindi pinapansin ang sinabi niya.




"Look, Jell is just my cousin," ani nito na nagpabaling ng atensyon ko sa gawi niya




"E-edi wow," ani ko lang pero sa totoo lang medyo nakahinga rin ako ng maluwag at nahihiya.





Seriously, Kleya? Pinagselosan mo lang pinsan niya? Binalak mo pang suntukin si Jell?





"Are we okay now...hmmm...baby?" masuyong aniya bago abutin ang kamay ko na nasa ibabaw ng hita ko at bahagyang pinisil.




Bahagya ko lang itong inirapan para itago ang kilig na nararamdaman ng pagsalikupin niya ang kamay namin bago halikan ang likod ng kamay ko.





"Oo na, sorry na." sabi ko nalang.




Nandito na kami sa loob ng Mang Inasal. Ayaw pa nga niyang pumayag kanina kong hindi ko lang siya tinignan ng masama at tinaasan ng isang sulok ng labi.





"B-baby....bakit walang kutsara?" nagtatakang tanong nito habang nakatitig dun sa kanin niyang may chicken leg.



"Self service," kalmado ko lang na sabi bago tumayo para maghugas ng kamay.




Nakasunod pa saakin si Cleeven habang patingin tingin sa paligid.




Pinaghugas ko narin ito ng kamay at akmang babalik na sa table namin ng hawakan nito ang palapulsuhan ko.




Tinignan ko naman ito, "bakit nanaman?" medyo naiinis nang tanong ko. Gutom na ako!




"Why didn't you get some spoon and fork?" nagtatakang tanong niya.




"Magkakamay ako," nagtitimping sagot ko.




Bahagya pa itong napamulagat ng mata




"You're what-----?" nagtatakang ani nito.





"Bahala ka nga diyan! Magkamay kana rin. Mas masarap," suhestyon ko bago umupo sa upuan ko





Umupo narin siya sa tapat ko.




Nagumpis na akong kumain habang siya ay nakatitig lang dun sa plato niya na hindi parin ginagalaw tapos titingin nanaman saakin na may halong pagtataka.





"Huy, kain kana!" sita ko pa.




"I-i dont know how to eat using my....hands." parang nag aalinlangang sagot nito.




Tumayo ako sa kinauupuan ko bago umupo sa tabi niya at inusog sa tapat ko ang plato niya para himayin yung chicken leg na order niya.




After nun ay ibinalik ko na sakanya yung plato na tinitigan lang niya





Nang hindi na ko makapagtimpi ay kinuha ko na ulit ito bago kamayin yung kanin at ulam bago itapat sa bibig niya




"Ah," kalmado kong sabi.




Nakita ko ang gulat na bumalatay sa mukha niya habang namumula pa.



"Ngawit na ko, Cleeven. Nganga na," ani ko pa habang nakapoker face parin.




Agad niya namang hinawakan ang palapulsuhan ko bago kainin yung isinubo ko sakanya bago kumamay ulit ng kanin na isinubo ko naman ngayon.





Ganun lang all along. Subuin ko siya kakain ako and vice versa.




Kasalukuyan akong naghuhugas sa may faucet ngayon. Ako lang naman kasi nagkamay. Ngumanga lang si Cleeven. Tss




After naming kumain ay naglibot libot na kami sa buong mall.



Tahimik lang akong naglalakad ng maramdaman kong hawakan nito ang braso ko pababa sa kamay ko at pagsalikupin ang daliri naming dalawa.




"Bitaw," kalmadong ani ko.




Naramdaman ko ang marahang pagbitaw nito sa kamay ko bago tumungo. Tinignan ko naman ito. Nang mapansing nakatingin ako sakanya ay tumingin din ito sakin bago pilit na ngumiti kahit halata ang sakit na bumabalatay sa mga mata niya.




Hilig talagang magtago ng emosyon to. Idol yata ako




Tumigil muna kami sa paglalakad bago ko siya harapin at sakupin ang pisnge niya gamit ang mga kamay ko.




Pilit pa nitong iniiwas ang paningin niya na parang nahihiya.




"Look at me," pilit na pinapalambing ang boses na ani ko





Agad naman itong sumunid sakin. Habang nakatitig ako sakanya ay kita ko ang sakit sa emosyon niya na nagpabigat sa dibdib ko.





"I'm sorry..." masuyong paumanhin ko bago bahagyang pinisil ang pisnge nito





"Alam mo namang dipa ako nag alcohol," pag-amin ko. Nakakahiya ng hawakan nito ang kamay ko. Nagsabon lang ako eh.





"Pero hawak mo pisnge ko," nangingising aniya pero kita parin ang lungkot samga mata nito.





Bahagya kong inilapat ang ilong ko sa pisnge niya.





"Cleeven...." maginang bulong ko rito.




Ramdam ko ang bahagyang paghinto nito bago hawakan ang tagiliran ko.





"What is it, baby?" masuyong bulong nito.




Huminga muna ako ng malalim bago ipulupot ang kamay ko sa leeg niya at yakapin siya ng mas mahigpit bago sabihin ang mga katagang, "I love you, Cleeven...be my boyfriend." bago itago ang mukha ko sa leeg niya dahil sa hiyang nararamdaman ko.






----------x  

Don't You Dare [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon