Chapter 3

99 3 0
                                    

Hyacinth's POV

'Badtrip, lagi nalang ganito. Bakit ba kasi ganito ako?'

Kasalukuyan akong nasa gilid ng school kung saan may damuhan at mga puno may mga bench din, dito ako madalas pumunta kapag magre-review ako o kaya wala ako sa mood.

Naglakad ako patungo dun sa isang bench at naupo.

'Ano naman kayang gagawin nila Mommy kapag nalaman na naman nila 'to? Naalala ko tuloy yung ginawa ni Mommy dati..'

FLASHBACK

"Hyacinth Lauren! Lagi nalang akong nakakatanggap ng ganitong balita! Ano ba ito? Babae ka ba talaga?!" Sigaw sakin ni Mommy.

'Tama ba ang kwestyunin ang sarili mong anak kung babae ba siya o hindi?'

"Babae ho ako. Sa pagkakaalam ko ay anak niyo ho ako, bakit hindi niyo ho alam?" Sagot ko rito.

"Hyacinth.." Sambit ni Ate Lad.

"Sumusobra ka na, Hyacinth! Nakakapagod ng maging magulang mo!" Sigaw pa ni Mommy.

"Mom!" Sigaw naman ni Ate Lad.

"Nakakapagod na din ho maging anak niyo." Sambit ko nalang at agad namang lumapit sakin si Mommy. Doon ako nalito.

'Anak niya ba talaga ako?'

"How dare you! Pinalaki ba kita ng ganyan?! Pinakain kita at pinag-aral kita! Ano bang kulang doon at lumaki ka ng ganyan?! Masyado kang mayabang! Wala kang utang na loob! Dapat sa iyo ay iniiwang mamatay! Lumayas ka sa harapan ko!" Sigaw niya sakin matapos niya akong sampalin.

'May mga magulang pala na nagagawang sampalin ang sariling anak? May magulang pala na kayang sabihin ang lahat ng iyan sa sarili niyang anak? Oh wait.. Am I her daughter? Am I a part of this family? Am I a Montevilla?'

Hindi na ako nagdalawang isip at lumabas ng bahay na iyon.

'Ang sakit. Ang sakit sakit.'

Ginawa ko ang lahat 'wag lang bumagsak ang luha ko. Sa totoo lang ay kanina pa ako naiiyak, sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng nanay ko.. nakakapanghina.

'Nakakapagod. Gusto kong magpahinga.'

END OF FLASHBACK

'Sa totoo lang ay ayoko ng maulit pa iyon dahil sa mga oras na iyon ay wala ng mas sasakit pa. Ang marinig lang ang mga sinabi niya ay wala na akong makitang mas sasakit pa doon. Ang ayawan ka ng sarili mong magulang.'

Tinignan ko ang paligid. Walang tao. Ako lang. Mahangin dito at wala kang maririnig na ingay. Masayang mag-isip.

Nagulat ako nang may biglang bigat na umupo sa bench na inuupuan ko kaya agad akong napalingon dito.

'Pierce. Ano naman kaya ang kailangan niya? Kanina lang ay ramdam na ramdam ko ang mga titig niya sakin pero binalewala ko ito.'

Showing Fake Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon