Hyacinth's POV
"What are you talking about, Maxemore? Ganun ba ang tingin mo sa akin?" Nakakunot ang noo na sagot sakanya.
"I was just joking, hahaha! Okay then, see you tomorrow." Sambit niya at pinaandar na ang sasakyan niya paalis.
'Joke na 'yun? Bakit parang may naramdaman akong kakaiba?'
Umandar na din ako at umalis na doon. Ilang minuto lang ay narating ko ang bahay. Sumalubong agad sa akin sa pintuan ang ate kong nakakunot ang noo nang hindi pa ako nakikita pero nang magtama ang paningin namin ay nabakas ko ang ginhawa sa mukha niya.
"Where have you been, Aya? Napakatagal mo naman atang hinanap 'yang cellphone mo! Akala ko ay nasa taㅡ"
"I was with Maxemore." Sagot ko at hindi na hinintay ang sagot niya't pumasok na sa loob.
Nadatnan ko na naman ang dalawang magkapatid na naglalaro ng xbox sa sala. Si Citrine naman ay natutulog sa kabilang sofa. Habang si Zircon, wala. Wala siya sa sala.
"You're with who?! Are you out of yoㅡ"
"I know. Don't get me wrong but.. we actually had a deal." Sagot ko at diretso ng humakbang paakyat sa taas.
"Have you eaten?" Narinig kong sigaw niya.
"Yeah." Sigaw ko pabalik at naglakad papunta sa kwarto ko.
Nang marating ko ito'y pumasok na ako't sinarado agad ang pintuan. Dumiretso ako sa kama at humiga agad doon.
"Hah! What a day!" Sabay buntong hininga.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Ibinalik ito kanina ni Maxemore habang kumakain kami sa restaurant ng nanay niya.
Hindi naman sa umasa ako pero umasa talaga ako na makakatanggap ako ng message sakanya matapos ang date namin kanina.. wait.. it's not actually a date. We had a deal so yeah, it wasn't actually a date.
Malungkot akong tumingin sa screen ng cellphone ko. Naalala ko na naman na hindi maganda ang sitwasyon ng pagkakaibigan namin ngayon nina Hedeiva at Severene.
Ipinatong ko na ang cellphone ko sa maliit na table sa gilid ng kama ko, tinanggal ko ang sapatos ko at diretso ng natulog. Pero bago pa ako makatulog ay sinaksakan ko na ng charger ang cellphone ko at saka na ako natulog.
***
Sunday ngayon. Wala akong plano. Wala akong gagawin. Mahihiga lang ako dito buong araw. Hay.
Kinuha ko ang cellphone ko. Dahil sa kaboringan, sinipag akong magscroll ng magscroll sa news feed ko.
Nakuha naman ang atensyon ko ng photos ng mga hair color. The gray ombre caught my eye. It looks good. Since college naman na ako ay pwede na akong magpakulay.
'Bagay kaya sa akin 'to?'
Sinave ko ang post na 'yun at lumabas sa kwarto, pero bago pa ako tuluyang lumabas ng kwarto ay tumakbo ako pabalik sa loob at pumunta sa harap ng salamin.
'Okay, walang muta, walang panis na laway, maayos ang buhok, at may bra.'
Lumabas na talaga ako at bumaba na ng hagdan.
"Amethyyyyyyyyst!" Sigaw ko habang pababa ng hagdan.
Nagtatatakbo papunta sa akin si Amethyst nang makababa ako.
"Yes po, Ate Lauren?" Tanong niya sakin habang nakangiti.
"Can you help me?" Nakangiting tanong ko.
BINABASA MO ANG
Showing Fake Love (COMPLETED)
Cerita PendekKahit kaunti, kahit hindi totoo.. basta meron.. basta sinabi mo mahal mo ako. Maniniwala ako, tatanggapin ko. Mahal kita, 'yun lang 'yun. Mahal mo ako, pero hindi totoo. Masakit? Oo masakit. Sobra. Pero anong magagawa ko? Pilitin kong mahalin mo ako...