Chapter 14

41 2 0
                                    

Hyacinth's POV

Simple lang ang sinabi niya ngunit ramdam ko ang sarili kong pisngi na umiinit. Napansin kong kahit siya ay natigilan sa sinabi niya.

"Ehem.. mmm. Sorry for that. 'Wag mo na sanang alalahanin 'yun. That's nothing, Hyacinth. So yeah. Shall we go?" Sambit niya. Ramdam ko ang awkwardness. Nakakahiya.

"Yeah, sure." Agad naman siyang tumango at naglakad na kami.. papuntang parking?

"By the way, Iwan mo muna ang kotse mo dito. Balikan natin mamaya. Kotse ko ang gamitin natin, 'wag kang mag-alala, sasamahan kita pauwi.. pero magkaiba tayo ng kotse," tinignan niya ako at bigla siyang ngumiti "Okay lang naman diba?" Tanong niya at wala na ngayon ang ngiti niya.

"O-Oo naman 'no. Tsaka 'wag mo talaga akong pagdrive-in, baka mamatay ka kasi ng maaga eh." Napapahiyang sagot ko naman at bigla siyang tumawa.

"Yes, I know that. Kaya ako ang magda-drive. Tsaka hindi pa ako pwedeng mamatay, may mga bagay pa akong kailangang gawin." Sabay ngisi niya at saka ko lang napagtanto na nasa harap na kami ng kotse niya, inunahan niya ako at binuksan ang pintuan sa front seat.

'Grabe naman! Kailangan magpaka-gentleman? Nakakapanibago naman itech!'

"T-Thank you."

'Shet pabebe na ako! Bakit ba ako nauutal! This is not me!'

Pumasok na ako at naupo. Siya naman ay umikot na papunta sa kabila para maupo na din sa driver's seat. Nakaupo na siya at umandar naman agad ang kotse. Tahimik ang byahe at tanging tunog lang ay ang relo ko.

"It's so quiet." Pambabasag ni Maxemore sa katahimikan.

"Yeah." Walang ganang sagot ko. Hindi ko alam kung paano magsisimula ng isang usapan.

"So uhmm.. How's your studies?" Tanong niya.

"Uh. You already know my situation. As always, ang offenses ko ang nagpapababa sa akin." Sagot ko.

'Totoo naman! Offenses ang nagpapababa sa akin!'

"You have so many offenses. Ni hindi ko na nga mabilang. But I can show you, nasa akin ang listahan ng offenses mo."

"What?! No, Ayokong makita ang kung ano mang kagaguhan na ginawa ko. Because.. I know I can't change my life.. myself. I was born like this, so I will live like this." Sagot ko.

"Hindi mo masasabing hindi ka magbabago kahit kailan, The impossible can also happen, too." Nakangiting tugon naman niya.

'I don't know pero parang gumaan ang loob ko. Umaasang baka sakaling magbago nga ako at magustuhan na ako ng nanay ko. Na sana ituring niya na akong anak.. kahit alam kong hindi 'yun mangyayari.'

"Yeah." Tanging sagot ko nalang at katahimikan na naman ang tanging narinig.

Hangga't sa biglang tumigil ang kotse. Nakatapat kami sa isang Restaurant.

The Silvereine

Ano naman kayang mga pagkain dito?

"If ever nagtataka ka, Just one little information about this restaurant," tinuro niya ang sign na The Silvereine "My Mother owns it." Sabay ngiti.

Showing Fake Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon