Hyacinth's POV
"Stop right there you two." Malamig na sambit ng kung sino bago pa kami umalis ni Pierce.
Lumingon ako doon at nakita ko ang isang lalake na matangkad at medyo magulo ang buhok, Napakalamig ng tingin niya, animo'y isa siyang mamatay tao.
"Oh, so you also study here?" Pierce suddenly asked, referring to the boy who stopped us.
"Yes, Pierce. And I need you two to go back and attend your classes, This is an order that you need to follow." Sagot nung lalake.
"Why would we do that?" Pierce asked, sarcastically.
'Sino ba siya?'
"Because I am the President of the Student Coordinating Body of Cavariea." He answered.
'Ganun ba ako ka-tanga para hindi malaman na siya ang President ng SCB?! Bakit hindi ko alam?!'
"It seems like that woman beside you has so many offenses, huh. She deserves to be expelled." Dagdag pa nito.
'Aba! Baka gusto niyang i-expel ko siya?!'
"I am aware of that, Maxemore." Sagot ni Pierce habang nakangisi.
"And you are getting her in trouble again, Pierce." Nakangiting sambit ni Pierce.
'Wala na akong pake kung ma-expel na ako dito mga leche.'
"I do know that, Tytus." Dagdag ni Pierce.
'Kanina Maxemore tapos ngayon Tytus? Ano ba talaga?! Ang dami niyang pangalan ha!'
"You will need to go back. Or else I won't hesitate on bringing you to the Principal's Office." Sagot naman nito.
"Go ahead, Silvestre." Nakangiting sagot ni Pierce.
'Ano ba 'to ang sakit sa ulo! Ayoko mapunta sa Principal's Office juskooo!'
"Okay then. Come with me Montevilla and Leovantes." Sambit nung President at tumungo na kami papasok ng school.
"Bakit ka nasa labas?" Bigla kong naitanong.
"May nagsumbong sa akin about you two, Kaya lumabas ako para sawayin kayo." Sambit niya at nagpatuloy na kaming sumunod sakanya.
"Re--"
"Ano na naman ito, Montevilla?!" Biglang bulyaw sakin ni Principal Pior pagtapak ko sa school.
"Principal Pior, She--"
"Hindi ka ba nadadala ha?! Ilang sigaw at ilang saway pa ba ang kailangang gawin ko para tumigil ka sa kagaguhan mong ito?!" Sigaw pa nito.
'Gusto mo bang malaman kung bakit ganito nalang kung makasaway at kung magalit sakin si Principal Pior? Well..'
"Wait lang ho ah? Hindi ho ako makakita ng sapat na rason para sigawan niyo ako ng ganito, Hindi ko ho kailangan ng pagsaway niyo, Kaya ko ho ang sarili ko, Ewan ko lang ho sa inyo at napakalaki ng problema niyo sa akin, Ganito ho ako, Wala na ho akong magagawa dun. Tanggapin niyo nalang ho kung ano ako, Tutal Principal lang naman ho kayo at hindi magulang ko. Tita lang ho kita Principal Pior." Mahabang sagot ko sakanya.
'Tama ka, Tita ko si Principal Pior. Kloe Abellana Pior. Kapatid ng nanay ko. Middle name ko ang Abellana, At Abellana naman ang apelyido ng nanay ko nung wala pa siyang asawa.'
"Kadugo pa din kita, Hyacinth! 'Wag kang umasta na parang hindi ka pinalaki ng sarili kong kapatid!" Sigaw niya pa, galit na galit.
"'Yun na nga ho eh, Kadugo ho kita, At kapatid niyo ho ang nagpalaki sakin at siya ho ang nanay ko, Pero wala pa din ho ang salitang 'magulang kita'. Hindi ho ikaw ang nagpalaki sakin, kundi ang kapatid niyo ho." Walang emosyong sagot ko dito, Mababakas sa mukha niya ang pagkagulat at umaktong lalapit sakin para sampalin pero may humarang..
"Mrs. Pior, Wala po kayong karapatang manampal ng isang estudyante, Lalo na't wala naman pong ginawa ang estudyante sa inyo. Sa lugar na ito ay isa po kayong Principal at hindi Tita ng babaeng ito." Sambit nung lalake.
"Maxemor--"
"That's against the rules, Principal Pior." Sambit pa ni Maxemore.
"Maxemore Tytus Silvestre, Wow. Hindi ko akalaing ipagtatanggol mo ang babaeng ito!" Sambit ni Principal Pior kay Maxemore.
"Hindi ko po siya ipinagtatanggol, Ikaw po ang ipinagtatanggol ko sapagkat muntikan na kayong lumabag sa batas, Kapag nakarating sa iba pang tao ang pananakit ninyo sa isang estudyante ay maaaring makasuhan kayo ng abuse at mawala kayo sa posisyon ninyo." Paliwanag ni Maxemore.
"Wala akong pak--"
"Principal Pior, Sumusobra na po kayo sa kapatid ko. Tama po ang sinabi niya, Tita ka lang niya pero kung makaasta ka ay akala mo nanay ka niya. Sisiguraduhin ko pong makakarating ito sa nanay ko." Biglang sambit ni Ate Ladevine na kanina pa pala nakikinig sa amin.
Lumapit siya sakin at hinila ako papalayo doon. Nang makalayo naman kami ng kaunti ay tumigil siya at napatigil din ako.
"Okay ka lang ba, Hyacinth?" Sambit niya, kita sa mata niya na nag-aalala siya sakin.
'Totoo ba 'yan?'
"Ayos lang ho ako, Ms. Ladevine." Sagot ko rito. May kung anong meron sa mata niya na nakakapagpahina sa akin. Lungkot..
"H-Hyacinth, I-I d--"
"I need to go, Ms. Ladevine." Sambit ko at umaktong aalis na ngunit hinawakan niya ako sa braso.
"Hyacinth, Please listen to me.. just this once.. please.. aya.."
'Aya.. Namiss ko yun ah.'
Humarap ako sakanya, senyas na makikinig ako.
"I'm so sorry, I'm so sorry for everything. Hindi naman talaga kita sinusumbong kila Mommy, Sadyang nalalaman lang talaga nila ang lahat dahil kay Tita Kloe, Sinusumbong niya lahat ng ginagawa mo. Ginagawa ko ang lahat para pagtakpan ang lahat ng ito pero nakakarating pa din ito kina Mommy. Please believe me, Aya. Hindi ako gagawa ng bagay na alam kong ikapapahamak mo. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na talagang isumbong ka kila Mommy. Gusto kitang ipagtanggol sakanila pero wala akong magawa, I'm so sorry.. Sorry kung ako ang paborito nila at hindi ikaw.. but please believe me, Aya, I love you. I love you, little sis." Sambit niya at niyakap ako ng mahigpit.
'Nakakaiyak pero.. pinigilan ko.. ayaw kong nagmumukhang mahina sa harap ng taong importante sa akin, Ayaw kong may ibang makakita ng soft side ko.'
"It's okay, Lad." Sambit ko at napangiti naman ito.
"I promise, Ngayon.. ipagtatanggol na kita palagi." Aniya habang nakangiti.
"Okay.." Sagot ko naman.
"Bakit ba ang cold cold mo?" Nakangusong reklamo niya.
'Aba? Ang daming arte ah?'
"Normal lang ako. Kayo ang abnormal." Sagot ko dito.
'Halos lahat nalang sila sinasabi na cold ako, masungit ako at mataray daw ako. Jusko! Hindi lang talaga ako madaldal at wala din akong masyadong interes sa bagay bagay.'
"Kami pa abnormal ha. Wow. Oo nalang po."
BINABASA MO ANG
Showing Fake Love (COMPLETED)
Short StoryKahit kaunti, kahit hindi totoo.. basta meron.. basta sinabi mo mahal mo ako. Maniniwala ako, tatanggapin ko. Mahal kita, 'yun lang 'yun. Mahal mo ako, pero hindi totoo. Masakit? Oo masakit. Sobra. Pero anong magagawa ko? Pilitin kong mahalin mo ako...