Chapter 5

86 3 0
                                    

Hyacinth's POV

"Oh ano, Cinth. Okay ka na ba? Okay na kayo ng ate mo?" Tanong sa akin ni Severene.

"Oo.. ata." Nag-aalinlangang sagot ko.

'Hanggang ngayon kasi nahihirapan akong maniwala kung totoo ba ang sinasabi niya.'

"Ha? Bakit hindi ka sigurado? Sabi mo bati na kayo ah?" Dagdag na tanong naman ni Hedeiva.

"Pwede ba? 'Wag ng puro tanong, Umuwi na tayo!" Sigaw ko bigla sakanila na ikinagulat naman nilang pareho.

'Fuck! Ayoko kasi ng paulit ulit!'

"S-Sige.." Sagot nilang pareho at naunang naglakad sa akin.

'Bakit ba ganito ako?!'

"S-Sorry. Y-You know I don't like r-repeating what I said." Naisambit ko, na-guilty ako ng sobra sa pagsigaw ko sakanila. Alam kong mali iyon.

"Okay lang, Cinth. Naiintindihan namin. Mabuti't nagkabati na kayo ng ate mo. Baka sakaling magtuluy-tuloy na 'yan at pati kayo ng magulang mo magkaayos na." Nakangiting sambit ni Hedeiva sa akin.

"Sana.. pero kahit hindi na." Nakangiti namang sagot ko. Napalitan ang ekspresyon sa mukha nila at ngayon ay puno na ito ng pagtataka.

'Sabagay, sino ba namang tao ang may gustong 'wag ng magkaayos ng mga magulang niya. Well.. ako 'yun. Kaya ko naman ng wala sila, siguro.. pwede na.. oo kaya ko.'

"Ano bang sinasabi mo, Cinth? Ayaw mo bang magkaayos kayo ng magulang mo?" Tanong ni Severene.

"Maayos naman kami at walang problema." Sagot ko.

"Pero--"

"Umuwi na tayo, pagod na din kasi ako." Pagpuputol ka sa sasabihin niya.

'Alam kong kokontrahin na naman niya itong iniisip ko, Alam kong magsasalita na naman siya ng malalalim na salita na kahit kailan ay hindi ko maiintindihan. Alam ko kasi 'yun ang Hedeiva na kilala ko.'

"Sige--"

"No! Bakit ba pilit mong iniiwasan ang topic about sa magulang mo? Bakit lagi mong pinuputol? Ano bang problema? Alam kong importante pa din para sayo ang mga magulang mo at kahit anong gawin nila sayo ay alam kong mahal mo pa din sila! Pero bakit pilit mong pinapatigas ang sarili mo at pilit mong nilalayuan ang tunay mong nararamdaman? Kung akala mo mali ang nararamdaman mo, Nagkakamali ka! Hindi dapat sa lahat ng oras malakas ka, Hyacinth. Kailangan mo rin magpakita ng konting kahinaan. Hindi laging malakas! Hindi ka manhid, Hyacinth! Alam kong nasasaktan ka din sa nangyayari, Alam kong nahihirapan ka, Kaya mo iniiwasan! Walang masama sa pagiging madrama, Walang masama sa pagpapakitang may nararamdaman ka, Walang masama sa pagiging mahina. Kasi parte na 'yon ng pagkatao mo! Walang taong sobrang lakas, Hyacinth. Try mong ilabas ang lahat ng emosyon mong pilit mong itinatago, Baka sakaling maging okay ka.. maging okay ang lahat. Kung pilit mong iiiwas ang sarili mo, lalong gugulo, lalong magiging kumplikado, lalong walang makakaintindi sayo at dadating sa puntong.. akala mo wala ng taong may pake sayo." Mahabang litanya ni Hedeiva.

'Ayan., Ayan ang sinasabi ko.. Ang malalalim niyang salita. Pinilit kong umilag pero tinamaan ako. Tinamaan ako sa lahat ng sinabi niya. Feeling ko nalulusaw na ako at kinakain na ng lupa. Kasi totoo.. Totoo ang sinabi niya. Nagmamatigas ako at pilit kong pinapakita na manhid ako.. na wala akong nararamdaman.. na wala lang sakin ang lahat. Pero ang totoo niyan ay nahihirapan na ako, sa puntong.. gusto kong magpahinga.. at mawala ng parang bula sa mundong ito.'

"N-No.. Hindi ako g-ganyan!" Pag-dedeny ko sa sinabi niya. Napalitan ang ekspresyon niya at kumunot ang noo niya, Ang mga mata niyang namamasa na at malapit ng maluha. Galit na siya sakin..

"I hate you, Hyacinth! I-I hate you for being like this! Why the hell are you like this?! Bakit lagi mo nalang dinedeny?! Bakit lagi mong tinatago?! Lalo mong sinasaktan ang sarili mo! Lalo akong naaawa at hinihiling na sana ako nalang ang nakakaranas ng nararanasan mo ngayon!" Dagdag niya.

"Yun na nga eh! Mas gusto kong ako nalang ang masaktan! Ako nalang ang makaramdam ng lahat! Kasi kapag sinabi ko sa inyo, ano?! Maaawa kayo! Ayan! Ganyan! 'Yang hinihiling mo! Ayoko ng ganyan! Ni minsan ay hindi ko hiniling na nasa posisyon ako ng ibang tao! Ni minsan ay hindi ko hiniling na sana maganda nalang ang buhay ko at hindi na kumplikado! Ni minsan ay hindi ako humiling ng mas higit pa sa meron ako! Kasi kuntento ako! Kuntento ako sa meron ako at sa kung ano mang ipinagkaloob sa akin ng Diyos! Hindi ako nagsisisi, Kasi ginusto ko ito. Ginusto ko ang buhay na ganito, kasi para sakin ito ang mas madali. Atleast wala ng ibang madadamay. Ako lang. Ako lang ang nasasaktan. Wala ng iba." Hindi ko natiis. Ayokong nakakarinig ng mga ganung kahabang litanya. Kasi nailalabas ko ang nararamdaman ko. Ganun ako kapag sobra akong natamaan sa sinasabi nila. Nailalabas ko ang nararamdaman ko. Nasasabi ko ang lahat ng nasa puso't isip ko. At ayoko ng ganun.

"A-Ayokong maging mahina, Hedeiva. Natatakot akong maging mahina. Kasi kapag naging mahina ako.. baka hindi ko kayanin.. baka bigla nalang akong mapagod. Baka sumuko ako at pagsisihan ko. Ayokong magsisi. Kaya pumipili ako ng maayos. Maayos na tipong walang ibang masasali, kundi ako lang." Dagdag ko pa at bumagsak na ang luha ko. Hindi ko na kinaya. Masyado akong naging emosyonal. Masyado akong nasaktan. Masyado akong naapektuhan.

"Ni minsan ay hindi ka naging bato at kahit kailan ay hindi ka magiging bato. You are still that weak Hyacinth we know. That thin and crybaby Hyacinth. That Hyacinth that was once you. The old you. We miss that Hyacinth. We miss the old you. We want you back." Sambit ni Hedeiva at niyakap ako.

'Weak, thin, crybaby. Damn. I miss her too.'

"Will she come back?... Will you come back?" Tanong ni Severene.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatitig sa kung saan.

"Silence means yes." Hedeiva said, smiling.

"I-I can't." Sagot ko na ikinawala ng ngiti ni Hedeiva at Severene.

"Sinimulan ko na ang pagiging cold, malakas at masungit na version ko. Kailangan kong ituloy. Hindi na ako pwedeng bumalik. Kasi may mga bagay na bumabalik, pero may mga bagay din na tuluyan ng umaalis at hindi na muling bumabalik pa." Sagot ko.

Showing Fake Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon